Lorna Tolentino can't accept any film project while doing Dahil May Isang Ikaw

"Okey lang siguro kung dumating ang time na maging grandma ako, tatanggapin ko yun kung nariyan na. Kaya lang, mga bata pa ang mga anak ko. Marami pa silang gustong gawin, other than getting married," says Lorna Tolentino.


Sa panahon ngayon, tutok palagi ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino sa teleserye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw. Ito lang ang pinagbubuhusan niya ng atensiyon dahil dito pa lang, halos mahigit na tatlong araw na niya sa isang linggo ang kinokonsumo. Kapag taping na, tinitiyak ni LT na nasa kundisyon ang utak at katawan niya dahil hindi naiiwasan ang puyatan at napakaraming eksena ang nilulubos-lubos na matapos for every taping day.

Isa pa riyan, yung every time na kaeksena siya, lalo na ng junior stars na nasa cast, hindi raw maiwasang matensiyon ang mga ito.

"Naku, wala 'yan! Hindi ko nararamdaman. Mahuhusay sila. Happy ako na ang mga kasama ko sa teleserye, ke senior or junior, pare-parehong magagaling. Yung mga bago, akala lang nila na hindi nila kaya yung mga nagagawa namin nina Gabby [Concepcion] at Chin Chin [Gutierrez], pero nare-realize nila, kung naka-focus lang sila, kaya pala nila," sabi ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi kasi puwedeng kanya-kanya ang style diyan. Suportahan ang dapat mangyari, lalo sa younger stars na very supportive ang aktres, gaya nina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle, at Sid Lucero.

"Hindi magwu-work ang mga eksena kung ang iniisip lang namin, yung mga sarili namin," sabi ni Lorna.

Sanay na makihalubilo sa mga bagets si LT. Lumalabas ang pagkananay niya kapag kasama niya ang younger cast ng nabanggit na teleserye ng ABS-CBN. Pati yung kanya-kanyang lovelife, ganoon din kasi ang mga anak niyang sina Ralphe at Renz Fernandez.

"May girlfriends na sila!" natatawang sabi pa ni LT. "Mga non-showbiz [yung girlfriends]. Yung kay Ralphe, matagal na sila, e. Yung kay Renz, bago pa lang.

"Wala pa sila sa thirties nila. Mga 30 and above siguro, yun na siguro. Yun ang marrying age dapat ng isang lalake. Naku, mayroon daw akong nasabing gano'n! Just to point out na may few years ahead in their lives pa sila bago mag-asawa," tila ba pahaging na paalala ng aktres sa mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung makabuntis ang mga anak niya?

"Okey lang naman siguro," sagot niya. "Nasa kanila yun kung gusto nilang pakasalan. Pero maingat naman ang mga anak ko. Napansin ko lang sa mga anak ko, iba sila sa amin no'ng mga bata pa kami. Ayaw nila na may commitment na agad sila.

"Okey lang siguro kung dumating ang time na maging grandma ako, tatanggapin ko yun kung nariyan na. Kaya lang, mga bata pa ang mga anak ko. Marami pa silang gustong gawin, other than getting married."

LT ON THE BIG SCREEN. Ang kalidad ng pagiging artista ni LT ay pang-big screen din. Marami ang gustong magsama rin sila ni Gabby sa isang pelikula.

"Mayroong pinaplano sa Star Cinema, pero mahirap yung gagawin 'yan sa panahon na may teleserye ako. Nakausap na ako ni Boss Malou [Santos] tungkol diyan. Maybe, next year yung movie, after siguro ng teleserye. Hindi ko pa alam kung sino yung mga makakasama ko, pero ang alam ko, at least inaasikaso, may plano talaga.

"Ito nga lang Dahil May Isang Ikaw, matagal ang conceptualization. Imagine, dalawang concepts ang nai-present bago kami lahat pumayag. Yung unang concept, inayawan namin. Yung pangalawa, parang may inihalong bago doon sa dating concept, kaya mas gumanda, yun ang naaprubahan.

"Sa movie, wala akong sinasabi kung sino ang gusto kong makasama. Bahala na ang producers na umisip ng magandang kumbinasyon. May mga movies nga na pinagbibidahan ng mga bagets, like Bea Alonzo in And I Love You So. Kung bata-bata ako, gusto ko, ako na ang gumawa nun!" tawa nang tawa si LT.

Pero ang kino-consider talaga ni LT ay yung istorya na babagay rin sa kanya. Yun ang importante.

"May gusto ngang gawin si Senator Jinggoy [Estrada], yung parang sequel ng Katas ng Saudi. Pero sabi nga ni Direk Joey Reyes, baka baguhin na ang konsepto, kasi yung ibang mga kasama naming artista doon, mga busy na, like Shaina Magdayao, and the others. Baka maiba na nang konti," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN