Sarah Geronimo's next film may be with Judy Ann Santos and Luis Manzano

Sarah fans, who were incensed when she wasn't chosen to be in Claudine Barretto's first Viva film, were again miffed when Soul Siren Nina got the Diamond Record Award for the most album sales. They felt that their idol was more deserving, but a tranquil Sarah said: "Ganun talaga, may kanya-kanya tayong achievements. Happy ako na nagpa-platinum ang mga albums ko, di na kailangang maging diamond pa yun."


Di pa man nasisimulan ang pelikulang pagsasamahan nina Claudine Barretto at Anne Curtis sa Viva Films ay balita nang marami sa mga avid fans ni Sarah Geronimo ang nagreklamo dahil di hamak naman daw na mas sikat at mas may napatunayan na sa box office ang kanilang idolo kaysa kay Anne.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview the Pop Princess, Sarah assured to us na walang problema sa kanila ni Anne at huwag na lang sana palakihin pa ang issue.

"Hayaan na natin yun. Minsan mas sensitive pa ang mga supporters namin kaysa sa amin."

Natutuwa nga siya sa pagpirma ni Claudine ng two-picture contract sa Viva Films, "kasi ibig sabihin nun, may chance na rin ako na makatrabaho si Ms. Claudine sa isang pelikula."

At ang balita, kung si Anne daw ang makakasama ni Claudine, si Judy Ann Santos naman ang makakasama ni Sarah sa isang Viva film, kung saan makakapareha niya si Luis Manzano.

"Very excited pero siyempre, nandun yung pressure and talagang nakaka-tense na makakasama mo sa isang pelikula ang Drama Princess na si Ms. Judy Ann Santos. Kumbaga mate-test dun yung acting ability mo lalo pagdating sa heavy drama. Ako, in every project naman that I do, parang ine-enjoy ko na lang. Ang importante naman diyan, willing ka to learn at kahit may criticisms, ina-accept mo constructively.

"Narinig ko nga na si Luis daw ang makakapareha ko. I want to work with him. Okey si Luis, magaling na aktor especially yung ginawa nila sa In My Life."

DIAMOND CAREER. Kamakailan ay pinagkaloob sa tinaguriang Soul Siren na si Nina ang Diamond Record Award, dahil sa taas ng sales ng album niyang Nina Live! na ilang beses nang nag-platinum. Siya ang kauna-unahang female OPM artist na binigyan ng award na ito. Ang OPM artists pa lang na nabigyan ng ganitong kataas na award ay sina Jose Mari Chan at The Eraserheads. Agad namang umalma ang mga Sarah fans dahil mas dapat daw ipagkaloob ang karangalang ito sa singer/actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun talaga, may kanya-kanya tayong achievements," kampanteng sagot ni Sarah. "Ako, happy ako na nagpa-platinum ang mga albums ko. Napakahirap ng buhay ngayon at malaking pasasalamat na yun para sa akin, di na kailangang maging diamond pa yun."

Ibinalita rin sa amin ni Sarah na sa November 7 na ang Record Breaker concert niya sa Araneta Coliseum. Nakatakda rin siyang umalis ng bansa for a series of shows sa Europe after the concert.

"Nagsisimula na kaming mag-rehearse para sa Record Breaker," kuwento niya. "Aside sa rehearsals, parang sarili ko na ring exercise. Parang nagdyi-gym ako, nagwo-workout nang kaunti, swimming.

"May ilalabas kaming Christmas album. Kakantahin ko yung mga original Christmas songs na ni-record namin sa album and siyempre yung mga dating hits pa.

"Sa November, after Record Breaker concert, magyu-Europe kami ni Billy Crawford."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN