Isabel Oli addresses statement of ex-boyfriend Paolo Contis about her closeness to his family

"No, at nagtataka rin ako kung saan nakukuha ni Pao yun. At dapat din kasi si Pao, matagal kaming nagkasama, so dapat alam niya rin kung anong klaseng tao ako at hindi ako ganyan," says Isabel Oli about Paolo Contis's statement.


Muli na namang magiging visible si Isabel Oli sa iba't ibang shows ng GMA-7. Bukod sa afternoon soap na Kaya Kong Abutin ang Langit, kasama rin si Isabel sa upcoming primetime series na Full House, kung saan makakasama niya sina Heart Evangelista, Richard Gutierrez, at Patrick Garcia.

Live na nag-guest si Isabel sa "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central kahapon, October 25, kung saan isa-isa siyang tinanong ng mga host ng programa na sina Raymond Gutierrez, Mo Twister, Rufa Mae Quinto, at John "Sweet" Lapus.

Ang unang tanong sa kanya agad ni Raymond ay tungkol sa dati nitong boyfriend na si Paolo Contis, na malapit nang maging ama courtesy of girlfriend Lian Paz. Sa panayam kasi ng Startalk kay Paolo ay itinanggi niya ang claim diumano ni Isabel na close pa rin sila ng mommy ng ex-boyfriend at may communication pa rin sila.

Totoo ba na mas boto ang mommy ni Paolo sa kanya at totoo rin bang may communication pa rin sila ng pamilya ng ex-boyfriend?

"Okay, once and for all, I wanna set the record [straight]," buwelo ni Isabel. "Parang ang tagal ko rin kasi na nanahimik, pero may mga lumalabas pa rin na ganyan. Kami ni Pao, serious din kami. Serious kami sa relationship na yun. So, naturally, hindi maiiwasan na magiging close ako sa family niya. Pero noong maghiwalay na kami, medyo naapektuhan yung relationship na yun. Pero okay pa rin kami ng family niya.

"Hindi po totoo na kinakalat ko, sinasabi ko na close kami ng family niya. Okay kami, mabait ang pamilya ni Pao sa akin. Wala silang masamang ipinakita sa akin kaya okey kami. And I just wanna say, nabasa ko kasi yung Philippine Star column ni Tito Ricky Lo, Paolo said na dapat daw i-stop ko yung pagsabi ko sa mga tao na close kami dahil hindi naman talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagkakalat nga ba ni Isabel yun, sinasabi niya nga ba ito sa mga tao?

"Well, no... hindi ko talaga sinasabi yun. Tinatanong nila ako, 'Okay ba kayo ng family ni Pao?' Okey kami. Close kami dati. At yung respect, hindi mawawala."

When was the last time that she spoke to Paolo's family?

"Sa mom niya... mga February, March [2009]. Kasi kinuha ko yung dog ko sa house nila."

So, walang katotohanan na sa kanya nanggagaling yung mga balita?

"No, at nagtataka rin ako kung saan nakukuha ni Pao yun," sabi ni Isabel. "At dapat din kasi si Pao, matagal kaming nagkasama, so dapat alam niya rin kung anong klaseng tao ako at hindi ako ganyan."

Kinumusta naman ni Rufa Mae si Isabel.

"I'm okay, I'm happy," sagot ng aktres. "Ang daming blessing na dumarating, ang mga shows na ibinibigay ng GMA sa akin. I'm so happy."

Totoo bang may boyfriend na si Isabel?

"No, wala akong boyfriend. I'm dating lang," sabi ni Isabel.

Ano siya, Filipino?

"Filipino, yes," nakangiti niyang sabi.

Seryoso na ba?

"No, ano lang 'to, date lang. Nasa getting-to-know-each-other stage pa."

Sinabi naman ni Mo kay Isabel na hindi talaga malinaw kung ano ang naging dahilan ng breakup nila noon. So, ang tanong niya: Did Paolo cheat on her?

"No naman, hindi naman. Naghiwalay kami because of mga personal differences talaga," paglilinaw ni Isabel.

Tanong pa rin ni Mo, bakit noong maghiwalay sila, sinabi ni Isabel na parang hindi siya sure kung ano talaga ang nangyayari noon sa kanila?

"Noong maghiwalay kami, napag-usapan talaga namin yun. At noong mag-usap kami, yun talaga ang problema naming dalawa. So, kung may naglabasan na may third party, hindi ko na alam yun. Basta yun ang problema namin ni Pao," paliwanag niya.

Sabi naman Sweet, kapansin-pansin ang kagandahan ni Isabel ngayon. Parang may nabago. Diretsahang tinanong ni Sweet si Isabel kung nagpa-retoke ba siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, wala akong pinaretoke!" natatawang sagot ni Isabel. "Nagpa-hair extension ako for my role in Full House. Pero hindi ako nagpa-retoke."

So, bakit wala pa siyang boyfriend gayong si Paolo, naka-move on at magiging tatay na nga?

"Siguro, let's just say na wala pa akong nahahanap talaga na right guy," sagot niya.

May mga nanligaw naman sa kanya after Paolo?

"Meron, meron talaga. I'm just waiting for the right guy. Hindi rin naman ako nagmamadali. I'm happy. Bago sa akin yung time na single. At saka, career muna," sabi ni Isabel.

Since pregnant na si Lian Paz ngayon, kung sakali at imbitahan siya kapag ikinasal sila ni Paolo o sa binyag ng kanilang anak, a-attend ba siya?

"Well, I'm sure naman hindi nila ako iimbitahan. Huwag na lang..." nakangiting sabi ni Isabel.

Just in case may invitation?

"Huwag na lang siguro," nakangiti pa rin siya

Sa pagkakakilala niya kay Paolo, sa tingin ba ni Isabel ay magiging mabait na ama si Paolo?

"Oo naman, mabait naman na tao si Paolo. I think naman," sagot ni Isabel.

Pagkatapos ng interview ni Isabel sa Showbiz Central ay sinundo siya ng isang non-showbiz guy na nagngangalang Patrick. Ipinakilala niya raw ito sa staff ng show as her "good friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN