Sharon Cuneta clarifies tabloid reports that she has breast cancer

"Ang daming lumalabas sa mga tabloid, nagulat ako. Nag-aalala tuloy yung mga Sharonians ko. Don't worry, I'm fine. It's not cancer," says Sharon Cuneta about reports that she has breast cancer.


Matapos ang kontrobersiyal na interview ni Sharon Cuneta sa SNN (Showbiz News Ngayon) last week, hanggang ngayon usap-usapan pa rin ang naging rebelasyon ng Megastar tungkol sa ikinatakot niya sa lagay ng kanyang kalusugan. Inamin kasi ni Sharon na ikinabahala niya ang nakapa niyang mga bukol sa kanyang dibdib. Pagkatapos ay naglabasan na sa mga tabloid na may breast cancer daw ang Megastar.

Kaya naman sa interview ng The Buzz, na ipinalabas last Sunday, October 18, nilinaw ni Sharon, kasama ang kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan, ang tungkol sa kanyang naging pahayag sa SNN.

Ani Sharon, "Noong shooting ng BFF [pelikula ni Sharon with Ai-Ai delas Alas], walang may alam. Kami ni Kiko lang at saka may ibang malalapit na kaibigan, talagang handful lang, kahit Mommy [Elaine Cuneta] ko hindi alam. Nakaramdam ako na meron akong tatlong lumps dito [sabay turo sa kanyang dibdib]. So, si Kiko sabi ko, 'Tingnan mo. Meron ba? Oo nga.'

"So, lumipad kami, nasa ibang bansa kami. Dito lang sa Asia, pero hindi ko na sasabihin kung saan. Tapos pina-check ko. So, wala. Ang daming lumalabas sa mga tabloid, nagulat ako. Nag-aalala tuloy yung mga Sharonians ko. Don't worry, I'm fine. It's not cancer," diin niya.

"Alam ko naman na wala," singit naman ni Sen. Kiko.

"Iyak ako nang iyak noong na-feel ko," sabi ni Sharon. "Pero nung umalis kami nung pinatingin namin, wala talaga, it's benign, sa awa ng Diyos."

MANO PO 6. Sa isa pang interview ng The Buzz kay Sharon sa first shooting day nito para sa Metro Manila Film Festival entry na Mano Po 6, ay masayang-masayang nagkuwento ang Megastar.

"Kanina, I had my first Fokkien lines. I have my tutor here, my Chinese tutor. Marami pa akong sasabihin later. But mainly gusto ko yung opportunity na magtaray ng konti. Nami-miss ko si Cherrie [Gil], ito pala yung ginagawa niya. Basta mag-e-enjoy kami rito. Then I was happy kasi this morning nag-shooting na sila Zsa Zsa [Padilla]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipiagmalaki rin ni Sharon ang tungkol sa pagsasama nila ni Kris Aquino sa pelikulang ito, na first time mangyayari sa career nilang dalawa. Proud din si Sharon sa bigating cast ng movie.

"And then si Kris volunteered to play the role of my best friend for no payment at all. And then Zsa Zsa plays... medyo hindi kami magkasundo ni Zsa Zsa sa movie, but in real life, she has really remained as one of my best friends I have in showbiz. Christopher de Leon will make a very special guest appearance as my husband. This is a very strong cast. Who would have expected for Kris to, you know, join us? Who would have expected for Boyet to say yes to a special guest role? And nandiyan si Heart [Evangelista]."

Nagsalita na rin si Sharon tungkol sa naging kontrobersiyal na pilian bago mapunta kay Heart ang role ng anak niya sa pelikula.

"Actually, ako yung nag-insist na si Heart na. Huwag na nating puntahan yung mga detalye noon. Alam naman natin na nahirapan kami na i-cast 'yang role na 'yan. But when I said, si Heart, bakit nga ba hindi si Heart? I mean, she looks the part and I've seen her movies, I've always like her style. Alam mo, si Heart na rin siya."

HEART'S REACTION. Nakuha rin ng The Buzz ang reaksiyon ni Heart sa magagandang pahayag ni Sharon tungkol sa kanya.

"Na-starstruck po ako sa kanya. But I really, really... I don't know what to say. I'm proud of everything that has been happening. This is like the epitome of all happiness when it comes to my career. I'll do my best's best, you know, just because she said my name. It's a dream come true. Thank you," pasalamat ni Heart kay Sharon.

Nagpasalamat din si Heart kay Angel Locsin, na una sanang gaganap sa role. Pero dahil sa exclusive contract artist ng Star Cinema si Angel ay hindi nga nito magagawa ang movie sa Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A HAPPY MOTHER LILY. Ang pagtanggap ng Megastar na gawin ang Mano Po 6 ay isang dream come true din daw para sa producer ng pelikula na si Mother Lily Monteverde

"Before I retire... It's coming from my heart talaga na I would like to say to Shawie na thank you for accepting this movie. This has been my dream and I'm so proud of you. You're one of a kind. Maraming salamat po... Mano po."

Ikinagalak din ni Mother Lily ang pagpiprisinta ni Kris bilang best friend ni Sharon sa pelikula. Matatandaang naging bida na rin ng Mano Po 1 and 2 si Kris.

"What will I say, this is a very... ang ganda ng combination. First time ito. This is the biggest movie of Mano Po," pagmamalaki pa ni Mother Lily.

SHARON-KRIS CLOSENESS. Sa mga pangyayaring ito, ikinatutuwa naman ng marami ang pagiging mas malapit ngayon nina Sharon at Kris, na binisita pa ng Megastar sa set ng SNN noong isang linggo.

Kuwento ni Sharon, "She is supposed to come to my studio. Sabi niya, 'You're finished na?' Sabi ko, 'Yeah, don't worry, I'll go na lang there.' So, parang paano-ano lang naman yun. Parang nakakahiya naman, e, siya nga pupunta. E, ano ba naman yung dalawin ko siya kahit na tatawid ako dun sa kabilang building?"

Kasama raw si Kris, marami pa raw dapat abangan ang sambayanan mula sa kanila.

"God-willing, marami kaming binabalak na surprises para sa mga tao. We are in a business partnership mode now. Marami kaming sorpresa. Maganda yung minsan may joined forces," sabi ni Sharon.

Kaya naman ang pagsasama raw nila sa Mano Po 6 ay patikim pa lang.

"I'm excited that my audience is looking for something different. And I'm doing it with Kris. Siyempre, makikita kami together on screen. That might develop later on into a full-length movie. Marami kaming sorpresa. Relax lang," huling sabi pa ni Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN