Jay-R Siaboc hopes new attitude, new bod jumpstarts his stalled career

Jay-R credits his improved physique to a drastic regimen that made him look good but probably not so great to live with in those days: "Deprived ako sa kinakain ko kaya umiinit ang ulo ko. Ayokong maglalabas. Hindi ko kayang makisalamuha sa mga tao. Lagi akong wala sa mood. Sa bahay lang ako. Hayun, boksing!"


Naghiwalay na pala sina Jay-R Siaboc at Irish Fullerton. Nalaman namin ito nang madatnan namin si Jay-R sa The Bar sa Eastwood Mall kagabi, October 16. Launch ng bagong labas na apple vodka cocktail, at isa si Jay-R sa endorsers nito.

"Nag-usap talaga kami [ni Irish], pero sa amin na lang ang mga detalye," nangingiting sabi ng singer-actor.

"Maayos naman, walang grabeng away. Of course, nagkaproblema kami, pero sa amin na lang muna yun.

"Basta, ang importante roon, yung nasabi namin sa isa't isa, kailangang unahin muna ang career. May kanya-kanya rin kasing problema. Sa akin nga, yung family ko.

"May communication pa rin naman. Minsan, nagte-text. Ang alam ko, nakikipag-date na si Irish sa iba. Okey lang naman kasi wala na kami. Wish ko lang na mayroon na rin ako, kaya lang, wala pa talaga, e.

"Naghiwalay kami na walang third party involved. Hindi yun ang dahilan talaga," diin pa niya.

Pero, ang kutob ng press that night, mayroon pa ring relasyon ang dalawa. Kailangan lang talagang tutukan nila ang kani-kanyang career.

"Naku, balitaan ko na lang kayo kung may developments," nakatawang sabi ni Jay-R.

LOOKING GOOD FOR CAREER. Nagulat kami sa iginanda ng katawan ni Jay-R. Baka kaya nakapagpapayat siya ay dahil na-depress siya.

"May relasyon pa kami ni Irish, nagsisimula na akong magpapayat. Sa gym, diet, at saka boxing," sabi niya.

"Na-realize ko kasing hindi na maganda. Di ko na gusto ang pagtaba ko. Nawawalan na ako ng ginagawa. Hindi lang acting ang nawawala sa akin, pati na ang pagkanta ko.

Grabeng pagdidiyeta ang ginawa ni Jay-R, to the point na hindi na siya lumalabas ng bahay.

"Deprived ako sa kinakain ko kaya umiinit ang ulo ko," aniya pa. "Kaya ayokong maglalabas. Hindi ko kayang makisalamuha sa mga tao. Lagi akong wala sa mood.

"Sa bahay lang ako. Hayun, boksing!" aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW ATTITUDE, NEW OPPORTUNITIES. Parang wala ring nangyayari sa singing career niya, at maski yung dating grupo sa ASAP '09 ay parang nawala na rin.

"May nababalitaan ako na may bagong recording nga raw," sabi niya. "Bagong album daw. Walang problema sa akin. Naghihintay lang ako.

"Hindi ko naman masasabing nanghihinayang ako. Nakikita ko nga, si Maja Salvador, nagbibida na. Kung nagtuloy-tuloy yung teamup namin, baka kami pa rin ang magkapareha. Pero, ganoon talaga, e.

"Babawi na lang ako. Baka sakaling makabalik uli. Aware ako roon. Nawala talaga ako.

"Hindi madali. Aaminin ko, noong bago pa lang ako, wala pa akong kamalay-malay talaga sa showbiz. Parang nawindang pa ako. Ngayon lang pumapasok sa akin yung mga dapat na matutunan ko sa showbiz.

"Na-realize ko lang, nawawalan na ako ng trabaho. Importante pala talaga ang katawan, trabaho, yung lahat na pagsisikapan mo dahil puhunan mo yun, at may mga umaasa rin kasi sa akin," kuwento pa ni Jay-R.

Seryoso naman daw siya noon, pero parang kulang pa. Ngayon, may bagong chance uli si Jay-R. Kasama siya sa Agimat series na magtatampok kay Jolo Revilla bilang Pepeng Agimat.

"Hindi ko masasabing kumpletong-kumpleto, pero sisiguraduhin ko lang na gagawin ko ang lahat para lang makabalik," pagwawakas ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN