Richard Gomez shares myriad views, from trying for 2nd baby naturally to pressing issues in film industry

"Si Juliana, it took us more than two years bago siya dumating. Itong pangalawa namin, ang tagal! But we keep on praying na sana dumating na kaagad, magkaroon na, kasi malaki na rin si Juliana, e," says Richard Gomez about their effort to have another baby.


Big deal para sa major networks ang ratings game, kaya naman masayang-masaya ang premyadong aktor at game show host na si Richard Gomez dahil nagpapakitang-gilas sa ratings ang kanyang nagbabalik na daily game show, ang Family Feud, sa GMA-7. Now on its second season, nag-pilot episode ito noong October 19.

Ayon sa overnight ratings ng AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households, noong October 23 (Biyernes), nagtala ang Family Feud ng 14.5% rating, at mas tumaas pa ito noong October 26 (Lunes) with 15.2%.

"I'm so happy with Family Feud now that it's back dahil maganda ang ratings namin," masayang simula ni Richard nang minsang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Twenty-five years na sa local show business si Richard Gomez, at napatunayan na nito ang kahusayan bilang aktor with his Best Actor awards. And on his silver anniversary, may bagong ine-enjoy na "role" si Goma sa kanyang makulay na career—ang pagiging game show host nga ng Family Feud.

"Yeah, the energy kasi you get is from the contestants, e. What makes the show fun and funny ay yung mga sagot ng mga contestant, e," sabi niya.

Two seasons (26 weeks) tatakbo ang Family Feud. Nagdeklara na si Goma ng intensiyong tumakbo bilang governor ng 4th district ng Ormoc City (hometown nila ng asawang Lucy Torres-Gomez) sa 2010 elections. Hindi kaya mag-conflict ito sa election rule ng Comelec na bawal mapanood sa TV ang sinumang tatakbo for public office?

"Parang wala namang conflict. If ever siguro, kung matutuloy akong tumakbo, I might miss the last two weeks of Family Feud. Other than that, everything is okay," sagot ni Goma.

INDIE FILMS. Huling lumabas sa pelikula si Richard middle this year sa Bente, isang indie film na idinirek ni Mel Chionglo. Kasama niya sa cast sina Iza Calzado, Jinggoy Estrada, at Aldred Gatchalian.

Ano nga ba ang personal na pananaw ni Goma sa independent (indie) films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, personally, my take on indie films, they should not... Just because ang gamit nila ay digital na media, it should always considered as an indie film. Hindi, e. Gawin nilang mainstream. It doesn't matter. So what, di ba? Mahal nga lang kasi... Yung promo, yung marketing, mahal talaga, lalo na yung pagta-transfer [to film material]. Gusto kong gumawa, kaya lang, hindi ko alam, e. Ever since naman, mapili ako sa material," saad ni Goma.

Kumusta na nga ba ang isa sa mga pangarap ni Goma na maging isang direktor—indie films man o TV commercials?

"I love directing. I love cinematography so much!" bulalas niya. "Except that it eats up so much of my time. So, sa mga panahon na 'to... Parang talo ako pag gano'n, e. I have studied na, yes, pero more than that, talo lang ako sa oras ko. Lugi ako!

"Pero, I've done about 28 commercials, and occasionally pag wala silang director, ako ang kinukuha nila. Puwede siguro, commercials.

"Sa TV, if given the chance, ang gusto ko talagang idirek for TV, ay either lifestyle, game show, or comedy show, or mga live show like SOP. More than mas madali, do'n ako enjoy and that's my personality kasi, e. Like, pag comedy director ka, kailangan alam mo yung timing mo, e. For the longest time, yun ang ginagawa namin, e, nung lumalaki ako, di ba, sa Palibahsa Lalake? In fact, si Mr. M [Johnny Manahan] ang nag-inspire sa akin to get into directing," kuwento ni Goma.

STILL TRYING FOR ANOTHER BABY. Sa personal namang buhay ni Richard, kumusta na ang asawang si Lucy Torres-Gomez?

"Lucy is very happy doing The Sweet Life [sa Q-11], tapos sa Channel 5, meron siyang Shall We Dance," sabi niya.

Aminado si Goma na naiinip na silang mag-asawa na sundan na ang anak nilang si Juliana, na kiddie endorser na rin ng Bench ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e. Si Juliana, it took us more than two years bago siya dumating. Itong pangalawa namin, ang tagal! But we keep on praying na sana dumating na kaagad, magkaroon na, kasi malaki na rin si Juliana, e," sabi niya.

May regular check-up daw si Lucy with her ob-gyne. Dito ibinalita ni Goma na nais na raw ng doctor ni Lucy na sumailalim ito ng isang medical procedure upang makatulong sa pagbubuntis.

"Ang gustong gawin ng doctor ni Lucy, mag-undergo siya ng laparoscopy. Yung laparoscopy, lilinisin lang ang fallopian tube niya, para yung egg cell at sperm cell, walang obstruction. E, si Lucy, takot sa mga ganoong procedures. Kahit na nga injection, natatakot yun, e," kuwento ng aktor.

Ang laparoscopy nga raw ang best medical advice ng ob-gyne, pero ayaw ni Lucy, na nag-natural birth kay Juliana at hindi sumailalim sa caesarean section.

"We're trying pa rin the normal method. Pero sabi ng doctor niya, once mapa-larosocpy siya, once na malinis na yung fallopian tube niya, madali na yung baby.

"Natatakot siya [Lucy], e. Ayaw niya ng mga gano'ng medical procedure, e. Minor surgery kasi 'yon," sabi pa ni Goma. Patuloy silang umaasa na ibibigay na sa kanila ng Diyos ang susunod na anak.

A DYING INDUSTRY. Isa si Goma sa sa pinaka-established nang aktor ng movie industry. Sumikat siya mula mid-'80s at hindi pa rin matatawaran ang popularidad sa masa.

Kaya't natanong namin siya kung ano ba ang masasabi niya sa industriya ng pelikulang Pilipino na sinasabing "dying" na?

"Alam mo, ang problema rin, siyempre, ang technology, e. Technology is good, and at the same time, it's bad for the industry. Bad, kasi ang dali nang mag-replicate, gumawa ng duplicate ng mga pelikula, madali na siyang i-pirate. It really boils down to... Kahit na may naipasa nang bill, di ba? You really have to work on lowering yung taxation ng materials,e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung along the way, pag nagsimula ka, by the time na bumibili ka pa lang ng camera mo, ang dami nang tax ang nakaakibat do'n. By the time you shoot it, ang dami nang service taxes na kasama. By the time na you edit it, hanggang sa i-show mo yun, ang daming taxes na kasama! That's the one that is really killing it.

"Ang taxes kasi natin, hindi lang sa isa nanggagaling, e. Nagsisimula ka pa lang, meron ka nang mga taxes na kasama. Kaya dapat noon, i-fall mo siya under ng... parang cultural product siya, e. Parang produkto ng kultura natin 'to, e. Kasi, ipinapakita natin dito ang kultura natin sa pelikula, more than just entertainment. So, we will have to fight in lowering yung various taxes ng process ng paggawa ng pelikula," pahayag ni Goma.

Sa palagay ba niya ay may pag-asa pa na muling "magningning" ang movie industry o bumalik ang dati nitong glorious days?

"It's all about political will. Kung ipaglalaban lang ng mga pulitiko ang mga kailangan ng industriya. Number one, yung welfare ng mga nagtatrabaho sa industriya. Pangalawa, yung pagbaba ng iba't ibang taxes. Yung amusement tax, yung sales tax, yung mga VAT, yung mga gano'n.

"Marami pang kailangang gawin. Pag bumili ka ng ganitong equipment, lahat 'yan, may importation tax. May sales tax, may VAT. Pag diniliver 'yan sa 'yo, may service tax pa 'yan. Yung truck, babayaran mo'ng VAT no'n. Ang daming taxes!" bulalas ni Goma.

POLITICAL VIEWS. Observant din si Richard, na minsan nang sumubok tumakbo sa Senado ngunit hindi pinalad na manalo. Sa nagdaang kalamidad sa bansa dala ng mga bagyong Ondoy and Pepeng, ano sa palagay niya ang dapat gawin ng gobyerno?

"Alam mo, kapag dumating yung gano'ng kalakas na calamity, you can only prepare so much," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang dapat na sisihin na sangay ng pamahalaan?

"Siguro, on the part of the government, kailangan lang na mas equipped sila... Na alam natin na pag magkaroon tayo ng matinding baha, kailangan natin ng mas maraming rubber boats!

"Ang rubber boats sa buong bansa, we only have five pieces! Ang five rubber boats, are only good for one or two barangays. E, buong bansa na 'yon. Kawawa talaga tayo! Bottom line is, mahirap talaga pag tinamaan ka ng malakas na bagyo."

Wala na nga bang pondo ang government para sa mga ganitong calamity?

"I'm sure we do," palagay niya. "Pero it's all a matter of prioritizing, where to put these funds, kung saan sila ia-allocate. Kinakailangan natin ng mas maraming life crafts, kinakailangan natin ng mas [maraming] mga helicopters... Kailangan nating mag-train ng mas maraming volunteers. Kung kulang sa sundalo, mag-train tayo ng volunteers para pag dumating yung time na kailangan sila, ready sila."

May relatives and friends ba siyang nasalanta?

"May mga friends akong tinamaan, pero okey naman sila. Lalo na sa Taytay," sabi niya.

MOVIE WORKERS' WELFARE. Active din si Goma sa Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP), ang grupong kinabibilangan niya na kasapi ang maraming maliliit na members ng movie industry.

President ng NMPP ang direktor na si Joel Lamangan. Officers din ang iba pang directors like Soxie Topacio, Maning Borlaza, Mel Chionglo, pati na ang aktres-director na si Gina Alajar, among others.

Ano na ang latest sa kanila?

"Today kasi, nagbigay ng additional donation si Senator Miguel Zubiri para sa housing program at saka sa educational... Yung unang ibinigay niya, two or three million pesos for scholarship and housing programs. Kaya I'm very thankful to Senator Zubiri. Ongoing na ang program na yun ng NMPP."

May plano ba ang NMPP to inspire or help uplift the movie industry ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa amin kasi, welfare ng tao sa showbiz ang concern namin, e, na mapabuti ang buhay nila, matulungan sila na magkaroon ng konting livelihood programs, cooperatives... And eventually, pag meron kaming enough funds, baka makapag-produce na kahit ilang indie films. Para yung mga magtatrabaho dito, meron din silang suweldo. Yun ang long-term plan namin," pagtatapos ni Goma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN