Boxing champ Nonito Donaire Jr. already expected his elimination from Celebrity Duets

"I think I have the same sentiment sa mga kaibigan ko sa Celebrity Duets. Alam na nila na when it comes to Celebrity Duets, hindi naman sa talents, hindi naman sa voice or bonggang-bonggang style. But, accepted naman yun. And on my part, nagpapasalamat ako nag-vote sila," says Nonito Donaire Jr.


Nagpaalam na ang boxing champ na si Nonito Donaire Jr. sa Celebrity Duets noong Sabado, October 17. Ilang beses na rin siyang nakasama sa bottom group, pero tuluyan na siyang natanggal after getting the lowest number of text votes.

Sa pagkakatanggal ni Nonito, lima na lang ang natitirang Celebrity Duets contenders: sina Jomari Yllana, Gina Alajar, Joel Cruz, Niccolo Cosme, at Akihiro Sato.

Ano ang pakiramdam ni Nonito sa kanyang pagkaka-eliminate?

"Well, alam n'yo naman, tatlong beses na akong nagiging bottom three. I never get to the top three. So, parang may expectation na kami dun. But like I was telling, talagang blessing ang Celebrity Duets, binigyan ako ng another look in life, in the world. And I met a lot of great people, yung mga contenders ko, they are my friends," sabi ni Nonito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi na pala siya masyadong nagulat nang ang pangalan niya ang i-announce na matatanggal?

"No, because at that point, I was enjoying music talaga. But for me, if you enjoy music, music will always be with you. Pero it got to the point na parang the competition, you become used to it, di ba? But the expectation was, I'll just gonna have fun, ganoon lang talaga."

Pero hindi ba siya nagkaroon ng hope, especially some of his contenders are very vocal in saying na siya ang strongest contender sa kanilang lahat?

"Well, in terms of that, marami sigurong boboto sa akin because I was still there. Akala ko nga, baka first ako ang ma-eliminate. But surprisingly, I got that far, di ba? Ang sabi nila, because a lot of the contenders, ang sabi nila, may voice daw ako. At yung mga songs ko naman are all exciting to hear, to listen to, so parang ganoon."

Dahil nga purely text votes ang pinagbabasehan kung sino ang matatanggal at kung sino ang mananatili, masasabi ba niya na sa department na yun nakalalamang sa kanya ang iba niyang kasamahan, lalo na't ang ilan sa kanila ay may mga sariling kumpanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh yes, I think the winner... alam na namin kung sino ang mananalo rito," sabi ni Nonito. "When we know kung sino ang top, kung sino yung ganoon, alam na namin kung sino ang mananalo. I think I have the same sentiment sa mga kaibigan ko sa Celebrity Duets. Alam na nila na when it comes to Celebrity Duets, hindi naman sa talents, hindi naman sa voice or bonggang-bonggang style. But, accepted naman yun. And on my part, nagpapasalamat ako nag-vote sila."

Kung siya ang papapiliin, sino ang gusto niyang manalo sa mga naiwang contenders?

"Well, silang lahat kaibigan ko, pero mas close ako kay Tita Gina, kay Direk Gina...at Niccolo, as well as Akihiro. We're always hanging out, so parang either one of them na talagang I'll vote for them."

After Celebrity Duets, plano raw ni Nonito na mag-take ng singing and dancing lessons, or even attend acting workshops. So, is he really planning to join showbiz?

"Well, If I'm gonna do something like this, I wanna be good at it. Gusto ko yung hindi 'okey lang', gusto ko, magaling talaga ako sa ginagawa ko. But, of course, boxing is still my number one priority, no doubt about that," saad niya.

As for his next fight, Nonito is eyeing January or February next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN