Dingdong Dantes and Pinoy Yes Foundation launch school-rehabilitation project on October 25

"We're planning one this October 25, parang isang symbolic launching kung papaano siya gawin. So, that's why we will be needing books, notebooks, panglinis, walis, pang-pinta, imbes na mga relief goods. So, rebuilding na ito," says Dingdong Dantes about the latest project of Yes Pinoy Foundation.


Sa October 25 ang target date ni Dingdong Dantes upang simulan ang big project ng pinamumunuan niyang Yes Pinoy Foundation. Ito ay ang rehabilitation ng mga eskuwelahan na nasira nang husto dahil sa bagyong Ondoy. May dalawang komunidad na raw na pinagpipilian nilang i-rehabilitate.

Masaya rin si Dingdong sa naging outcome ng pagiging guest speaker niya last week sa Laguna State Polytechnic University, kung saan nakatanggap ang kanilang foundation ng scholarship grant. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Dingdong, aksidente lang ang pagkakakilala nila ng may-ari ng Laguna State Polytechnic University.

"May board meeting yung school sa Shangri-La. Tapos, nakalagay ang pangalan ng school at lahat ng mga board nandun... E, kami, nagmi-meeting din sa kabila. Ang pinagmi-meetingan namin, foundation din. So, sabi namin, 'Lapitan kaya natin, humingi kaya tayo ng scholarships?'

"So, nilapitan namin, nagpakilala kami. Sinabi namin na ito ang aming foundation at open kaming tumanggap ng donation. And then, ipinakilala kami sa presidente nila. Immediately after, nag-invite na sila, 'punta kayo rito, 'at ini-award-an na kami ng full scholars. Lima muna, pero dadami pa yun," kuwento ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the autograph signing for his bookazine, YES! Life Stories: Dingdong, last October 17.

Ano na ang plano niya sa pagre-rehabilitate ng mga eskuwelahan?

"Siyempre, with regards to pamimigay ng education, we want to provide quality education. Siyempre, ibig sabihin, kasama ang school d'yan. Imbes na mamigay lang kami ng relief goods sa mga nasalanta, ang plano namin is to rehabilitate yung mga nasalanta at nasirang school. Pero tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng relief goods.

"We're planning one this October 25, parang isang symbolic launching kung papaano siya gawin. So, that's why we will be needing books, notebooks, panglinis, walis, pang-pinta, imbes na mga relief goods. So, rebuilding na ito. Unang-una, kaya siguro nangyari itong calamity because of lack of knowledge kung ano ang gagawin natin kapag may ganyan. And where do we get this knowledge—sa school," paliwanag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa sa main goals ng Yes Pinoy, sabi ni Dindong, ay mapagtuunan ng pansin ang edukasyon.

Being the founder Yes Pinoy Foundation, natutuwa si Dingdong na kahit maraming araw na busy siya sa trabaho at sa taping ng Stairway To Heaven, nakakatuwa raw na umaandar pa rin ang kanilang foundation.

"Nakakatuwa ngayon, kasi kahit na nagte-taping ako, kahit na wala ako, gumagalaw sila. And it's very organized and systematic already. Kaya yun, salamat sa lahat ng tumutulong.

"Alam n'yo, yung isang school na pinagpipilian namin, hanggang ngayon, lubog pa rin! Pero gumawa lang sila ng parang daanan para sa estudyante. May nag-i-school na, itinuloy pa rin nila. Pero picture pa lang ang nakikita ko, kaya kailangan ko siyang puntahan nang actual," saad ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN