Dion Ignacio feels he has no right yet to demand for projects

""Kung ano lang siyempre yung dumating, tinatanggap ko. Hindi pa kasi ako nagde-demand. Parang wala pa akong karapatan. Kung ano ang work na dumating, yun ang tatanggapin ko. Iniisip ko na lang na hindi ko pa time," says Dion Ignacio.


Sweet na sweet ang dating nina Dion Ignacio at RR Enriquez sa birthday party ng huli na ginanap sa Dolce, T. Morato Ave., Quezon City, noong October 17. Sinabi ni Dion sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na tsine-check lang siya ni RR kung okey ito, gaya sa iba pang guests na dumalo sa nabanggit na party.

"Matagal na kaming magkakilala ni RR, hindi pa siya artista," banggit ni Dion. "Nagulat nga ako, nag-showbiz siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Birthday niya, naalala niya ako, kaya inimbita niya ako. Wala naman akong ginagawa. Kaya may bonding, kasi... Naku, aaminin ko na nga, crush ko talaga siya! Tine-text ko siya.

"Nirerespeto ko na lang kasi ayaw naman niya talagang makipag-boyfriend. Kaya friends lang daw. I have a feeling na ngayon, mas tutok siya. Hindi siya talaga magbu-boyfriend dahil humahataw ang career niya ngayon. May trabaho siya at nagsisipag siya."

Baka nga maging girlfriend niya si RR, hindi kaya?

"Hindi talaga, kasi magkaibigan lang kami, e," pagtatapat ng StarStruck alumnus. "Tinext ko nga uli siya at tinanong kung nasa party ba ang boyfriend niya. Wala raw siyang boyfriend. Ayaw raw niyang mag-boyfriend talaga, so I should believe her.

"Masaya raw siya sa trabaho niya. Yung trabaho raw niya ang boyfriend niya. Sang-ayon ako doon, kasi maganda ang career niya. Naunahan pa nga niya ako!" natatawang sabi pa ni Dion.

Sinabi ni Dion na maganda ang exposures ni RR sa ABS-CBN, particularly sa Wowowee at Banana Split. To think na mas naunang nag-artista si Dion nang sumali siya sa StarStruck noon sa GMA-7.

'Napapanood ko siya kapag naliligaw ako sa panonood sa Channel 2," pag-amin pa ng Kapuso star. "Laman siya ng Dos. Proud ako dahil kaibigan ko siya. Yung pangarap niya, nakuha niya. Naging artista siya at naging model ng White Castle. Sumali kasi siya sa pa-contest na yun sa search ng White Castle girl, at sabi niya iboto ko raw siya. Doon siya na-discover at nagkasunud-sunod na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIS TIME HAS YET TO COME. Matagal na si Dion sa GMA-7, pero hindi alam ng publiko kung saan ba siya talaga ipupuwesto.

"Wala, e," napapailing na sabi ni Dion. "Kung ano lang siyempre yung dumating, tinatanggap ko. Hindi pa kasi ako nagde-demand. Parang wala pa akong karapatan. Kung ano ang work na dumating, yun ang tatanggapin ko. Iniisip ko na lang na hindi ko pa time."

Naipareha na siya kay Yasmien Kurdi sa teleseryeng Saan Darating ang Umaga? at akala ng marami ay magtutuloy-tuloy na ang pag-alagwa ng kanyang career. Matagal na ring naghihintay si Dion.

"Puwede na rin siguro!" natatawa si Dion. "Sayang! Pero hindi ko rin alam, pinag-aaral kasi ako sa John Robert Powers ng GMA-7. Siguro, nakita nilang may potensyal ako. Kaya lang, kailangan pa sigurong hasain. Para maging versatile. Iniisip ko na lang na ganoon. May nakikita silang kulang, pero hindi pa rin nila masabi. Nakikita naman nila yung potentials kaya naman pinag-aaral nila ako sa John Robert Powers."

Sa kontrata ni Dion, isang taon na lang daw ang natitira sa maaaring itagal niya sa GMA-7. Depende pa rin daw yun kung may plano talaga ang GMA-7 na i-renew siya, pero naniniwala siyang may magandang plano para sa kanya.

"Tingnan na lang natin. Sa loob ng isang taon, alam kong may positive results pa rin sa pagsisikap ko," saad ni Dion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN