Survivor Philippines: Palau Update: Shaun Rodriguez fails to enter Top 5

Manila City Hall employee Shaun Rodriguez is the latest castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau. He received five votes against Mika Batchelor's three votes.


Mula sa labing-anim, lima na lang ngayon ang natitirang castaways ng Survivor Philippines: Palau pagkatapos mapatalsik sa pinakahuling Tribal Council ang Manila City Hall employee na si Shaun Rodriguez.

Dahil sa kanyang lakas sa challenges, itinuturing na malaking threat si Shaun ng kanyang kapwa castaways kaya nagdesisyon silang tanggalin siya.

Nawalan ng bisa ang automatic two votes na nakuha ng chef at restaurant owner na si Mika Batchelor mula sa "blood pearl" na ibinigay sa kanya ng natanggal last week na si Suzuki Sadatsugu. Limang boto ang nakuha ni Shaun laban sa tatlong boto ni Mika.

Bago gawin ang botohan ay tinanong ng host na si Paolo Bediones ang natitirang anim na castaways—sina Shaun, Mika, Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cool, Jef Gaitan, at Charles de Vera Fernandez—ng revealing questions tungkol sa kanilang strategy.

Isa sa mga tinanong ni Paolo ay kung sino sa natitirang castaways ang gusto nilang makasama sa Top 2. Tatlo ang pumili kay Justine: sina Jef, Shaun, at Charles. Pinili naman nina Mika at Amanda ang isa't isa, at si Jef ang pinili ni Justine na makasama sa Top 2.

Maluwag namang tinanggap ni Shaun ang kanyang pagkakatanggal pagkatapos niyang makaligtas noong isang linggo dahil sa hidden immunity necklace na nasa kanya. Napabuntung-hininga lang siya nang basahin ni Paolo ang pangalan niya sa huling parchment na naging hudyat ng kanyang pagkakatanggal.

Sa kanyang exit interview, sinabi ni Shaun na, para sa kanya, si Justine ang sole survivor. Totoo rin daw ang sinabi niya kay Justine na ito ang isasama niya sa Final 2 kahit alam niyang wala siyang tsansang manalo laban sa tinaguriang reyna ng Isla Purgatoryo.

Bagamat wala na siyang pagkakataong manalo ng tatlong milyong piso at tanghaling Pinoy Sole Survivor, nanalo naman si Shaun ng P100,000 cash pagkatapos niyang manaig sa huling Reward Challenge—isang mahabang obstacle course.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Amanda naman ang nanalo sa huling Immunity Challenge kaya naligtas siya sa Tribal Council. Bukod sa kanyang panalo ay nakausap din niya ang kanyang mga magulang na nasa U.S. Pinili niya si Mika na makasama sa special reward at makausap din ang mga mahal nito sa buhay.

Pagkatapos ng Immunity Challenge ay nakasama ng mga castaways pabalik ng kanilang camp ang tinaguriang "bad boy" ng Season 1 ng Survivor Philippines na si Marlon Carmen, na naging bisita nila hanggang kinabukasan. Isa-isang kinausap ni Marlon ang natitirang castaways upang "guluhin" ang kanilang isip at alamin ang diskarte nila.

Sa pagkakatanggal ni Shaun, siya ang ika-limang miyembro ng Jury na magdedesisyon kung sino ang tatanghaling Pinoy Sole Survivor. Makakasama niya rito ang mga unang natanggal sa merged tribe na Sonsorol, sina Marvin Kiefer, Tara Macias, Echo Caceres, at Suzuki Sadatsugu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN