Kris Aquino says Dingdong Dantes is "heaven-sent" for Noynoy's campaign

Kris Aquino, who is currently doing The Buzz and SNN for ABS-CBN, will be part of two other shows—the talent show Pilipinas Got Talent and the primetime teleserye Kung Tayo'y Magkakalayo.


Naurong ang nakatakdang paglipat ni Kris Aquino, at ng kanyang mister na si James Yap at dalawang anak na sina Joshua at Baby James, sa bago nilang titirhang condo sa Makati next month. Humirit pa kasi ng palugit si Kris sa mayamang mag-asawa na nakabili ng bahay nila sa Valle Verde II sa Pasig City.

"You know naman me. I'm so maarte, di ba? Pina-renovate ko yung kitchen. So, na-move kami ng pag-transfer. Three Kings na kami lilipat," pahayag ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, October 20.

Pumayag naman daw ang mga nakabili ng bahay niya sa Valle Verde na ipagpaliban ang paglipat nila doon. Sabi pa ni Kris, "Mababait sila and because pumayag sila, I will give them two 42" flat TV plus yung iba pang TV sets sa bahay."

Sunud-sunod ang mga bagong proyekto ni Kris sa TV at mga commercial endorsements. Tatlong malalaking endorsements ang naisara ni Boy Abunda para kay Kris. Pero kahit isang sentimos daw ng kinita niya doon ay hindi niya nakita dahil diretso lahat yun sa campaign funds ng kanyang kapatid na si Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III sa pagtakbo nito bilang presidential candidate sa 2010.

"I still have naman yung kinikita ko sa mga shows ko sa ABS-CBN. And my contract with them is up to four years," sabi ni Kris.

UPCOMING TV SHOWS. Bukod sa existing shows niya ngayon sa ABS-CBN na The Buzz every Sunday at Showbiz News Ngayon (SNN) gabi-gabi sa Primetime Bida, magsisimula na rin si Kris para sa bagong talent show ng Kapamilya network, ang Pilipinas Got Talent. Ang unang report na lumabas ay si Kris ang maghu-host ng Pilipinas Got Talent, pero nilinaw ito ng TV host.

"Sa Pilipinas Got Talent, I'm a judge with Freddie Garcia. Ang hosts sina Billy [Crawford] and Luis [Manzano]. But the judge has not been complete—Freddie, ako, and one more. Hindi pa nade-decide who the other male judge is. Okey sa akin maging judge. Mas sumikat naman si Simon Cowell, di ba, kesa kay Ryan Seacrest [sa American Idol]? At mas mayaman si Simon!" birong seryoso ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik-teleserye na rin si Kris pagkatapos ng TV remake ng Patayin sa Sindak si Barbara with Jodi Sta. Maria. Kung hindi magkakaroon ng aberya, magsisimulang mag-taping si Kris ng bago niyang teleserye, na pinamagatang Kung Tayo'y Magkakalayo, on November 16.

Makakasama ni Kris sa unang pagkakataon ang sikat na loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson. And for the first time, gaganap na ina si Kris sa isang young star sa katauhan ni Kim.

Paano siya napapayag na gumanap na ina ni Kim sa teleserye?

"Because she's number one!" mabilis na sagot ni Kris. "Sa bracket ng mga young stars between 18 to 20, siya talaga yung number one."

Hindi kaya magtampo ang fans ni Maja Salvador na pasok din sa age bracket na sinabi niya?

"Oh, yes. She's in that age bracket also. I love her. But si Maja is more on acting. She's actually yung mala-Lorna Tolentino and Dawn Zulueta. Tapos si Kim naman yung Sharon Cuneta and Maricel Soriano type," paliwanag niya.

Dagdag ni Kris, "You know, ayaw talaga ni James na gumawa ako ng soap. Pero mga sister [ko], they like Kim and Gerald. Kaya sabi nila kay James, 'Pumayag ka na.' Tsaka bongga ang mga fans nina Kim and Gerald! Niregaluhan sila ng tig-isang flat TV at malalaking refrigerator for Gerald nung nabalitaan nila na may bagong bahay na siya!"

Madalas din daw siyang regaluhan ng flowers and chocolates ng fans nina Kim at Gerald. But what about her own fans? Nakakatanggap din ba siya ng gifts mula sa mga fans niya mismo?

"Yes, niregaluhan nila ako ng Chanel earrings and Jimmy Choo shoes. Marami akong Chanel jewelries kasi I'm allowed!" natatawang sabi ni Kris. "[Expensive] bags lang ang di puwede. And 'C' kasi for Cory. 'Tsaka madalas din akong padalhan ng chocolates ng mga fans ko abroad, ng Patchi chocolates."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG AS AYOS! SPOKESPERSON. Kamakailan ay nagpatahi ulit si Kris ng walong polo for Noynoy. Nung una raw ay 16 ang ipinagawa niya para kay Noynoy, pero marami na raw ang napunit. "Dahil sa kahahatak kay Noy kapag pumupunta siya sa provinces, lalo na yung mga kababaihan," sabi ni Kris.

Speaking of kababaihan, aminado si Kris na sila ang malaking bulk ng market ng ABS-CBN. At yun din daw ang appeal ni Noynoy, plus the older men. Kaya ang pinagtutuunan nilang hanapin ngayon ay ang young male—at dito na pumapasok si Dingdong Dantes.

"Kaya heaven-sent talaga ang Dingdong!" sambit ni Kris. "Thank you talaga sa kanya. Dingdong is doing projects which is parallel to Noy's advocacies. And you know, Captain Marlon Dantes in 1986 was Air Force. He's the uncle of Dingdong and was part of the EDSA revolution. Inutusan na bombahin ang EDSA, nag-defy, yes.

"Sabi niya [Dingdong]... I was three when... ay, hindi six... He was three when my Dad [Sen. Ninoy Aquino] died. 'He was my idol.' Kasi growing-up stage niya, parang nasabi 'ata sa kanya na... And then, he's a marine reservist. Kaya yung scholars niya, ang ibang tinutulungan ng ano niya [foundation] is yung mga anak ng mga marines na namatay. Namatay na yung marines in the line of active service na may mga anak. Yun ang gusto niyang pag-aralin.

"And then, he kept on saying nung makausap ko siya, 'You know when I started working na and as I got older...' Di ba, he'd gone into directing? That's why he cannot understand daw na when my Dad died, nobody was able to film the assassination. Sabi ko, walang nakakakuha ng ano, walang kamera. Sabi ko, 'Dingdong, kahit na-lift na ang Martial Law, that was a one-man rule, a dictatorship, so no camera existed.' Sabi ko, 'Yun ang explanation doon.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And siguro, sabi ko, 'Even me, parang very dim ang memory ko of that time na walang press freedom, yung TV grabbing, censorship... Parang for us, now we're benefitting from this. Eto dapat ang advocacy natin, na aalagaan natin.'

"Yun ang conversation namin kanina, parang hindi raw niya maintindihan why. Because it's so easy for us, this teen age where every phone, [may] video, di ba? It's a totally different, ibang era talaga. It's ano lang, 26 years ago lang, but look na, di ba? Yun daw ang ano niya. He got into editing and filming and all, dun daw ang naisip niya talaga," tuluy-tuloy na kuwento ni Kris.

Si Dingdong ang magiging spokesperson para sa Advocates of Youth and Students for Noynoy, o Ayos Na!.

INTERVIEW WITH STARTALK. Pumayag din sina Kris at Senator Noynoy na magpa-interview kay Ricky Lo para sa anniversary ng Startalk, ang showbiz talk ng GMA-7 kung saan si Kris ang isa sa naging original hosts.

"Okey, ganito yun... Di ba, you know how I am? I'm so daldal and so open? I'm complete opposite, he's [Noynoy] very quiet and all. Sabi niya, 'Ayoko ng showbiz questions.' Kasi, he really felt hindi siya talaga... Nung tinanong siya ni Tito Ricky, 'So, how do you feel that your ex-girlfriend [Korina Sanchez] will be your inaanak sa kasal?' Alam mo yung na-feel mo na nag-jest siya na parang ganun?

"Tapos, pero siyempre yung polite na answer, 'They found happiness with each other.' He said, 'So, you mean, you're happy for her?' 'No, I'm happy for both of them because I can see true partnership and love.' As in, talagang ini-evade niya talaga na huwag na ninyong i-acknowledge na naging girlfriend niya, yung ganun. Alam mo na, hindi niya type 'yan.

"Unlike kasi nung nag-dinner kami sa house, nung nagtanong si Ai-Ai [delas Alas] sa kanya, 'Senator, ano ang view mo doon sa ano? Papayag ka na ba sa same-sex marriage?' Talagang si Noy din, parang naano na naman. 'Naku, hindi 'yan ganun.' Tapos may nagtatanong about lovelife-lovelife niya. Yung talagang... siguro two sentences lang ang sinabi niya," kuwento ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN