Jolo Revilla is resigned to his breakup with Lovi Poe

"Siyempre, kahit paano may pinagsamahan din naman kami. Pero lahat naman ng bagay, di ba, kailangang tanggapin? And siguro kung kami talaga, e, di kami. Kung hindi, hindi. Masakit kahit papaano, pero dumadating talaga lahat sa buhay 'yan, e," says Jolo Revilla about his breakup with Lovi Poe.


Nakaapat na taping days na si Jolo Revilla para sa bago niyang show sa ABS-CBN, Pepeng Agimat, na ikalawang offering ng Agimat series ng mga pelikula noon ng kanyang lolo at dating senador na si Ramon Revilla Sr.

"Ayos naman, enjoy. Suwabe naman. Friendly naman yung mga tao," sabi ni Jolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang taping.

Last Saturday, October 24, kasama ni Jolo na nag-taping ang kanyang ama na si Bong Revilla Jr. para sa Pepeng Agimat. May special appearance si Bong dito kung saan siya ang magta-transfer ng agimat kay Jolo.

Anong feeling na lumabas sa kanyang show sa ABS-CBN ang daddy niya na isang exclusive Kapuso star at loyal sa GMA-7?

"A, for the love siguro!" sabay tawa ni Jolo.

Mabuti at kumasya ang talent fee ni Bong sa budget ng production ng Pepeng Agimat?

"Ay, hindi ko alam. Pero mabuti naman kung ganun!" tawa niya ulit.

MELISSA OVER SHAINA. Ang Star Magic talent na si Melissa Ricks ang katambal ni Jolo sa Pepeng Agimat. Kasama rin dito sina Lou Veloso at Ping Medina.

Sa mga unang report, napabalita na si Shaina Magdayao ang magiging kapareha ni Jolo for this project. Bakit pinalitan ni Melissa si Shaina?

"Hindi ko alam. Pero mas okey naman siguro si Melissa," sabi ni Jolo.

Mas okey si Melissa kay Shaina?

"Hindi naman mas okey. Kumbaga, kahit sino naman," bawi ng young actor.

Binawalan kaya si Shaina ng boyfriend nitong si John Prats na tumambal kay Jolo?

Natawa muna siya bago sumagot. Aniya, "Basta kahit sino naman ang ipares sa akin, okey naman, e. Actually, wala talaga akong alam dahil siyempre artista lang ako dito. Basta kung sino lang yung i-partner sa akin, okey naman."

Kilala raw kasi na matinik sa babae si Jolo kaya baka natakot si John na i-partner si Shaina sa kanya. Ano ang reaksiyon niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matinik ako?" tawa niya. "Hindi naman. Good boy naman ako 'tsaka wala namang problema dahil single naman ako ngayon, di ba?"

The more na mas delikado raw si Shaina sa kanya?

"E, nababalita ko nga na sila. So, siyempre hindi na puwede yun. Respeto na lang," sagot ni Jolo.

BREAKUP WITH LOVI POE. Sinadya ba na sa pagbabalik niya sa ABS-CBN ay saka naman sila nag-break ng girlfriend niya na si Lovi Poe?

"Hindi naman. Pero siyempre okey naman kami dahil siyempre kailangang naming unahin ang career namin, at the same time, pati yung pag-aaral. At pati yung oras sa pamilya, lalung-lalo na sa anak ko na si Gab," paliwanag niya.

Paano sila nag-break ni Lovi?

"Amin na lang yun. Basta maayos, maayos lahat... Actually, mas maganda kung siya na lang ang tanungin ninyo," iwas niya.

Cool-off lang ba sila?

"Basta hindi na kami. Sa kanya naman nanggaling yun, e," maikli niyang tugon.

Si Lovi ba ang nakipag-break?

"Siya ang unang naglabas, e."

Nasaktan ba siya na inilabas agad ni Lovi sa publiko ang breakup nila?

"Hindi naman," buntung-hininga ni Jolo.

Tanggap na ba niya yung ginawa ni Lovi?

"Hindi naman sa accepted, pero siyempre kahit paano may pinagsamahan din naman kami. Pero lahat naman ng bagay, di ba, kailangang tanggapin? And siguro kung kami talaga, e, di kami. Kung hindi, hindi. Masakit kahit papaano, pero dumadating talaga lahat sa buhay 'yan, e."

Almost a month na ang break nina Jolo at Lovi. Fresh pa rin ba ang pain?

"Hindi naman pain. Wala namang pain," nakangiting sabi ni Jolo.

Ano ang ibig niyang sabihin ng "walang pain"?

"Siguro may mga hinanakit, ganun. Pero wala yun. Wala naman."

Ilang years silang naging mag-on ni Lovi?

"Sa kanya n'yo na lang tanungin, baka kasi magkamali ako ng sabi," iwas niya.

Tinanggap ba niya agad yung breakup pagkasabi sa kanya ni Lovi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hindi. Pero nag-usap naman kami nang maayos at kailangan. Kailangan naming mag-grow dahil bata pa naman kami."

MELISSA RICKS. Nangiti lang si Jolo nang biruin siya na puwedeng maging sila ni Melissa na kapareha niya sa Pepeng Agimat.

"Hindi, kay Jake [Cuenca] yun. At saka magkaibigan lang naman kami. Pero tingnan natin. Hanggang work lang naman [kami]," sabi niya.

Pero ano ang dating sa kanya ni Melissa?

"Maganda, mabait... madaling katrabaho. Akala ko medyo mataray nung una, pero hindi naman pala."

Kung walang Jake sa buhay ngayon ni Melissa, type ba niyang ligawan ang kanyang leading lady?

"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?" sagot ni Jolo.

Magkakilala ba sila ni Jake?

"Oo, magkaibigan kami ni Jake."

May love scene ba sila ni Melissa sa Pepeng Agimat?

"Abangan na lang nila!" tawa niya. "Actually, meron nang nakunan. Pero hindi ko na idedetalye."

Pagseselosan ba ito ni Jake?

"Hindi ko alam. Pero malaki ang respeto ko kay Mel. Siyempre hindi kailangang padalos-dalos."

PEPENG AGIMAT. May pressure ba na siya ang bida sa Pepeng Agimat?

"Oo naman," sagot ni Jolo. "May pressure dahil may susundan kami, e, yung Tiagong Akyat [ni Gerald Anderson]. Pero magkaiba ito, Pepeng Agimat itong sa amin. Yung sa Tiago, hindi siya yung... magkaiba, e. Dito sa Pepe, sa family naka-concentrate yung story ng agimat."

Sa tingin niya ba ay ito ang magbubukas ng pinto para mapatunayan niya na isa rin siyang mahusay na aktor?

"Siguro, siguro. At siyempre nagpapasalamat tayo sa ABS-CBN at sa pagtanggap sa akin, pati na rin sa paggawa ng ganito kalaking project para sa lolo ko, kay Ramon Revilla Sr."

This time, mag-i-stay na ba siya sa ABS-CBN?

"Let's see kung anong mangyayari dito sa Pepeng Agimat. Pero siguro para sa akin, kahit saan," sabi niya.

Matatandaang ni-launch na noon ng ABS-CBN ang loveteam nina Jolo at Shaina. Pero naputol agad yun nung pumutok ang balitang nabuntis ni Jolo si Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces. Kaya maituturing na "second coming" na ni Jolo ang Pepeng Agimat sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo!" tawa niya. "Kaya hindi na tayo puwedeng magkamali. Actually, hindi naman pagkakamali yun. Kumbaga, bata pa, naging mapusok."

This time ba iingatan na niya ang second chance na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN?

"Oo, kahit anumang bagay dapat talaga pinag-iingatan," sabi ni Jolo. "Siyempre gusto ko maibigay lahat dahil hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Ilang years... 14 ako noon, so seven years bago ako nakabalik dito... Ay, mga five years pala or four years ago!"

Natsa-challenge ba siya na pagbutihan ang pag-arte niya dahil maraming mahuhusay na artistang lalake sa ABS-CBN?

"Oo naman. Siyempre, kaya kailangang husayan," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN