Rhian Ramos on Stairway co-star: "Dingdong Dantes is a revelation!"

"Napaka-pro niya!" gushed Rhian about her leading man. "At masarap siyang katrabaho. Alam mo yung nasa isang eksena ka, tapos ramdam mo na ume-effort talaga yung kaeksena mo? Ibibigay mo talaga everything na kaya mong ibigay. Mararamdaman mo ang isang bagay dahil gusto niyang maramdaman mo. Sinasabi ng mata niya, kunwari, mahalin mo 'ko... Ako, mahal na kita."


Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment press sa taping ng Stairway to Heaven kunsaan isang party scene ang kinukunan sa White Avenue Bar, T. Morato Ave., Quezon City.

Hindi umabot ang PEP sa mahabang kissing scene nina Dindong Dantes at Rhian Ramos bilang Cholo at Jodi/Jenna. The night before this taping, ang episode na ipinalabas ay yung nasa street silang dalawa at nagkaroon din ng matagal na kissing scene.

Natawa tuloy ang press nang tanungin si Rhian kung ano ang pinaka-favorite scene niya at ang isinagot niya ay yung episode kagabi. So we asked her, type niya yung kissing scene?

"Hindi... kasi, nag-kiss kami tapos nakita n'yo ang mga tao? Nag-stop sila so, parang feeling ko, wow, may magic ang love! Tapos, hindi man lang namin napansin na nandoon si Tristan. Sobrang naka-fix lang. Pero naniniwala ako na yun talaga ang feeling ng kiss, yung tumitigil ang mundo."

Nakaranas na ba siya nang ganoong klaseng kiss in real life?

"Hindi!" natatawa niyang sabi. "Pero, di ba, kailangan yun, e, yun ang pag-ibig! Yun yun! Dapat may magic. Dapat kapag lumingon ako, lahat ng tao, naka-freeze," sey niya.

PERFECT WORKING RELATIONSHIP. Kumusta na silang dalawa ni Dingdong ngayong halos isang buwan na silang nagtatrabaho?

"Okay na okay. I think, better and better lang. Happy ako sa kung anong relationship ang meron sa amin ngayon. Sa tingin ko, kung may questionnaire na sinabi ko 'to kagabi, naitanong ako kung ano ang perfect na working relationship? Sasabihin ko na yung sa amin ni Dong. Kasi, sa tingin ko, ganito dapat."

Hindi kaya mag-react ang mga past leading men niya?

"Siyempre, I have to talk something that is now. Past naman yun. Pero ano, sa tingin ko, meron kaming isang perfect relationship na anything na hindi work, hindi namin iniisip. Tapos, naka-focus lang talaga kami kung ano ang eksena, yun yun. Kaya siguro naabot din namin ang intensity na kinakailangan sa mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun na ang focus namin, e, work talaga. So, napakaganda nitong working relationship."

Di ba sila nag-uusap ni Dingdong on a more personal level?

"Kaya... kaya namin pag-usapan ang more personal. Pero alam mo yun, sobrang priority talaga namin ang trabaho. Once na nandito kami, yun lang talaga ang fixation namin. Trabaho lang.

"Minsan hindi na ako parehong mag-isip. Once na narinig ko ang action, hindi na 'ko nagre-react ng mga natural kong reaction, pero Jenna... Kung ano ang reaction ni Jodi, ganun... I think, ano, I'm just very happy with the outcome of the show. Sobrang happy."

FAN REACTIONS. Wala na bang ilangan sa pagitan nila, especially on her part dahil alam niyang in real life, may ibang mahal si Dingdong?

"Well, hindi naman talaga 'ko nailang sa fact na yun. Ewan ko... bilang artista, sa tingin ko, kung ano yung sa totoong buhay, wala na ako dapat pakialam dun. Ganun... wala lang. Very blunt, di ba?

"And there shouldn't be a different na umaarte ka kasama ang leading man na single at umaarte ka na kasama ang leading man na taken. Dapat walang difference kung paano ka umarte."

Does she get affected na may mga fans na tila di pa rin matanggap na may bagong leading lady ni Dingdong?

"Hindi naman masyado... kasi, hindi siya ang isang bagay na naiintindihan ko, e.

"Hindi ko siya naiintindihan kasi sa tingin ko, wala namang dapat dahilan para magalit. Wala rin naman kaming ginagawa na hindi sa script, e... Trabaho namin siya."

May assurance ba ang mga fans na wala silang dapat ikagalit?

"Yun ang gusto kong gawin... ang bigyan sila ng assurance na walang dapat ikagalit or anything. Puwede rin, pagkatapos umere, padala ko sa inyo ang script at sabihin n'yo kung may ginawa ako," natatawa niyang sabi.

HATE MAIL. Mostly through e-mails ang attack kay Rhian. Wala naman daw siyang na-e-encounter na harapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never... never... at saka, ang dami kong nakukuhang magagandang reaction kapag nakakausap ako. Tinatawag nila akong Jodi kapag nasa labas."

Kuwento pa niya, "Kagabi pa nga, may na-meet ako na batang nagpapa-picture. Sabi niya kasi bata pa talaga siya, so dapat natutulog siya nang maaga. Pero sabi ng mommy niya sa akin, hindi raw siya makatulog kasi gusto niyang manood ng Stairway. As in, once na napanood niya ang Stairway, kuntento na siya, tulog na siya."

May idea na ba siya kung saan nanggagaling ang mga hate mail sa kanya?

"Wala, no idea... Kailan lang, nabalitaan ko na naman bumalik. Ewan ko... hindi umaabot sa akin actually. Ngayon ko lang din nalalaman sa inyo.

"Dati, talagang naapektuhan ako. Hindi ko alam kung paano ko iha-handle. Kasi, kahit ako, pinapadalhan nila ako sa e-mail. Na parang, ano ang nangyayari? Kapag nabasa ko, bakit, ano ang ginawa ko? Yung ganoon ang napi-feel ko. Lalo na kapag nakikita kong bothered ang mommy ko, yung hindi niya maitago.

"Pero these days, wala... ang happy-happy lang namin. Wala kaming napapansin na ganoon. Kahit family ko. Siguro, kaya ako okey dahil okey rin ang pamilya ko."

DINGDONG'S INFLUENCE. After doing STH with Dingdong, would she still want to get paired with him kahit alam niyang may mga against sa teamup nila?


"Ako, personally, I would be very happy na makatrabaho ulit si Dingdong, kasi napaka-pro niya! Wala akong masabi. Wala talaga akong masabi. Wala akong mahanap na complaints. Napaka-pro niya at masarap siyang katrabaho.

"Alam mo yung nasa isang eksena ka, tapos ramdam mo na ume-effort talaga yung kaeksena mo? Parang nakakagana. Wala... ibibigay mo talaga kung ano, everything na kaya mong ibigay. Napaka-giving niya kasing actor. Parang mararamdaman mo lang ang isang bagay dahil gusto niyang maramdaman mo yun. Sinasabi ng mata niya. Kunwari, mahalin mo 'ko... ako, mahal na kita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, Dingdong is a good actor?

"Yes! Dingdong Dantes is a revelation!" sabay pakita ng commendation letter na ibinigay sa kanila ng GMA management during the taping. "It's legit! Dingdong Dantes is a revelation. It's on paper!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN