Angel Locsin confirms breakup with Luis Manzano

Angel Locsin reveals that it has been four months since her breakup with Luis Manzano. But the actress refuses to divulge details about it. "Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama na nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," she says.


Ilang buwang nanahimik at tumangging magbigay ng pahayag si Angel Locsin sa napabalitang breakup nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano at iba pang mga isyu tungkol sa kanya. Until finally, nagpaunlak na siya ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang manunulat pagkatapos ng live guesting niya sa The Buzz last Sunday, October 25.

Once and for all, break na nga ba sila ni Luis?

"Oo, wala na kami. Mga apat na buwan na," malungkot na sabi ni Angel.

Totoo ba na may third party involved sa hiwalayan nila ni Luis?

"Huwag na. Hindi na ako magbibigay ng ibang detalye. Tama nang nasabi ko na yun. Si Luis nga, hindi nagko-comment sa nangyayaring ito sa amin. So, respetuhin na lang natin. Kung siya nga hindi nagsasalita, ako, ayoko na ring magsalita," paliwanag ng aktres.

May communication pa rin ba sila ni Luis after the breakup?

"Meron naman. Nag-uusap, pero may time na hindi. Ganun."

Posible ba na magkabalikan sila ni Luis?

"Mahirap magsalita. Kasi hindi naman natin masabi kung puwede talagang mangyari 'yon," sagot ni Angel.

RUMORED TRANSFER TO VIVA. Pangalawang isyu na sinagot ni Angel ay ang balitang nagpirma niya diumano ng kontrata sa Viva Films.

"Nagulat na nga lang ako na may ganun. Hindi po totoo. Kagagaling ko lang sa transfer [from GMA-7 to ABS-CBN], parang nawili naman yata ako sa transfer kung lilipat na naman ako!" natatawang sabi ni Angel.

Dagdag pa niya, "Ang alam ko, si Tita Becky [Aguila, her manager] ang nakikipag-usap sa Viva Films for Valerie [Concepcion] and Jennylyn [Mercado]. Baka siguro dahil nakikita madalas doon si Tita Becky, kaya baka akala, ako."

Masaya naman daw si Angel sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng Star Cinema at ABS-CBN. In fact, magre-renew na siya ulit ng panibagong kontrata. And by next year, uumpisahan na niya ang first movie niya with Aga Muhlach na ididirek ni Olive Lamasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited na ako. Siyempre Aga Muhlach yun, di ba? Gusto ko talagang ma-experience na makatrabaho siya," sambit niya.

Nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye katambal si John Lloyd Cruz.

SHOP AND SHARE. Sa ngayon, abala pa rin si Angel sa kanyang proyekto na Shop and Share sa Internet with Anne Curtis. Marami pa ring mga artista ang nagbibigay kay Angel ng items as donation.

"Marami pa at karamihan mga signature items," banggit niya. "Ibinebenta namin through our website, www.shopandshare.com, yung mga items. E, yung kikitain, ibibigay namin sa relief operations ng Red Cross para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

"Sobrang overwhelming yung response ng tao, e. Yung may bid na mas mahal na siya dun sa talagang presyo niya, yung ganun. Yung ibinebenta namin, sobrang baba, pinakamababa siya kaysa sa eBay. Nag-research kami and sobrang one-fourth na lang ng price niya.

"Pero nakakatuwa yung mga tao dahil sa kagustuhan nilang makatulong, kahit lumalampas na yung bidding sa original price niya, sa brand new price, nagbi-bid pa rin. Nakakatuwa rin naman," kuwento ni Angel.

Nagsimula ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagte-text ni Angel sa mga kapwa niya artista na baka puwede silang mag-donate ng anumang maitutulong para sa mga nasalanta ng bagyo.

"Isa si Anne sa mga unang nag-reply na the height ang level ng energy, sobrang excited din siya! Nakakatuwa si Anne. Yun nga, sinasabi niya sa akin, sobrang inspired nga siya. Pareho ko rin 'yan na hindi rin natutulog sa Shop and Share, sobrang hands-on din. At siya rin ang kumukuha ng pictures namin [na ina-upload sa Net]. Ang galing ni Anne."

Pero nanggaling daw ang name na Shop and Share mula sa best friend ni Anne na si Raymond Gutierrez.

"Actually, marami talaga kami dito. Nahihiya nga kami ni Anne dahil hindi lang sa amin ito kundi project nating lahat. Nakakatuwa nga, kasi yung ibang mga artista, sila pa ang tumatawag sa amin para sabihing magdo-donate sila, ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So far, marami na nga raw nag-donate tulad nina Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, Pokwang, Mariel Rodriguez, Kim Chiu, KC Concepcion, at marami pang iba.

"Si KC nakakatuwa kasi ang ibinigay niya, brand new na Balenciaga and Givenchy bags!" proud na sabi ni Angel.

Isa pang tiyak na pag-aagawan ay ang donation ni Manny Pacquiao na sapatos.

"Pinuntahan ko pa talaga, 8 a.m., nakakatuwa. Dinoneyt niya yung shoes na ginamit niya since day one ng training niya sa Baguio. At memorable yun kasi yun ang ginamit niyang rubber shoes nung Ondoy and Pepeng. Saka yung shorts niya, saka may nakalagay na Manny Pacquiao, saka may pirma niya.

"Pati si Freddie Roach [trainer ni Pacquiao] nung nasa Baguio, nag-donate din, yung boxing gloves niya noon at pinirmahan pa niya sa likod!" tuwang-tuwa na sabi ni Angel.

INTERNATIONAL EMMY. Kinumpirma rin ni Angel ang pag-attend niya sa International Emmy Awards next month sa U.S. Nominated si Angel sa Best Actress category para sa pagganap niya sa kauna-unahang teleserye niya sa ABS-CBN na Lobo. Sagot daw ng ABS-CBN at Star Cinema ang pagpunta ni Angel sa U.S.

"Win or lose, pupunta ako doon. Yung na-nominate lang ako, malaking bagay na. 'Tsaka bihira ang ganitong pagkakataon kaya hindi ko sasayangin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN