Mo Twister believes he's the best radio DJ today

"When it comes to radio, I have to believe that I am the best. I have to believe na ako talaga ang gumagawa. Like I research the most... I know all the information. I have to believe, whether it's true or not, because it helps me do my job better," says Mo Twister.


Birthday celebration ni Mo Twister sa Showbiz Central kahapon, October 18. Bilang bahagi ng kanyang celebration, instead na si Mo ang magtanong sa segment niyang "Mo's Wanted," siya ang binatuhan ng questions.

Ang nag-interview kay Mo ay isa sa closest friends at pinakabagong competitor sa radyo na si KC Montero. Minsan na rin daw nakaaway ni Mo si KC dahil sa mga nasabi ng una sa kanyang radio show.

Narito ang kanilang naging interview:

KC: It's not a secret that you have offended a lot of people in your career. You know that, I have done that, too. Of all of the people that you have offended in your career, who do you believe deserves an apology galing sa 'yo?

MO: "Sa lahat ng na-offend ko sa radio show ko na dapat akong mag-sorry? Well, you know KC, I've said this before, I get in trouble more... mas kinakagalitan ako kapag sinasabi ko ang totoo. I get in trouble more for saying the truth. And I never get in trouble for lying, which is really, really wrong sa ginagawa natin. Being TV host, being DJ... Halimbawa, totoo yung sinasabi natin, tapos papagalitan na tayo. Most of the things I honestly say I don't regret saying because it is the truth to say at that time.

"Pero to answer you question, kung halimbawa, may isang tao talaga na kailangang mag-sorry, siguro yung mga tao na medyo nadadamay. Medyo innocent sila, like quiet sila, wala naman silang ginagawang masama, tapos biglang nadadamay sila sa show ko, I would say, the first person would be Kuya Germs [German Moreno].

"Kuya Germs is one of the nicest guys sa industriyang ito. Father figure to many artists, pioneer in this business, tapos nadamay siya isang beses sa show. Kahit ako, hindi ko sinabi pangalan ni Kuya Germs, pero nadamay pa rin siya. That, I apologize to Kuya Germs. Sobrang forgiveness niya rin sa akin, so I really love Kuya Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC: Sabi ng mga taong malapit sa 'yo, you are very secretive pagdating sa lovelife. So, let's say the girl of your dreams walks into your life, are you ready to quit showbiz in order to become a husband? Her before your career?

MO: "Hindi naman kailangan kung mag-asawa ka, mahal mo, there's no reason to quit work for your love. So, there's no reason for me na mag-quit dito sa industriya or sa radio dahil may girlfriend ako or may asawa ako. I'm ready to put my future life before my job, pero hindi naman kailangan ako na mag-resign sa trabaho ko dahil nga may girlfriend ako."

KC: No, that's not my question... lovelife or dream girl or work?

MO: "Oh, dream girl...I like being in love, it's a nice feeling."

KC: May girlfriend ka ba?

MO: "Formal girlfriend, wala."

KC: Formal? What do you mean formal?

MO: "Yung talagang formal na, 'Uy, mag-boyfriend na talaga tayo.' Siyempre, may konting MU dito, pero wala pa talaga yung formal na girlfriend."

KC: Sino, sino?

MO: "Next question! Non-showbiz..."

KC: Here's the most wanted question... A lot of people say that you are the best of what you do. You yourself say that you're the best with what you do...

MO: "I wanna believe."

KC: You said that, the other day in your radio show...

MO: Yeah.

KC: So, in the industry, who do you think is better than you in what they do?

MO: "In this industry, sino ang mas magaling sa akin? Ah, I'm sure mas marami naman d'yan. Ang daming listener ng radio na sinasabi nilang mas magaling ka sa akin. Pero, meron din na nagsasabing mas magaling ako. It's really relative and prerogative ng listener.

"I really believe that I do my job well. I work very hard for this. I do believe yung industriyang na ito, yung parang the trend, parang has been dictated because of some of my works. Pero TV hosts, you know, you're a better TV host than I am, you're funnier than I am. Drew Arellano I think is a very good TV host. Raymond Gutierrez is one TV host na mas magaling sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But when it comes to radio, I have to believe that I am the best. I have to believe na ako talaga ang gumagawa. Like I research the most... I know all the information. I have to believe, whether it's true or not, because it helps me do my job better. Kasi halimbawa, kung ako si Michael Jordan sa basketball, kailangan niya talagang malaman na siya ang pinakamagaling sa basketball."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN