Felix Roco cries after doing delicate scene with Lovi Poe in Sagrado Pamilya

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mommy ko kung ano yung ginawa ko," worried the young actor. "Nalungkot siya nang sabihin ko na may butt exposure ako sa movie. Alam ko naman na kailangan din sa pag-aartista yun, pero puwede rin kasing sumikat na hindi na kailangang gawin ang ganoong mga eksena."


Pinakamalaking break ni Felix Roco ang maging leading man ni Lovi Poe sa Sagrado Pamilya ng Legalas Entertainment. Buo ang tiwala niya sa direktor nilang si Joel Lamangan. Pero may mga pangangailangan ang pelikula na sa banding huli ay medyo naging matindi para sa aktor.

"Nagpakita ako ng puwet," paliwanag ni Felix, tungkol sa isang eksena nila ni Lovi.

"Pareho kami ni Lovi sa ganyang klaseng eksena, first time namin. Nagawa namin yung gusto ni Direk. Nagpakita kami ng konting skin."

MOM'S REACTION. Matapos kunan ang eksena, "umiyak talaga ako," inamin ni Felix. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mommy ko [Coco Artadi-Roco] kung ano yung ginawa ko.

"Hindi lang naman sa ayaw ng mommy ko. Maski ako, ayoko rin talaga. It's not really on my plan, bilang artista. Hindi naman ako binibigyan ng advice ng mommy ko sa mga ganyan. Basta, kung ano lang ang makapagpapasaya sa akin, doon ako.

"Okey lang naman. Very supoortive siya. Pero, nalungkot siya nang sabihin ko nga na may butt exposure ako sa movie. Alam ko naman na kailangan din sa pag-aartista yun, pero puwede rin kasing sumikat na hindi na kailangang gawin ang ganoong mga eksena.

"Makikita naman ang talent through not showing skin. Mapapansin din ng mga tao kung talagang may talent, e," nasabi na lang ni Felix.

Habang papatapos yung proyekto, sige sa pagkabog ang dibdib ng young actor. Hindi sa natatakot si Felix, kung hindi nahihiya siya sa puwedeng maging reaksiyon ng mga tao.

"I'm scared, hindi ko alam kung magugustuhan nila o hindi. Sana nga, yung talent ko pa rin ang mapansin."

Kampante naman si Felix sa puntong hindi bold star ang kapareha niyang si Lovi, at si Direk Joel ay mataas ang reputasyon bilang filmmaker.

TAKING HIS TIME WITH LOVE. Bago pa ang Sagrado Pamilya, lumabas si Felix sa Dukot kunsaan maganda ang feedback sa kanya. Siya rin ang bida sa Engkwentro na dinirek ni Pepe Diokno, na isa sa mga pinuring pelikula sa nakaraang Venice International Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May nagawa rin ako sa mainstream, yung Shake, Rattle and Roll XI, pang-Metro Manila Film Festival yun. Magkasama kami ng twin brother ko [Dominic Roco].

"Sa TV, kasama ako sa bagong season ng Daisy Siete. Wala akong lovelife, puro trabaho. Roon ako nagko-concentrate. Hindi naman ako nag-showbiz para magka-lovelife lang. Darating din siguro ang right time for that," aniya pa.

Felix finds Lovi attractive at napangiti siya nang sabihin naming single na uli si Lovi dahil nag-split na sila ni Jolo Revilla.

"Ayokong madaliin yung ganyang mga bagay," sabi ni Felix. "It takes time. Yeah, yung tipo ni Lovi ang puwede kong magustuhan. Bakit hindi?

"Ang pag-ibig kasi ay hindi normal. Wala kasi akong iniisip na specific type of girl na magugustuhan ko. Minsan, hindi mo inaasahan, yun ang magiging karelasyon mo. Bigla na lang dumarating 'yan. I don't believe in preferences na morena lang, mestiza lang. Depende pa rin sa attitude 'yan, kung paano dinadala ang sarili. Roon ko ibe-base yun," sabi ni Felix.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN