Boy Abunda hosts Mr. Gay World Philippines 2009 tonight

Pageant night starts at 8 p.m., Sunday, October 25, at the Metro Bar on West Avenue, Quezon City, emceed by King of Talk, Boy Abunda. "I will be with brothers," said one of the most successful gays in the Philippines. "More than the fun, it's the significance that will give encouragement to everybody, lalo na siguro sa mga bading, dahil kaisa naman talaga nila ako. To join hands with them in reaching their aspirations. Kasi, at one point, I shared with them that kind o


Walang dudang very supportive si Boy Abunda sa anumang uri ng okasyon na ipinagdiriwang sa mundo ng mga bading. Bukas ng gabi, Sunday, October 25, 8 p.m., ay ang pageant night ng Mr. Gay World Philippines 2009 na gaganapin sa 8 p.m., October 25, Sunday, sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.

Karagdagang prestige para sa kumpetisyong ito ang presence ng tinaguriang King of Talk.

"I will be with brothers," sabi ni Kuya Boy. "That's why I'm one with them. Lahat naman ng klaseng pageant, walang issue ang gender sa akin. I hosted pageants for men, women, gays, it doesn't bother me. More than the fun, it's the significance that will give encouragement to everybody, lalo na siguro sa mga bading, dahil kaisa naman talaga nila ako.

"It's not just an opportunity to be with good-looking gay men. It has to go deeper than that—to join hands with them in reaching their aspirations. Kasi, at one point, I shared with them that kind of aspirations, yung mga dream nila, that definitely make this gay life worth living," tuloy-tuloy na sabi ni Kuya Boy.

GOODWILL AMBASSADOR. Wala namang ibang dahilan talaga para palalimin pa at lagyan ng ibang kulay ang pag-e-emcee ni Kuya Boy ng ganitong klaseng patimpalak.

"I'm just very happy to know that there are people who believe in the same ideals, like Noemi Alberto, who's the director for Asia Mr. Gay World, sina Mac Bordallo and Dennis Sebastian, who are the brains behind this. Also, Ronald Carballo, kaibigan nating writer 'yan, at siya ang nagdidirek ng pageant.

"Ang excitement d'yan, hindi natin alam talaga kung ano ang mangyayari during the show itself. Anything that concerns the gay sector, para sa ikabubuti nila, sa ikasasaya, nariyan ako palagi, maaasahan nila.

"And it's always nice to be a part of the selection of our country's ambassadors of goodwill sa ganitong klaseng mission," sabi pa ng batikang TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRATION. Despite his busy schedule, hindi natanggihan ni Kuya Boy ang challenge ng pag-e-emcee ng ganitong klaseng patimpalak. Bago ang pageant, mauuna ang live telecast ng The Buzz.

"Hangga't maisisingit, walang problema. I just regard this as something like the other pageants I have hosted in the past. Hindi naman dahil sa discreet and straight-acting gay men ang involved na contestants, kung hindi yung celebration of beauty, talent and sexuality, yun ang essence talaga ng ganito, na dapat, ang mga gaya natin, sumusuporta talaga," sabi pa ni Kuya Boy.

Ang 19 na maglalaban-laban para sa Mr. Gay World Philippines 2009 title ay sina Lander Ballanda, Tijou Josiah Uy, Niño Ocampo, Ronald Alva, Herbert Chavez, Loyd Abella, Jethro Cuenca, Venn Macadangdang, Charles William Tan, Melvin Algabre, Raul Nebres, Winston Alejandro, Wilson Elizalde, Romel Gueco, Erimar Ortigas, Nomer Yuzon, David Bosley, Shi-Rho Toshi Lee at Marvin Yao.

This year's competition is being produced by Winstruck Events Productions and Marketing Company. Ang mapalad na magwawagi ay magiging official Philippine representative sa Mr. Gay World 2010 na gaganapin sa Oslo, Norway.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN