Karylle portrays promising coed with tragic end in Maalaala Mo Kaya

Karylle says there are many lessons to be learned in how Ateneo student Tara Santelices lived her life and how she died.


Masasabing taliwas sa image ni Karylle ang role na ginagampanan niya bilang isa sa mga villains ng Dahil May Isang Ikaw. As Denise Alferos, ka-love triangle siya sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa istorya.

Aminado si Karylle na nahihirapan siya sa role niya but it serves as a challenge for her to portray someone na kabaligtaran daw ng character niya sa tunay na buhay.

"Minsan, hirap na hirap ako lalo na pag nagagalit, kailangang paulit-ulit. Lalo na pag sobrang taas ng energy ng galit, nabubulol ka kasi di ka naman sanay. Although marami naman sa amin ang ganun, and siguro okey lang naman kung paminsan-minsan magkamali ako, kasi di ko naman personality yun so mahirap talaga."

Ipinagpapasalamat na lang ni Karylle na alam ng tao na role lang ang ginagampanan niya.

"Natutuwa naman ako na although marami ang nagagalit o naaasar sa character ko, nahihiwalay naman nila. Like nung nag-mall tour ako nung weekend, nanood sila and yung response nila, alam nilang iba si Denise at si Karylle. Nakakatuwa na matatalino na ang mga audience natin ngayon."

Marami sa mga avid viewers ng DMII ang nagsabi na baka matatapos na raw ito dahil sa bilis ng takbo ng istorya. Kahit pala si Karylle ay naisip na rin yun, dahil halos araw-araw ay may mga bagong rebelasyon na napapanood.

"Tinanong ko nga ang EP [executive producer] namin, 'Kuya Nars, matatapos na ba tayo?' dahil masyado nang maganda yung kuwento, parang half way through na. But sabi niya mahaba pa raw, marami pang mangyayari. Alam ko sa original storyline, mayroon pang major na mangyayari na dapat abangan nila."

TRAGIC END FOR PROMISING COED. Lalabas din si Karylle sa Maalaala Mo Kaya, playing the role of Tara Santelices, isang Ateneo student na namatay sa isang holdup incident sa loob ng dyip na sinasakyan niya. Ayon kay Karylle ay maraming aral ang matututunan sa karakter na ginampanan niya sa MMK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabaril siya sa isang dyip sa isang holdup kasi parang ayaw niyang ibigay yung gamit niya. Di dahil nanghihinyaang siya kundi mataas kasi ang prinsipyo niya sa buhay. Alam niyang mali yun, di niya matanggap yung ganung maling sistema.

"Outside very obvious na mahilig siya sa party. Mayroon siyang ginagawang shirts, mayroon siyang fashion line, tapos nasa band siya na electronical rock o mahirap maintindihan especially for parents. Siyempre on the outside, rakista ba ito o ano? Pero nagwo-work pala siya sa isang NGO, pangarap niya pala na maging ambassador. Sobrang sayang kung iisipin na matatapos ang buhay niya in such a tragic way.

"I think through her story may magandang maituturo sa atin from her life. Karamihan kasi sa mga kabataan natin, ang problema nila is parang generation gap. I think this is a wake-up call for the parents na di porke't mahilig sa rock or whatever o iba manamit ang anak nila, masama na siya. Malay mo ang pangarap niya ay maganda pala."

KEEPING RELATIONSHIPS PRIVATE. Na-link siya before kay Jericho Rosales. Ngayong bali-balita na nagkabalikan na raw sina Echo at Heart Evangelista, ayaw magbigay ng komento ng singer/actress tungkol dito, pero para sa kanya ay magiging masaya siya kung alam niyang masaya ang aktor.

"Magkaibigan talaga kami ni Echo. Minsan nga tinutukso ko siya pero ganun-ganun lang. If ever na nagkabalikan nga sila, magiging masaya ako for him. Di ko masasabing may alam ako dahil wala naman talaga akong alam. Basta, whatever will make him happy, kung saan siya magiging masaya, dun ako."

May bali-balitang she's now going out with a DJ named DJ Sam YG. Di naman niya ito idineny sa amin, pero nagbitaw ng salita ang aktres na ngayon ay doble ingat na siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

"Yes, we go out, okey naman siya, matalino, mabait. Ngayon naman kasi, di ako nagmamadali or anything. Siyempre after everything that happened, magmamadali pa ba ako? Siyempre gusto kong manigurado."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN