Kim Chiu and Gerald Anderson willing to do love scenes for their next movie

Gerald Anderson and Kim Chiu team up anew in an upcoming Star Cinema movie. This will mark as their second solo movie after I've Fallen For You (2007).


May bagong pelikulang gagawin sina Kim Chiu at Gerald Anderson para sa Star Cinema. Kung pinakilig nila ang kanilang fans sa unang pelikulang ginawa nila, I've Fallen For You (2007), sa bagong pelikula nila ay mas mature na ang kanilang gagampanan.

Sabay na na-interview ng Showbiz News Ngayon (SNN) sina Kim at Gerald kagabi, October 18. Ayon kay Kim, next week daw ay magsisimula na silang mag-shoot ni Gerald.

Ayon naman kay Gerald, "May workshop kami last Sunday para sa movie. Sobrang excited na kami dahil napakaganda."

Dagdag ni Kim, "Lahat ng emotions yata nandito na sa pelikulang yun. Pinaghahandaan namin, nagwo-workshop kami kay Mr. Pen Medina."

Super mature na ba talaga ang role nila ni Gerald sa bago nilang pelikula?

"Hindi naman super mature, pero mga twenties na kami rito," sagot ni Kim.

Sa katatapos lang na serye na pinagbidahan nina Kim at Gerald, Tayong Dalawa, ay nagkaroon sila ng love scenes dahil naging mag-asawa sila roon. Sa pelikulang gagawin ng dalawa ay hindi pa sila sigurado kung magkakaroon sila ng maiinit na eksena. Pero ayon kina Kim at Gerald, kung magkakaroon man daw ay handa silang gawin yun.

"Ginawa na namin yun, so bakit naman namin tatanggihan, di ba?" natatawang sabi ni Gerald

Ayon naman kay Kim, "Oo naman, para naman ito sa mga Kimeralds, sa lahat-lahat ng mga sumusuporta sa aming dalawa. Regalo namin ito sa kanila."

Samantala, ayaw munang bigyang pansin nina Kim at Gerald ang lumabas na balita na diumano'y bubuwagin na ang loveteam nila.

"Sa ngayon, wala pa naman kaming nababalitaan. Sa ngayon, nagpo-focus muna kami sa movie," sambit ni Kim.

"Dito muna kami sa movie nagpo-focus," sabi rin ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN