Phillip Salvador resurrects Max Alvarado's role as Lizardo in Panday

"I created my own character. Lizardo kasi is, kumbaga, 'yan ang devil, e. So, iba yung pagka-portray ni Max Alvarado, iba ang portrayal ko. Inilayo ko sa kanya, para hindi kami magkapareho," says Phillip Salvador about his approach to the role of Lizardo.


Very proud ang beteranong action star at award-winning actor na si Phillip Salvador sa Metro Manila Film Festival 2009 (MMFF) entry nila ni Sen. Bong Revilla, Panday, mula sa Imus Productions at GMA Films.

Ang Panday ay ang legendary film ng namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., at kontrabida rito ang namaalam na ring si Max Alvarado bilang Lizardo.

Ngayong December 2009, ire-remake ni Bong ang Panday, playing the FPJ role, at si Phillip naman ang gaganap sa dating role ni Max.

Kaso, napupuna ang nasabing pelikula dahil kung muling tatakbo sa Senado si Bong ay hindi raw ito maaaring itanghal sa mga sinehan sa Pasko, since bawal ito sa batas—ang magka-TV show man o pelikuka ang sino mang kakandidato sa eleksiyon next year.

Pero malaki ang bilib at paniniwala ni Phillip sa Panday.

"Positive thinker ako, e," saad ni Phillip nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yung pinaghirapan namin, hindi mapupunta sa waste 'yan, kasi nilalaban pa ng mga abugado. Kasi si Bong mismo, sinabi niya sa akin, 'Pare, let's think positive. Pinaghirapan natin,' sabi niya."

Manghihinayang daw si Phillip kung hindi maitatanghal ang Panday sa MMFF sa December, lalo na para sa mga batang audience sa panahon ng Kapaskuhan.

"Biruin mo, makikita nilang may mga naglalabang serpents and dragons dito, first time 'yon in Philippine cinema, merong gano'n! Parang ano niyan, e, di siyempre ang mga bata ang excited. Yung mga batang nakakasalubong ko nga, 'Lizardo! Lizardo!' Tinatawag akong Lizardo, e!" excited nitong kuwento.

IPE AS LIZARDO. Ayon sa multi-awarded actor, ito ang first time na ginawa niya ang ganitong klaseng pagko-kontrabida. At inamin nitong siya mismo ang lumikha ng sarili niyang karakter o interpretasyon sa Lizardo role, na likha ng nobelistang si Carlo J. Caparas.

"Yes, first time... As a matter of fact, I created my own character. Lizardo kasi is, kumbaga, 'yan ang devil, e. So, iba yung pagka-portray ni Max Alvarado, iba ang portrayal ko. Inilayo ko sa kanya, para hindi kami magkapareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maski si Bong, lumayo do'n sa ano ni Ninong Ron [FPJ] as Panday. Talagang pinaghirapan namin ni Bong 'yan. Of course, with the help of Direk Mac Alejandre, na talaga namang nag-uusap-usap kami bago gawin yung eksena. Talagang pinaghihirapan namin. Isipin mo, disyerto ka! Ang init-init dun! Ilang oras kami doon. Sacrifice talaga. E, si Bong... Lalo na si Bong! Ang daming nangyari sa kanya dito sa movie," lahad ni Phillip.

In recent years, sinasabi ni Phillip na siya ay nagbalik-loob na sa Panginoon. Naging active ang religious life nito tulad ng pag-attend ng Church activities. Hindi ba mahirap ang gumanap bilang isang "devil," habang aktibo siya sa Church?

"Alam mo, even my Churchmates, ang mga kapatid ko sa Church... I feel so blessed. I asked them to cover us in prayer, not just me, but the whole group. Kung saan man kami magsu-shoot, you know, yun ang request ko lang—to cover us in prayers. Yung pastor ko ang unang-una nang nagko-cover ng prayers," sabi niya.

Ano ba ang kaibahan ng paggawa niya sa Lizardo role kesa sa atake ng namayapang legendary character actor na si Max Alvarado?

"Mas evil yung sa akin," pag-amin ni Phillip. "Mas evil sa akin, tapos iniba ko yung hitsura ko. Nagpakalbo ako for the character, for the role para maiba. Tapos, first time naming magsasama ni Bong in a movie. So, 'pag nakita nilang naglalaban yung dalawa, tapos may nakikitang kalbo do'n tapos evil pa, di ba?"

BONG & JINGGOY. Kilala si Phillip bilang kaibigan nina Bong at Jinggoy Estrada. The past days, kanya-kanya nang declaration ang mga pulitiko sa hangad nilang pagtakbo sa 2010 elections. Si Phillip, bilang kaibigan ng dalawang senatoriables ng bansa at kasalukuyang nakaupo pa rin sa Senado na sina Jinggoy at Bong, nasaan nga ba ang puso niya?

"Ang puso ko? Ano ba naman kayo? Ang puso ko, Estrada-Revilla! Alam naman ng taumbayan 'yan. Alam ng tao 'yan. Si Jinggoy, mahal na mahal ko. Si Bong, mahal na mahal ko... Nawala na yung isang pinakamamahal naming tatlo [Rudy Fernandez]. So, mananatili kaming tatlo na magkakaibigan. For better or for worse...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa lang ang masasabi ko, hinding-hindi kami magkakagalit. Hinding-hindi kami mag-aaway. Dahil unang-una, pareho ko silang ikakampanya!" masayang deklarasyon ni Ipe.

Kumbaga, ayon pa rin sa magaling na aktor, hindi kayang sirain ng pulitika ang pakikipagkaibigan niya sa dalawang senador all these years.

"A, hindi puwede, hindi puwede. Kasi pag ginawa mo 'yon, nasaan na yung friendship na binuo mo ng ilang taon? That will never happen to us. Magkaibang partido lang sila, pero nakita mo naman, nagmamahalan sila."

Hindi ba siya naiipit kina Bong at Jinggoy bilang kaibigan?

"Hindi naman, kasi alam naman nila na mahal ko sila pareho, e. So, bakit ako maiipit?" sabi ni Phillip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN