Sheree caught dengue fever while shooting Puntod

"Masaya ngayon. Kumbaga, dati pag-uwi ko ng bahay, empty, wala akong uuwian. Kumbaga, dati, party girl ako. After ng work, wala namang tao sa bahay, e, punta muna ako sa bar, gimik-gimik. Ngayon, you have something to look forward to pag uwi mo," says sexy actress Sheree about having a family of her own.


Para sa sexy actress at dating Viva Hot Babe na si Sheree, ang indie film na Puntod ang pinakamakabuluhang pelikulang ginawa niya in her entire career.

Co-produced and directed by Cesar Apolinario, ang Puntod (English title: Baby's Tomb) ay naglalarawan ng kahirapan ng Pinoy, partikular na ang scavengers o mangangalakal ng basura sa mga "informal settlers'" area. Kasama rin sa cast sina Barbie Forteza (gumanap na batang Jodi sa Stairway to Heaven ng GMA-7), Mark Gil, at Arnold Reyes.

Itinanghal ang premiere showing nito noong Biyernes, October 23, sa 11th Cinemanila International Film Fesitval sa Market! Market! Cinema sa Fort Bonifacio sa Taguig City. Naganap din ang press preview ng film sa viewing room sa Fully Booked sa The Fort pa rin, na dinaluhan ni Sheree, na nakapanyam ng PEP (Philippine Entertainment Porta) after the screening.

Sa Vitas area sa Tondo, Manila ang location shooting ng Puntod. Ang buong experience na ito ay kakaiba para kay Sheree, at napatunayan niya ang realidad ng poverty sa Pilipinas, lalo na ang usapin sa pagkain.

"Super duper yucky sa location!" bungad ni Sheree. "Pero as in simula nung nag-shoot kami doon, hindi na ako nagtatapon ng pagkain. Pag di ko nauubos, kahit sobrang konti na lang ang pagkain na natitira sa plate ko, nilalagay ko sa ref. Kasi, parang na-realize ko, grabe pala talaga ang mga taong nagugutom sa Pilipinas, na hindi lang natin alam na ganoon kahirap ang buhay nila.

"Talagang yung mismong bahay na pinag-shooting-an namin, 'pag dumungaw ka doon sa butas na inaakyatan, puro ebs na ang mga 'andun at makikita mong lumulutang ang mga condom na gamit na.

"Pero alam mo, sobrang worth it, kasi alam mo nung napanood ko yung movie, talagang, 'Wow, ang ganda!' Hindi lang siya yung movie na... Marami ka ring matutunan sa pelikula, e. Like yun nga, gaya ng sa akin, mahilig akong magsayang ng pagkain, e. Yung sa restaurant, kunwari, di ko na maubos, 'Okey lang 'yan, diyan na lang 'yan.' Yung mga ganon'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, pag di ko nauubos, 'Oy, ibalot mo 'yan, ang daming mga taong nagugutom ngayon. Dati kasi, sa restaurant, pag di nauubos, kesa dalhin mo pa, di ba? Ngayon, na-realize ko yung hirap ng mga tao. Yung mga pagkain, pagkatapos ng bahay, di ba itinatapon lang?"

Bukod dito, may iba pang personal experiences si Sheree na hindi niya makakalimutan.

"Naawa talaga ako sa mga bata do'n," saad niya. "Gusto ko ngang magdala ng mga laruan, e. Kasi, yung mga bata, para silang mga gagamba! Makikita mo talagang parang mga gagamba, kasi wala silang toys, e... Ang gagawin nila, siguro mga two to three years old, papag-away nila, mula doon sa bundok o ibabaw ng basura, hala, nagre-wresting na talaga sila... Tapos, gumugulong na talaga sila hanggang doon sa dulo ng mga basura, kasama pa ang mga aso!"

Mabuti't hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang Puntod, dahil kung sa iba yun ay magdadalawang-isip na tanggapin ang role, the fact na ala-Smokey Montain ang atmosphere sa shooting.

"Ako naman kasi, kahit naman anong pelikula basta alam kong maganda ang script, gagawin ko talaga. Hindi ko na rin inisip yun, e. Kasi, parang... Kumbaga, kung gusto mong parang maging totoo talaga, e, gagawin mo yun.

"Yung 'andun ka talaga sa totoong lugar, yung gano'n. Mas mararamdaman mo talaga yung reality. Oo, may mga kadiri factor, pero para sa pelikula, alam mo yun, gagawin ko talaga yun kung ano talaga ang makakaganda sa movie. Mahirap lang talaga, pati yung amoy... Hindi ko nga ma-imagine, e!" kuwento ni Sheree.

DENGUE. Dahil sa kapaligiran, nagka-dengue fever si Sheree while shooting. Grabe raw ang pinagdaanan niyang sakripisyo. Dahilan upang ma-confine siya sa Medical City.

"Nagka-dengue ako before the last day. Kasi, ang akala ko, lagnat lang. Naospital ako! Mataas ang fever. Mawawala. Tapos, biglang tataas. Tapos, the next day, nagpa-hospital na ako! Sabi ng doctor, kailangan ko raw ma-confine, kasi baka daw dengue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, the next day, from... Ano ba yun na from 100-something na blood [blood cells count], biglang bumaba ng 80-plus na lang, hanggang sa naging 56 na lang yata! So, talagang naghanap na kami kung saan ako puwedeng pagsalinan ng blood. Nagtawag na kami. Thankful naman talaga kami dahil si Ms. Arlyn [producer ng Puntod], talagang she was there. Talagang binisita niya ako sa hospital. And then, tumawag na rin siya sa Red Cross, if ever na kailangan ko ng blood.

"Mga three days akong nag-confine. Tapos, pag-uwi ko pa sa bahay, parang nagkaroon ng kaunting commotion, kasi may nahuling may bomba doon sa building namin [sa Pioneer Street] na pumutok! E, 'andun ang baby ko! So, talagang ang daming nangyari sa life ko nung mga time na 'yon."

Naantala ba ang shooting dahil nagka-dengue nga siya't na-confine?

"Actually, lumabas ako ng ospital para tapusin ang last scene. Tapos, bumalik ako ng ospital. Ito yung libing scene. Nag-out lang ako sa hospital sandali, tinapos ko lang ang last scene at bumalik ako sa hospital kasi nga kailangan, e.

"Medyo nagtsi-chills pa nga ako noon, e. Kaya kumbaga, ito ang pinakamahirap na movie'ng ginawa ko. Pero worth it talaga kasi nakita n'yo naman ang pelikula, pinaghirapan talaga namin. Pero it turned out to be a really good movie.

"Hindi lang siya yung, kumbaga... Kasi, di ba, lahat ng ginawa kong movies noon, pa-sexy, di ba? So, hindi ko talaga pinagsisisihan. First time ko ring gumawa ng movie na alam mo na, yung acting ko, nailabas ko dito. Hindi lang puro sexy-sexy.

"Marami silang choices for the role, e, kaya I'm very thankful sa akin napunta yun, kasi very challenging. Saka, napakasama ng ugali ko dito, di ko ma-imagine yung character ko dito!" sabi ni Sheree.

Gumaganap si Sheree bilang isang lasenggerang ate ni Barbie na lagi nitong binubugbog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahirapan ako doon sa bugbog part kay Barbie. Nahihiya nga akong saktan si Barbie, e, batuk-batukan, sakal-sakalin. Si Direk, talagang sabi ni Direk, 'Sige na!' Sabi talaga ni Barbie, 'Okay lang po, okay lang po!' Kasi, naaawa ako sa kanya, e."

Para kay Sheree, eye-opener for her ang film.

"Eye-opener sa akin ang Puntod, kasi kumbaga, buong buhay ko, I was so blessed, then may mga taon palang gano'n, tapos nagsasayang lang tayo ng mga pagkain.

"Ako kasi, na-experience ko, nakasama ko sila ng ilang araw. Doon ko lang nalaman na yung food pala na tinatapon natin, pinupulot nila yun, tapos niluluto nila yun ulit. My God! E, di ba, tayo, sa restaurant, nakikita nating may langaw, nagrereklamo na tayo agad? Pero samantalang sila, gano'n!"

FAMILY LIFE. Nang magsama sila ng singer na si Gian Magdangal ay biniyayaan agad sila ng anak. Ipinanganak ni Sheree ang panganay nila ni Gian noong May last year.

Kumusta naman siya bilang bagong ina?

"Actually, parang wala namang nagbago, e," sabi ni Sheree. "Nadagdagan lang ako ng happiness in life, pero yun nga ang fear ko before na, 'Shucks, baka mawalan na ako ng trabaho after [manganak]!' Mga gano'ng factor.

"Kaya I'm very happy dahil in-offer sa akin ang Puntod, maganda, kaya tinanggap ko. Simula noon, nagkaroon rin ako ng regular shows like Asero, Luna Mystika... And then ngayon, nasa Rosalinda ako, kami actually ni Gian.

"Masaya ngayon. Kumbaga, dati pag-uwi ko ng bahay, empty, wala akong uuwian. Kumbaga, dati, party girl ako. After ng work, wala namang tao sa bahay, e, punta muna ako sa bar, gimik-gimik. Ngayon, you have something to look forward to pag uwi mo.

"Na parang after work, 'Ay, may baby akong naghihintay. Yung mga gano'n. Very happy ako. Totoo pala yung pag-uwi mo, kahit pagod na pagod ka, nakakawala ng pagod pag nakikita mo ang bagets."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang kamukha ng baby boy nila ni Gian?

"Actually, hati e. Naiinis nga ako, kasi sabi nila panay si Gian nga, e. Tuwing may nakakakita, 'Sheree, kamukha ni Gian!' 'Wala man lang ako?'" sambit ni Sheree, na by this time ay kinuha na nito ang picture ng anak mula sa kanyang wallet at ipinakita sa amin.

POSING FOR FHM. Pagkalipas manganak, hindi lubos akalain ni Sheree na makakapag-pose pa siya sa cover ng FHM.

"Ito yung Ladies' Confessions, yearly nilalabas yun ng FHM. First time kong nag-ano... Baligtad nga, e, kung kailan nagkaanak ako, 'tsaka ako naghubad nang bonggang-bongga!" tawa ni Sheree tungkol sa men's magazine na lumabas na sa market last month."

After giving birth, mas nagkaroon raw siya ng tamang body curves.

"Natuwa nga ako kasi, hindi ako nagkaroon ng stretch marks. Nabalik ko ulit yung katawan ko before. Pero mas nagustuhan ko lang ngayon dahil may boobs na ako at hindi ko na kailangang mag-foam para mandaya at may puwet na ako, kaya hindi ko na kailangang magpalagay ng puwet. Parang tamang curves na, parang nagkaroon ako ng laman.

"Kasi noong wala pa akong baby, super payat na payat talaga, buto't balat. E, ngayon, mas may boobs na ako at may puwet na ako. Sabi ng mga taga-FHM, mas gusto raw nila ang katawan ko ngayon than before."

Mabuti't pumayag si Gian na magpa-pictorial siya nang gano'ng kaseksi?

"Nagpaalam naman po ako, e. Sabi ko, 'Kailangan kong maghubad ulit, okey lang ba?' Sabi niya, basta maganda ang pagkakagawa. Sabi ko, 'Yes!'" kuwento ni Sheree.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN