Dennis Trillo gets to work with Sharon Cuneta and Heart Evangelista in Mano Po 6

Award-winning actor Dennis Trillo realizes two of his dreams in working for the movie Mano Po 6. First, he gets to work with Sharon Cuneta for the first time and he teams up once again with Heart Evangelista.


Halatang-halata kay Dennis Trillo ang excitement dahil sa pagkakasama niya sa pelikulang Mano Po 6, official entry ng Regal Films sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Sa pelikulang ito, dalawang bagay ang na-accomplish ni Dennis. Una ay ang pagkakataong makatrabaho ang Megastar na si Sharon Cuneta. Pangalawa, natuloy na rin ang team-up nila ni Heart Evangelista.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama si Dennis sa isang Mano Po movie. Kasama siya sa cast ng Mano Po 3: My Love (2004), na pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Loen. Pero aniya, maikli lang daw ang role niya noon.

"Ngayon, medyo support na talaga, support siya," sabi ni Dennis. "Pero siyempre, more on movie ito ni Megastar. Kami, support lang sa kanya. Ibang klase ang role ko rito, ngayon ko lang din nagawa. Bukod pa sa kasama ko si Megastar, si Heart, si Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Ciara Sotto, at marami pang iba. And then, directed by Joel Lamangan."

Natsa-challenge pa rin ba siya kahit supporting role lang ang ginagampanan niya rito sa Mano Po 6?

"Every project naman," sagot ng award-winning actor. "Kailangang i-mindset mo na panibagong challenge para meron kang panibagong maipakita rin, at hamunin mo ang sarili mong mai-improve pa siya at may bago kang i-offer."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis last Sunday, October 18, sa SOP.

WORKING WITH THE MEGASTAR. Ayon kay Dennis, first time lang daw talaga niyang nakatrabaho ang Megastar. Kahit anong show or guesting ay wala raw silang pinagsamahan pa.

"Nakakapag-shooting na kami, at kahapon, kausap ko si Ms. Sharon Cuneta. Kinuhanan agad yung confrontation scene namin. At saka, sobrang starstruck talaga ako kapag nakikita ko siya. Kahit sino naman siguro," kuwento ni Dennis.

Kumusta ang first meeting nila?

"Masaya, nagpa-picture ako," nakangiting pag-amin ni Dennis. "Actually, isang eksena lang ang kinuhanan namin. Mas marami yung mga eksena namin ni Heart. Tapos, yun, excited ako kasi maganda ang mga shots ni Direk [Joel Lamangan]. At saka iba ang look ng pelikula, e, sobrang glossy. Parang ibinalik yung prestige ng moviemaking sa quality ng ginagawa namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang magkita sila ni Sharon, ano ang naging komento nito sa kanya?

"Noong pinuntahan ko siya, pumasok ako sa kuwarto niya. May gift kasi ako sa kanya. Ibinigay ko, and then natuwa siya. Tapos sabi niya, 'Ang guwapo mo pala talaga,'" tila nahihiya pang kuwento ni Dennis.

Dagdag niya, "Pero yun nga, bumati lang ako, tapos lumabas din ako kasi nga may sarili siyang kuwarto."

Isang basket of fruits daw ang ibinigay niya kay Sharon sa first shooting day nilang kasama ito.

"Parang gesture or appreciation lang naman yun dahil, siyempre, honored ako na makatrabaho siya and, finally, masasabi ko na, 'Wow, nakatrabaho ko ang Megastar!'"

HEART EVANGELISTA. Kinumusta rin ng PEP kay Dennis si Heart na finally ay natuloy na rin ang pagtatambal nilang muli after their Dear Friend episode. Dapat sana ay gagawin nila ang Sine Novela na Muling Buksan ang Puso, pero hindi ito natuloy.

Kung hindi natuloy sa TV, natuloy rin sila sa wakas sa pelikula.

"Palagi kaming magkasama kasi palagi kaming magkaeksena sa Mano Po," sabi ni Dennis. "Magaling siyang artista, e. Doon pa lang sa Dear Friend, nakita ko na at kahit sa mga dati pa niyang nagawang pelikula.

"At saka dedicated talaga siya sa trabaho niya. Sobrang aga niyang dumarating sa set. Tapos mga eksena niya kasi mabibigat, nagmo-motivate talaga siya, nakikinig siya ng music, at talagang may time siya na nagko-concentrate sa isang eksena talaga."

Kumportable naman daw sila working with each other kahit sa Dear Friend lang sila nagkasama.

"Kumportable, oo. Siyempre, noong una, pero habang tumatagal, mas nagiging kumportable, mas nakikilala yung isa't isa. At sobrang suwerte na natuloy rin kasi ano, e, talagang matagal ko na rin hinintay na makatrabaho siya, at sobrang proud ako na nakapareha ko siya dito sa Mano Po 6. Siyempre, Heart 'yan, ang daming gustong makatrabaho rin 'yan at suwerte ako na nabigyan na rin ako ng chance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Dennis kung this time kaya ay posible ang anggulong Dennis at Heart in real life, lalo na't pareho silang single ngayon?

"Well, tingnan natin," sagot ng binatang ama. "Sa ngayon naman, hindi naman priority ang pakikipagrelasyon sa isa't isa. Ang kailangan namin, pagandahin ang pelikulang ginagawa namin. Pero kung posible, posible talaga. Ang bait niya, maganda, wala akong masabi."

So, sa diretsahang tanong, nandoon pa rin ba ang paghanga niya kay Heart?

"Of course, of course," sagot ni Dennis.

Wala na bang magseselos this time?

"Wala," nakangiti niyang sagot.

Wala na rin magte-text?

"Wala!" natatawa niyang sagot.

NEXT TV PROJECTS. Pagdating naman sa TV, ang naka-lineup daw niyang gagawin ay ang SRO Cinemaserye para sa buwan ng November. Makakasama niya rito ang loveteam nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Early next year na raw sisimulan ang next primetime series niya. "Pero may Japan pa kami para Bubble Gang. May China rin kami for Mano Po 6, and recently naman, kakagaling namin sa Korea para sa Astig for Pusan Filmfest," banggit ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN