Jake Cuenca reunites with ex-girlfriend Roxanne Guinoo in an episode of Your Song Presents

"Sa amin naman kasi talaga ni Roxy, siyempre nasa punto na kami na kami ng buhay namin na naka-move on na kami. Siyempre, may kanya-kanya na kaming personal lives. Pero yung team-up namin, sobrang bina-value namin yun. Ako, I speak for myself, ha, ang laki ng utang na loob ko sa loveteam namin noon. Kasi without that loveteam, I wouldn't be where I am today," says Jake Cuenca about teaming up anew with ex-girlfriend Roxanne Guinoo.


Balik-tambalan ang dating magkasintahang sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo sa Your Song Presents Sana'y Ikaw Pa Rin. Nakapag-taping na nga ang dalawa para sa nasabing mini-series ng ABS-CBN

"Kahapon ang first taping day namin," balita ni Jake nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, October 29, sa Hug Me Campaign, proyekto ng Psor Phil, kung saan ay ipinaliwanag dito na hindi dapat iwasan ang mga taong may sakit na psoriosis dahil hindi naman ito nakakahawa. Isa si Jake sa mga celebrity na sumusuporta sa campaign na ito, along with Robi Domingo and Nancy Jane.

Puwede pa rin ba niyang sabihin kay Roxanne ang mga katagang "Sana'y Ikaw Pa Rin?"

"Sa amin naman kasi talaga ni Roxy, siyempre, nasa punto na kami na kami ng buhay namin na naka-move on na kami. Siyempre, may kanya-kanya na kaming personal lives. Pero yung team-up namin, sobrang bina-value namin yun. Ako, I speak for myself, ha, ang laki ng utang na loob ko sa loveteam namin noon. Kasi without that loveteam, I wouldn't be where I am today.

"So, yung magkakaroon ako ng oportunidad na makakatrabaho si Roxanne, tatanggapin ko talaga yun nang buong-buo. Kasi iba, e. Sa sobrang gamay na gamay na namin ang sa isa't isa sa isang eksena, so parang it becomes very natural," pahayag ni Jake.

Sa huling pinagsamahan nila ni Roxanne sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ay nagkaroon sila ng kissing scene at love scene. Dito kaya sa Sana'y Ikaw Pa Rin ay may intimate scenes din sila?

"Ah, that's something to watch out for," sagot ni Jake. "Kasi siyempre, ang siguradong sasabihin ni Roxanne, may pinag-iingatan siyang puso ngayon."

Dahil ba may boyfriend na ngayon si Roxanne kaya hindi na siya puwede sa kissing scene?

"Depende pa. We will see. Pero siyempre, kung ano man ang maging desisyon ni Roxanne, kung ano man ang means niya para respetuhin ang puso niya, rerespetuhin ko yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MELISSA RICKS. May balitang ang dating nali-link na si Melissa Ricks daw ang dapat na kapareha ni Jake sa Sana'y Ikaw Pa Rin. Kaya lang, dahil daw ayaw ng partido ni Melissa na makatrabaho nito si Jake kaya tinanggihan ng aktres ang proyekto. Ano ang masasabi ni Jake dito?

"Actually, it was originally made for me and Roxanne. The story was original for me and Roxanne talaga," paglilinaw ni Jake.

"Melissa is doing naman Agimat with Jolo [Revilla]. Nasabi ko naman sa ilang interviews ko dati na gusto kong makatrabaho at maka-partner si Melissa. Pero siyempre sa nakita ng management, mas bagay siya kay Jolo. So, okey lang naman sa akin yun."

Anong mararamdaman niya kung mabalitaan niya na na nanliligaw na pala si Jolo kay Melissa?

"Sana alagaan siya ni Jolo, di ba?" sambit ni Jake. "Gaya ng sinabi ko noon, kung sino man ang maging boyfriend ni Melissa, napakasuwerte talaga, you know. Kung meron man akong gugustuhin para sa kaibigan ko, gusto ko makahanap siya ng mabuting tao. At si Jolo naman ay isang mabuting tao."

So, magpaparaya siya?

"Hindi naman kailangang magparaya kasi magkaibigan lang naman kami talaga ni Melissa," saad ni Jake.

CRISTINE REYES. Pagkatapos ma-link kay Melissa ay kay Cristine Reyes naman nali-link si Jake. May nakahuli raw sa kanila na naghahalikan. Totoo ba ito?

"Hindi totoo yun," tanggi ni Jake "Naghalikan kami doon lang sa eksena namin dati sa Bud Brothers. Bale magkakasama kaming lahat sa bahay ni Angelica [Panganiban]. That was social gathering na hindi lang naman kami ang mga tao doon. Marami kaming grupo na magkakaibigan na nandoon. That's a simple inuman. Lahat naman ay umuwi nang maaga.

"Basta walang naganap na halikan sa amin ni Cristine," giit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN