Katorse star Ejay Falcon accepts "ham actor" criticism, vows to improve his acting

"Gusto kong mag-workshop kasi gusto kong mas matuto talaga para mas maganda ang kalabasan ng acting ko. Saka siyempre, nandito tayo sa trabahong ito at saka gusto kong alagaan ang tiwalang ibinigay din sa akin ng ABS," says Ejay Falcon.


Patuloy lang ang consistent high ratings ng early primetime soap ng ABS-CBN na Katorse, ang TV remake ng pelikula noon ni Dina Bonnevie at ginagampanan ngayon ni Erich Gonzales. Pero sa kabila ng mataas na ratings ng Katorse, may mga negative feedback din na binabato sa mga artistang kasama dito at isa na nga sa paboritong pukulin ay si Ejay Falcon.

Ayon sa mga lumabas na reviews ng Katorse, kulang na kulang daw sa acting ang young actor. Nadi-distract daw ang mga manonood sa acting ni Ejay, lalo't sa kanila ni Erich higit na umiikot ang istorya ng Katorse ngayon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ejay sa station ID shoot ng ABS-CBN ay tinanong namin ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2 winner tungkol sa pagbabatikos sa kanya.

"Gusto ko nga ang sinasabi nila, at least alam ko para ma-improve ko pa yung dapat kong i-improve. Hayaan nila, mas pagbubutihan ko pa," sagot niya.

Nasasaktan ba siya pag tinatawag siyang "ham actor?"

"Hindi, kasi baguhan lang naman ako, matututo naman ako. Totoo naman, so okey lang sa akin yun. At gaya nga ng sinabi ko, pagbubutihan ko pa lalo."

Suhestiyon ng ilan ay mag-workshop daw si Ejay dahil tiyak na malaki ang maitutulong nito sa pag-arte niya. Sinang-ayunan naman agad ito ng batang aktor, lalo't bukas naman daw talaga siya na sumailalim sa ganitong training.

"Oo, yun nga ang sabi ko sa EP [executive producer] namin. Gusto kong mag-workshop kasi gusto kong mas matuto talaga para mas maganda ang kalabasan ng acting ko. Saka siyempre, nandito tayo sa trabahong ito at saka gusto kong alagaan ang tiwalang ibinigay din sa akin ng ABS," sabi niya.

Sa itinatakbo ng istorya sa ngayon ng Katorse ay lumalabas na parang kontrabida ang role ni Ejay as Gabby. Ayon sa young actor, wala naman daw problema sa kanya kung ito man ang maging dating ng role na ginagampanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, mula nang pinasok ko ang trabahong ito, sabi ko kahit ano ang ibigay sa akin, tanggap lang nang tanggap, okey lang. Hindi naman ganun kasama si Gabby, basta may twist ang istorya namin."

Nagpahayag din ng pasasalamat si Ejay sa walang-sawang panonood at pagtangkilik ng publiko sa Katorse.

"Sobrang napakasaya ko na mataas ang ratings namin. Nung una hindi ko siya in-expect na ganun ang kalalabasan namin, kasi siyempre mga baguhan lang kami. Hindi ko in-expect na magre-rate ang show namin. Hayun nga, mataas ang ratings namin gaya ng sinasabi nila. Thank you, thank you talaga sa mga nanonood ng Katorse," sambit niya.

Isa sa intrigang ipinupukol noon pa man kay Ejay ay may kapit daw ito sa isang mataas na executive ng ABS kung kaya't magaganda raw ang mga projects na napupunta sa kanya. Agad naman niya itong pinabulaanan.

"Bakit naman ganun? Ngayon nga, isa lang ang show ko. Nung wala akong show, hinahanap nila ako. Tapos ngayon na mayroon, batikos at intriga naman ang inaabot ko, ano ba? Saan ba ako lulugar? Basta ako, pagbubutihan ko na lang ang trabaho ko at salamat talaga sa ABS kasi kahit paano, ang tagal kong nawala, pero binigyan pa nila ako ng isang magandang show tulad ng Katorse," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN