Talentadong Pinoy host Ryan Agoncillo remains unfazed by new talent shows on TV

"It's all business. So, if it's good with their business to have a show na kapareho ng format ng sa amin, then okay. Kami rin naman, we feel na Talentadong Pinoy is good business, di ba? Negosyo lang 'yan, e. Call na nila yun," says Ryan Agoncillo.


Hindi nababahala si Ryan Agoncillo kahit na may mga bagong talent shows na sumusulpot sa telebisyon ngayon. Malaki ang paniniwala niya na nakagawa na ng sariling marka ang hinu-host niyang Talentadong Pinoy na napapanood sa TV5 tuwing Sabado, 7:30 p.m. Nanganak na rin ito ng spin-off na Kuwentong Talentado, na palabas naman tuwing Lunes, 8 p.m.

Matapos kasi na maging hit at mag-number one sa Saturday primetime ratings ang Talentadong Pinoy ay ini-launch naman ng GMA-7 ang bagong segment ng Pinoy Records na "Pinoy Extreme Talent (PET)" at sinundan ito ng bagong show ni Michael V na Bitoy's SHOwwwTIME. Ang ABS-CBN naman ay may ilulunsad na ring dalawang talent shows soon, ang Pilipinas Got Talent at Showtime.

"Sa umpisa pa lang naman kasi, when I started working with TV5, ang naging goals naman talaga were very clear," umpisa ni Ryan. "It is really just to make it to double digit and it wasn't about competition. It is about putting up a program na gusto natin, na dekalidad. Hindi kasi kami ano, e... hindi naman sa nakiki-level kami sa kanila.

"We're very humbled with our expectations and yun nga, nagkagulatan na lang din. We're the last people to expect na we'll be hitting number one in the ratings. We don 't even know. Siguro we don't view them as competition, more like, 'A, okay, magkahawig, a.' Pero yun lang," paliwanag ni Ryan, na naka-Harry Potter costume, nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng taping ng Halloween special ng Talentadong Pinoy kahapon, October 20, sa TV5 studio sa Novaliches.

Mapapanood ang naturang special show sa October 31, kung saan nagkaroon pa ng best in Halloween costume sa mga audience. Walong entertainment press naman ang sumalang sa pagiging special guest jury, at naging talent scouts sina Alessandra de Rossi, Tuesday Vargas, at Direk Audie Gemora, na pawang naka-costume din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIVE AND LET LIVE. Ano ang feeling niya na tinatapatan na ngayon ng ABS-CBN at GMA-7 ang Talentadong Pinoy?

"E, nakiusap nga ako noon na sana huwag na lang. Pero itinuloy din, di ba?" sambit ni Ryan. "Well, ganito lang naman yun. I came from GMA and I came from ABS also. Kumbaga, sa kanila ko rin naman natutunan [ang paghu-host], but this is also a business. It's all business. So, if it's good with their business to have a show na kapareho ng format ng sa amin, then okay. Kami rin naman, we feel na Talentadong Pinoy is good business, di ba? Negosyo lang 'yan, e. Call na nila yun.

Dagdag niya, "It's a free market, puwede naman nilang gawin yun. Kung nakikitaan sila ng mga tao ng similarities, then nasa audience na yun, e. Sila naman ang namimili ng papanoorin nila. And sa amin, we're just gonna continue what we're doing and what we do. Again, we didn't start this to be competitive. We didn't start this para patumbahin sila. I mean, GMA and ABS have their own long-standing competition. Kumbaga sa amin, we don't want to be ano... kumbaga, hindi kami nakikiaway. We're doing our own thing, tapos napapansin ng mga tao, then it's good for us."

Proud ba siya na lumalabas na ang Talentadong Pinoy ang naging batayan para maglabas ang ibang istasyon ng sarili nilang talent shows?

"Ako, I'm proud of what TV5 has done. And more than the show itself, more than Talentadong Pinoy, what I can say is that I'm proud of what TV5 has done because pinanindigan nila yung gusto nila. And then they supported the artist na kinuha nila. And ako, nararamdaman ko yung todong suporta nila sa Talentadong Pinoy.

"And I'm proud that they've become a third force, di ba? They've become an alternative as proven by Talentadong Pinoy, naging habit viewing siya, naging appointment viewing siya na every Saturday I need to be home by 7 p.m. because I want to watch Talentado, or I want to go home by 6 para mag-watch din ng Who Wants To Be A Millionaire?. So, I'm proud of what TV5 has done."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ryan, hindi naman daw nila ipinagmamalaki na sila ang orig at nauna sa talent-show format.

"Unang-una kasi, ang konsepto ng talent show is not original. So, hindi naman siguro ako magsasalita ng, 'O, ginaya n'yo kami!' Hindi ganun. Kasi hindi naman original ang talent show... I mean, talent show has been existing since performance was invented, di ba?

"Ano lang, ang natutuwa ako dun sa mga ano... gaya ni Michael V. [host ng Bitoy's SHOwwwTIME]. He spoke to my manager Noel [Ferrer], na yun nga, 'Please tell Ryan na ganito ang mangyayari sa show, ganyan-ganyan.' At least on my end, bilang siya si Michael V, I mean mas matagal naman siya sa industriya at di hamak na mas marami siyang achievements, for him to recognize that fact, e, ayos na sa akin yun. Hindi na ako yung magsasabi na kami ay orig, ganyan. Tapos na yun. Sige, gawin n'yo na lang yung gagawin n'yo, gagawin na lang din namin ang gagawin namin."

CONTINUING INNOVATIONS. Magkakaroon ba sila ng innovations sa show, lalo na't ipinagmamalaki ng ibang talent shows na mas malaki ang papremyo nila at wider ang scope?

"You know TV5 has always been into innovations naman, e," sabi ni Ryan. "Even before I became part of TV5 family, they have Tropang Trumpo, then Wow Mali. They are always about innovation. So, itong Talentadong Pinoy, bago naman kami na-final na ito ang hitsura, we're talking about it, we were evolving from three to four months bago ito. Tapos ngayon nag-e-evolve pa rin siya.

"Ngayon, nanganak na nga siya ng Kuwentong Talentado. And right now, I have done about a month of Kuwentong Talentado and it's still evolving. That's what I like about working with people from TV5 because talagang walang static na maiiwanan ka sa isang posisyon. It doesn't mean naman na it's a working formula, hanggang doon ka na lang. No, there's always innovation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, posibleng tumaas ang papremyo nila?

"Yeah, it all depends on what the market does. May realities tayong ganun. And the advertisers are coming in. But it's all gonna evolve, pero sentro pa rin sa Talentado," sabi ni Ryan.

Nationwide na rin ang Talentadong Pinoy dahil may auditions na rin ito sa mga regional provinces. Pero iniisip din ba nila na paabutin hanggang international ang reach ng contestants nila with Pinoy talents from abroad?

"Oo, meron na ngang nagpadala niyan via e-mail or Facebook na he wrote a song for Talentadong Pinoy. So, meaning, napapanood din tayo sa ibang bansa and they're welcome to come and join us. Meron kaming ine-encourage na magpadala ng audition tapes kahit nasa abroad sila. Binabanggit namin 'yan sa Talentadong Pinoy and also sa Kuwentong Talentado."

Hindi ba sila natatakot na ma-reach ng format nila yung saturation point?

"It's always about innovation anyway. Ang maganda sa competition... ang maganda na these programs are coming out also, you know, when you look at it this way, magku-compete sa isa't isa, so matira ang matibay, ang maganda.

"Saturation point? Before we thought that telenovelas will get saturated, but they've been on for more than 20 years na. So, yung mga talent shows na ganito, now is the time na siguro kasi mas interactive ngayon ang TV, e. Gusto kasi ng mga tao magpasikat talaga, so hangga't hindi tayo nauubusan ng mga talentadong Pinoy, I believe there's always a show for them."

NO PRESSURE. Mas may pressure ba ngayon na may competitors na ang show at hindi lang ito ang nag-iisang talent show ngayon sa TV?

"Hindi naman sa pressure. Mas aliw lang kasi alam mong tama yung ginagawa mo dahil may sumusunod sa iyo. Ako, yung flattering part about it is yung, 'Ayos a, napapansin.' Hanggang doon lang tayo. Pero yung pressure, hindi naman yun nakakaramdam ng pag-change. So, for more than two months already, nandiyan yung talks na may parating na mga bago. Sa set, wala namang nabago, e, we're all very alive. Hindi pa naman kami nagbabangayan sa set, nagsisigawan, nagmamadalian. Wala pa namang nag-aaway sa staff. I guess dun tayo mas kakabahan kapag yung may nag-aaway na. Pero hindi, e, masaya kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya pine-pressure o kinakausap ng ABS-CBN, kung saan may show din siya na George & Cecil?

"Hindi naman. Nangyari 'yan noong una and I have to say na kailangan ko pong magtrabaho, e. And I have to give them credit for allowing me to work with TV5. Yun nga, parang ang lumalabas ngayon, may opportunity ako also to work with GMA. So, that's very exciting for me. I'm looking forward to that. Sana huwag maudlot," sabi niya.

Ano ang ino-offer sa kanyang project ng GMA-7?

"There are talks. But hindi ko pa masasabi. It's very exciting for me na baka sa tatlong stations ako mag-work. Maganda yun, basta kung saan may trabaho. There's always loyalty, of course, and camaraderie."

Na kanino o nasaan ba ang loyalty niya ngayon?

"Na kanino yung loyalty? E, di dun sa boss ko. Sa work ang loyalty ko, di ba?" sagot niya.

Ayon kay Ryan, definitely ay hindi talent show ang inaalok sa kanya ng GMA-7.

"Iba, ibang format naman. Hindi rin sitcom kasi may sitcom na ako, George & Cecil, e."

Marami ang pumupuri sa kanyang galing sa pagho-host sa Talentadong Pinoy. Ano ang reaksyon niya na siya raw ang nagdadala sa show?

"Alam mo, tatanggapin ko 'yang papuri na iyan. But it's the team that should be given credit. Sina Direk Rich [Ilustre], Paulo [Bustamante, head writer], and we talk it over down to the EP [executive producer] and the PAs. It's all a team effort.

"Ako, I'm lucky enough na masaya yung set na kinabibilangan ko for the past four or five years, which started sa Philippine Idol pa. So, yun yung formula, e, maski pelikula man 'yan o sa TV. So, the show will come out very relaxed. Para sa amin kasi ang bida yung talentado, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN