Glaiza de Castro's intensity in Stairway to Heaven caused her stress

Glaiza de Castro's dedication to her craft may be paying off dividends for her show but could be costing her her health: "Minsan kasi ganoon ako sa eksena kapag intense talaga. After our scene, nanginginig talaga ako. Lalo na yung talagang intense, nanginginig talaga ako."


Sa paniwala ni Glaiza de Castro, ang pagiging masyadong intense niya sa pagganap ng kontrabidang si Eunice sa Stairway to Heaven ang nakapagbigay sa kanya ng stress noong Lunes, October 12. Nakaranas siya ng pagmamanhid at hirap sa paghinga habang nagte-taping kaya bigla siyang napatakbo sa duktor.

Pero back to work kaagad ang aktres, and two days after the incident, nakipag-interbyu siya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nung October 14, sa taping ng kanyang GMA-7 primetime series sa SM North Edsa, Quezon City. Kuwento ni Glaiza:

"Kasi Sunday po, galing po ako ng shoot for an indie film. Tapos, nag-pack up ako doon ng mga 2 a.m. Tapos dumiretso ako ng Makati for Stairway. E, ang call time ko noon is at 4 a.m. E, kung uuwi pa ako ng Bulacan, e, hassle na. Kaya dumiretso na kami doon. Naidlip lang ako for a while. Mga 3:30 a.m, ginising na ako. Pagkagising ko, naligo ako. Nakadalawang eksena pa ako," sabi ni Glaiza.

Umidlip daw muna siya pansamantala pero iba na daw yung pakiramdam niya pagkagising niya.

"Nagising ako, talagang hindi na ako makahinga! Hindi ko alam. Pero first time na nangyari sa akin. Nahirapan talaga ako huminga. Lumabas ako ng standby area namin. Naghanap ako ng area na puwede pagkuhanan ng hangin, yung hindi masyadong kulob.

"Tapos nun, hinga lang ako nang hinga nang mabilis. Nagna-numb na yung buong katawan ko, mula paa hanggang ulo. Naiiyak na din ako kasi first time nga nangyari sa akin iyon.

"Tapos, nakikita ko yung kamay ko na talagang naninigas na. Parang sabi ko, 'Bakit ganito? Bakit ganito?' Iyak lang ako nang iyak."

Napapaluha si Glaiza habang kinukuwento ito.

Hindi na maalala ni Glaiza kung anong nangyari pagkatapos. Sabi niya, hindi naman siya nag-collapse, pero may umalalay na sa kanya para buhatin siya.

Kaagad naman natingnan ng doktor si Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Normal naman lahat," kuwento ni Glaiza. "Yung lungs ko, okay naman daw. Yun nga lang, baka talagang stress na stress talaga. Physically at mentally baka daw kasi marami akong iniisip.

"Stress lang talaga. Walang tamang tulog. Tapos naligo kaagad. Parang nabigla lang siguro yung katawan ko, kasi malamig pa yung pinanligo ko. Actually, gusto ko pa mag-taping, pero sabi nila okay na at mag-rest na lang ako."

GLAIZA AS KONTRABIDA. Tinanong ng doctor kung meron ba siyang nakaaway. "Ang sabi ko, wala naman," sagot ng aktres.

Pabiro niyang sinabi ito, dahil sa teleserye niya ngayon, marami nga siyang nakakaaway, dahil kontrabida siya dito. At yun na nga siguro ang source ng stress niya, sabi ni Glaiza, ang pagiging intense niya sa pag-absorb ng kanyang roles.

"Minsan kasi ganoon ako sa eksena kapag intense talaga. After our scene, nanginginig talaga ako. Lalo na yung talagang intense, nanginginig talaga ako."

Nakikita naman niya na nagbubunga ng maganda ang kanyang dedication sa trabaho.

"Napanood ko na din siya kagabi at maganda pala. I'm proud na nasasali ako sa ganitong klaseng show. Kahit nakaka-relate ka, may nakikita ka pa din bago. Hindi lang sa istorya, pati na din sa actors na napapanood mo," proud na sinabi ni Glaiza.

Puring-puri din siya sa kanyang director na si Joyce Bernal. "Saludong-saludo ako sa kanya," sabi ng aktres.

Ano pa ba ang puwedeng abangan sa series?

"Actually ako, hindi ko alam. Kapag binibigyan lang kami ng script saka ko lang nalalaman. Minsan nga, hindi ko pa nababasa yung script. Minsan nga, kung ano lang yung para sa iyo, yun lang yung nababasa ko. Tapos, makikita ko na lang sa TV na ganoon pala yung mangyayari. Kahit ako nasu-surprise. Mas nade-deliver ko siya naturally. Hindi mo siya ina-anticipate kung ano yung mangyayari," excited na banggit ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN