Maxene Magalona says breakup with non-showbiz boyfriend had nothing to do with JC Tiuseco

"Thank you for always being there. And I appreciate lahat ng ginagagawa niya for me, yung friendship na ino-offer niya sa akin and yung time niya. And siyempre yung effort na ipinapakita niya sa akin. I'm very happy na nakilala ko siya, kasi it's very rare to find someone like him talaga in show business," says Maxene Magalona about JC Tiuseco.


Todo-suporta si Maxene Magalona sa kanyang ka-loveteam na si JC Tiuseco sa first grand fans day ng aktor with another model-actor na si Akihiro Sato, na ginanap kagabi, October 22, sa SM North Edsa Entertainment Area. Nag-duet pa sina Maxene at JC sa isang kanta para pasayahin ang kanilang mga tagahanga. Nagkatrabaho sila sa unang soap ni JC na Sine Novela Presents Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, kung saan nakasama rin nila sina Patrick Garcia, Glaiza de Castro, at Rich Asuncion.

Ano ang feeling na sinasamahan niya ngayon si JC sa first grand fans day nito?

"Siyempre natutuwa naman ako kasi mainit talaga yung pagtanggap ng mga tao sa tambalan namin, lalo na dun sa Kung Aagawin. Wala akong nakitang ni isang tao na nagsabing hindi kami bagay as a loveteam. Lahat talaga sila sinasabi, sa Twitter namin pareho, sinasabihan kami pareho na, 'Bagay na bagay talaga kayo.'

"Tapos nagtataka ako kasi sa lahat ng mga naging ka-loveteam ko, siya talaga yung mas maraming positive feedback. E, di ba, paiba-iba naman talaga ako ng loveteam? So yung sa amin ang ganda ng feedback. Nagustuhan talaga nila and maganda yung chemistry talaga namin.

"Ayun, something like this is one way din of thanking the people na sumubaybay dun sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Siyempre, yung mga fans ni JC, I'm sure natuwa din sila sa loveteam namin. Kaya yung mga fans na nandito ngayon, maganda na pasayahin din namin sila by me being here," pahayag ni Maxene nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage.

Ano ang masasabi niya sa kagustuhan ng mga fans na magkatuluyan din silang dalawa in real life?

"Ganun naman talaga lagi, di ba? Lalo na kapag napakaganda ng team-up ng isang couple, gusto nila sa totoong buhay magkatotoo. Marami rin ang nagsasabi na sana maging kayo, mga ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENJOYING EACH OTHER'S COMPANY. Paano niya ba ide-describe ang closeness nila ni JC ngayon?

"Well, naging close talaga kami ni JC, pati na rin nina Glaiza, Patrick, and Rich sa Kung Aagawin. Pero ang naging pinaka-close ko na guy si JC, sa girls naman both Glaiza and Rich. So yun, lahat naman talaga kami, even habang walang taping, nung nagra-run pa yung Kung Aagawin, kahit walang taping lumalabas kami. Kahit nang matapos na ang show, lumalabas-labas pa rin kaming lima. Masayang-masaya kami," lahad ni Maxene.

Dahil nga sa madalas na paglabas-labas nila na magkasama kahit tapos na ang airing ng soap nila kaya naman iniintriga tuloy na may relasyon na sila ni JC. Totoo bang may namumuo ng something special sa kanila ni JC?

"Wala naman, kasi nga I just got out of a relationship," sabi ni Maxene. "Ayoko naman biglain na kaagad-agad meron na. So, whatever JC and I have, yung friendship namin, I'm enjoying that. Nae-enjoy ko yung company niya kasi pareho kami ng ugali, yung mapagbiro. Tapos mababaw kami, konting bagay lang, natutuwa na kami. Mababaw ang kaligayahan namin. So, yun, masaya."

Pero nagpaparamdam na ba si JC sa kanya?

"Wala pa. Siguro sa ngayon, we're forming our friendship lang and developing what we have. Parang nagiging best friends kami, alam mo yung close na kami sa isa't isa and we tell each other's secrets, ganyan. So, pag may problema ako, sasabihin ko sa kanya. Tapos siya rin, kapag may problema siya, sasabihin niya sa akin. Kumbaga, we found a confidante in each other. And it's very rare that you get to find someone like that, especially in show business na maging close talaga. So, ayoko namang i-jeopardize na porke't close kami, ibig sabihin that equals a romantic relationship."

SWEET GUY. Pero open ba siya sa possibility na more than just friends ang patunguhan ng relationship nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, si JC kasi is a very sweet guy," sabi ni Maxene. "Napakabait niya, maalaga. Sa aming tatlong babae, Glaiza, Rich, ako, inaalagaan niya talaga kami. Kahit din naman si Patrick, silang dalawa actually. So, if ever na magparamdam siya or whatever, hindi ko naman sasabihin na... hindi ko ide-deny na alam mo yun, na mapapansin ko rin yun or pwedeng ma-develop ako or whatever, kasi talagang mabait si JC. Pero sa ngayon ayokong munang bigyan ng malisya.

Sabi niya sweet guy si JC, paano ba nito ipinapakita yung sweetness sa kanya?

"Yun, just by being there. Kunwari tatawagan mo siya, si JC is one na game sa kahit ano. Sasabihin namin, 'O, gusto n'yo bang magganito?' Siya talaga yung mauunang magsabi na, 'Game ako diyan!' Just by being there and yung company niya, yung ino-offer niya yung friendship niya. Yun, sweet siya sa ganun, hindi siya madamot sa company niya and sa friendship, sa time."

Ano pa ang iba niyang nagustuhan kay JC?

"Yung pagiging totoo, kasi nga mahirap hanapin yun sa showbiz, di ba? Ako kasi, magaling akong mang-detect kung sino yung totoo, and kay JC nakita ko yung pagiging totoo. Yun ang gusto ko sa kanya. Yung sense of humor niya gusto ko rin, like coming from my dad [the late Francis Magalona], yung dad ko mapagbiro lagi, and si JC ganun din siya. Sobra siyang mag-joke kaya tuwang-tuwa ako. Ako, I like laughing talaga. So any guy who can make me laugh, okay sa akin."

Ang mommy ba niya na si Pia Magalona ay nagtatanong na kung sila na ni JC?

"Hindi, yung mom ko hindi matanong tungkol sa ganyan. Naghihintay siya na ako yung mag-open up, kami yung mag-open up sa kanya. Yun, napag-uusapan naman namin especially with my breakup, napag-usapan namin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MENDING A BROKEN HEART. Four months ago nga ay nakipag-break si Maxene sa kanyang non-showbiz boyfriend of six years. Ano ba ang nangyari at nag-break sila?

"I don't want to go into details. It's just that when we started the relationship, he was 18 and I was 17. So, parang nag-grow kami together and now I'm 22, so alam mo yung parang..."

Na-fall out of love ba sila?

"Hindi naman na-fall out. Parang naging routine na lang, routinary na. Parang we want to experience yung pagiging separate namin kasi six years walang off yun, e," paliwanag ni Maxene.

Mutual decision ba ang breakup nila?

"Yeah, it was a mutual decision. At first ayaw niya, may time din na ayaw ko. Noong una gusto niya, ako ang may ayaw. Pero noong natanggap ko na, siya naman ang may ayaw. So, parang nagkasalisi. Parang feeling ko , talaga meant to be. So, parang na-realize namin na we needed this. We needed to take a time apart. It was necessary because kailangan naming mag-grow individually, kasi naging dependent na kami sa isa't isa. Nasanay na kami na nandiyan siya, nandiyan ako. Ang sa akin lang naman, I'm not closing any doors. Kung kami talaga, kami talaga."

Paano naman niya sasagutin ang intrigang si JC daw ang dahilan ng breakup nila ng boyfriend niya?

"Ay, hindi! Ang dami ngang nagsasabi na akala nila, but it's not him talaga."

Pero hindi ba nagselos ever ang boyfriend niya kay JC?

"Ay, hindi!" sagot ni Maxene. "Kasi six years kami kaya naiintindihan niya na nasa showbiz ako. Tina-trust niya ako kasi hindi ko siya binibigyan ng reason to doubt me. Kahit sa lahat ng nakatrabaho ko, wala akong nagkaroon ng thing with—sila Cogie [Domingo], Oyo [Sotto], Richard [Gutierrez]. It's purely work talaga."

How does she mend her broken heart?

"Okay naman ako. I have my friends. That's why ayokong samantalahin kung ano man meron kami ni JC. Sa ngayon, friendship lang talaga. Ayoko nang gawan yun o lagyan ng malice yun, kasi I need friends right now. I don't need a boyfriend. I don't need a romantic relationship right now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIKES TO WORK WITH JC AGAIN. After ng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, ano ang susunod niyang project sa GMA?

"Wala pa akong alam sa ngayon. Pero sabi naman daw nila, magkakaroon daw. So, happy kami kasi mataas yung ratings ng Kung Aagawin. And natuwa naman kami kasi napakaganda ng story. Natuwa kami na nabigyan namin ng justice yun. Siyempre nag-hit yung movie kaya okay din na nag-hit yung show. Maganda yung tandem namin, kaming apat nina JC, Patrick, and Glaiza. Kaya tuwang-tuwa kami."

Gusto niya ba si JC ulit ang makasama niya?

"Oo naman," nakangiting sabi ni Maxene. "Kung puwede nga kahit sina Glaiza kasama ko pa, pero medyo imposible na ngayong may iba na silang shows. Pero kung si JC, siyempre gusto ko kasi maganda nga yung chemistry namin, maganda yung feedback. So, I wanna see where else our loveteam can go and what else can we do as a loveteam. Pero kung after ng soap namin GMA wants us to separate, okay lang din sa akin. Kasi, siyempre, kailangan din naming mag-grow as artists.

"So, whatever GMA decides. Pero ang sa akin lang, oo siyempre gusto ko naman na kami ulit, kasi talagang ang ganda ng feedback. Ngayon lang talaga ako naka-experience na sinasabing, 'Bagay na bagay kayo, tapos ang ganda n'yong tingnan together, maganda yung chemistry n'yo onscreen.' Siyempre, yun lang naman yung point na pasayahin yung mga nanood. So, why don't we give them that."

Ano ang message niya for JC?

"Thank you for always being there. And I appreciate lahat ng ginagagawa niya for me, yung friendship na ino-offer niya sa akin and yung time niya. And siyempre yung effort na ipinapakita niya sa akin. I'm very happy na nakilala ko siya, kasi it's very rare to find someone like him talaga in show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre bago pa lang siya, sabi ko sa kanya, huwag siyang magbabago. And, congratulations sa lahat ng achievements niya. Kasi I've seen him grow na rin talaga as an artist, especially from the start of Kung Aagawin. Nag-improve na talaga yung acting niya. So, proud ako sa kanya siyempre. Proud ako kasi ako yung in-entrust sa kanya ng GMA para maging unang ka-loveteam niya. Dati ako yung ganun, e, na pina-parter ako sa mas matagal ng artista. Ngayon, siya naman ang pina-partner sa akin dahil matagal na rin ako sa showbiz. So, tuwang-tuwa naman ako. Proud ako sa kanya. Congrats and keep up the good work," pahayag ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN