Kaye Abad on rumored breakup with Parokya Ni Edgar's Chito Miranda: "We're okay."

"Ayoko rin naman kasing dumating sa stage na wala nang time sa sarili. Ginagawa ko naman ito dahil nag-e-enjoy ako sa pag-arte. Hindi ko naman ginagawa ito dahil kailangan. So, nag-e-enjoy lang ako. At nagpapasalamat ako na kahit paano, nakabalik pa rin ako kahit nawala ako nang bonggang-bongga," says Kaye Abad about her showbiz comeback.


Nagkaroon ng press visit para sa current episode ng Precious Hearts Romances, ang Somewhere in My Heart, na pinagbibidahan nina Kaye Abad at Guji Lorenzana. Eksena sa isang gasoline station sa may West Avenue, Quezon City ang kinukuhanang eksena nang dumating ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment press sa taping noong October 21.

Kapansin-pansin ang pagiging kumportable nina Kaye at Guji sa isa't isa, at parang "sila" talaga in real life kung pagbabasehan ang performance nila noon sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers.

"Talaga?" ang tila nagulat na reaksiyon ni Kaye nang usisain tungkol dito. "Alam n'yo kasi, noong Bud, hindi kami magkakilala at all. Noong first taping day, as in hindi ko siya kilala, hindi niya ako kilala. Tapos, naging kumportable kami sa isa't isa, mga third day na ng taping. Tapos, naging close lang kami after na ng taping ng Bud Brothers. Kasi after na ng taping, lumalabas kami as a group, kasama lahat. So, dun kami naging close.

"So, nang simulan naming gawin ang Somewhere in My Heart, napansin daw nila Direk [Cathy Garcia Molina] na bakit daw parang may wall kami sa isa't isa noong first day nito. 'Nagkakailangan pa ba kayong dalawa?' So kami, 'Direk, hindi po.' So, clueless din po kami."

May "wall" nga ba?

"Wala nga, e... ewan ko," sagot ni Kaye.

FALLING FOR GUJI. Ang Somewhere In My Heart ay isa sa mga romance novel ng Precious Hearts Romances. Medyo nahirapan daw si Kaye noong una na ilayo ang character niya sa character niya noong una sa Bud Brothers.

Hindi masagot ni Kaye kung mas matindi ang love scenes nila ni Guji dito sa Somewhere In My Heart kesa sa Bud Brothers.

"Sabi, pero wala pa kasi kaming script, yung week one pa lang. Kaya hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Pero hindi naman siya yung pa-mature, pakilig pa rin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Among the many loveteams that were introduced in Bud Brothers, ang tambalan nina Kaye at Guji ang naulit kaagad for a new episode.

Although hindi malinaw ang totoong status ng lovelife ni Kaye ngayon, nakikita ba niya ang possibility na puwede rin siyang mag-fall sa ka-loveteam niya?

"Well, hindi naman malabo kasi mabait naman siyang tao. Ako kasi, hindi naman ako sa physical na hitsura. Mas more on sa ugali yung tinitingnan ko. So far, sa nakikilala ko sa ngayon, hindi naman malabo. Mabait naman siya, e."

OUT OF THE LIMELIGHT. Feeling ni Kaye, mga two years lang daw yung period na nag-lie low siya sa kanyang career. Gumawa naman daw siya ng ibang soap opera noon, tulad ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan at Sana'y Wala Nang Wakas, pagkatapos ng Tabing-Ilog.

"After ng Sana'y, nawala talaga ako. Noong time na yun, ewan ko, parang na-enjoy ko rin na wala akong ginagawa. Parang nakapagplano ako sa mga susunod na araw kung ano ang gagawin ko na hindi ko naiisip na, hindi, may trabaho ako," saad ng aktres.

Natawa naman si Kaye nang biniro siya na ang tagal at ang haba naman niyang magplano.

"Hindi naman planong seryoso. Pero nae-enjoy ko yung 'O, labas tayo. O, sa ganito, nood tayo ng sine.' Yung palagi akong puwede," sabi niya.

Nakaramdam ba siya ng tampo sa ABS-CBN?

"Hindi po, wala akong ganun. At saka, noon pa lang, sinasabi ko na masaya na ako na steady lang ang career ko. Kumbaga, kung ano lang ang ibigay sa akin, yun na yun."

May nagsabi na kaya ganun ang attitude ni Kaye ay dahil mayaman naman ang pamilya niya. In fact, meron silang eskuwelahan sa Cavite.

Natawa naman sa katatanggi ang aktres nang may nagsabing may street pa nga sa lugar nila na sa pamilya nila nakapangalan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi! Ano ba! Hindi naman, never kasi.... Well, hindi naman sa never, pero 'ika nga ni Sam Milby, 'I don't wanna be a star, I wanna be an actor.' Hayan!" natatawa pa rin niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Ayoko rin naman kasing dumating sa stage na wala nang time sa sarili. Ginagawa ko naman ito dahil nag-e-enjoy ako sa pag-arte. Hindi ko naman ginagawa ito dahil kailangan. So, nag-e-enjoy lang ako. At nagpapasalamat ako na kahit paano, nakabalik pa rin ako kahit nawala ako nang bonggang-bongga."

Now that she's back, has she realized some things? Mas seryoso na ba siya ngayon sa career niya o nasa stage pa rin siya ng pagpaplano?

"Sa ngayon, wala akong time na mag-enjoy kasi dalawa ang ginagawa ko!" tawa niya. "Rubi at itong Somewhere In My Heart. Actually, nakakagulat. Parang nanibago ako na 'eto na naman, dire-diretso naman, pero nakakapag-adjust naman."

KAYE'S FORMER SCREEN PARTNER. Kapag nakikita niya ang dati niyang ka-loveteam na si John Lloyd Cruz, hindi ba siya nanghihinayang?

"Hindi ako nanghihinayang kasi, kumbaga, masaya naman ako sa nangyayari sa career niya. Dine-deserve naman niya kung ano ang nangyari sa kanya at kung ano ang naabot niya ngayon bilang masipag naman siyang tao," sagot ni Kaye.

Okay raw kay Kaye kung magkaroon sila ng chance ni John Lloyd na magkasama muli sa isang project na magsisilbing reunion din nila.

"Meron naman yata, parang nabalitaan ko na dapat may MMK [Maalaala Mo Kaya] siya na ginawa na dapat ako [ang leading lady]. Tapos, parang na-excite siya na ako, tapos biglang hindi ako," medyo magulong sabi ni Kaye.

Nararamdaman ba niyang okey rin kay John Lloyd ang idea na magkasama silang muli sa isang project?

"Siguro naman... wala naman kaming samaan ng loob. Tanungin n'yo siya," nakangiti niyang sabi.

AVOIDING THE ISSUE. Magaling umiwas si Kaye kapag ang tanong na sa kanya ay sa totoong estado ng relasyon nila ng almost seven years na karelasyon niyang si Chito Miranda, ang bokalista ng Parokya ni Edgar. May naglalabasang balita na break na naman sila, pero wala namang gustong mag-deny or magkumpirma sa balitang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ano nga ba ang totoo?

"Okay kami...we're okay," sagot ni Kaye.

Gaano ka-okay ang 'okay'?

"Okay kami, lumalabas pa rin nga kami."

So, sila pa rin?

"We're okay. Basta yun, we're okay... O, ano na, Somewhere In My Heart na," pag-iiba niya ng topic para iwasan na ang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN