Angel Locsin and Luis Manzano finally meet four months after they broke up

Sparks didn't fly when they stood on the same stage during ASAP '09. Later, the two coolly assessed their current feelings on The Buzz.


Naging hot topic sa "POV (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment ng The Buzz kahapon, November 1, ang tungkol sa hiwalayan ng dating magkasintahang sina Angel Locsin at Luis Manzano.

Sa VTR na ipinalabas ay ipinakita ang nangyaring pagsasama sa stage nina Angel at Luis sa ASAP' 09 kahapon, na talaga namang ikinagulat ng marami. Pagkaraan ng apat na buwang pananahimik mula noong breakup ay kahapon pa lang sila nagkita muli.

ANGEL AND LUIS SPEAK UP. After ng ASAP ay magkahiwalay na ininterbyu ng The Buzz ang dalawa para hingan ng reaksyon.

"Ngayon lang ulit kami nagkita. Tapos biglaan pa. Hindi ko alam na kasama ako sa opening. Ay, kasama pala ako sa opening. So, medyo nakakaloka yung reaksyon ko!" bulalas ni Angel.

Sambit naman ni Luis, "Hindi ko nga alam kung nag-holding hands kami. I'm not sure, I can't remember kung nag-holding hands nga kami."

Sinabi rin ni Angel na for a time ay talagang hindi sila nag-uusap ng ex-boyfriend.

"Parang ang weird naman kung lagi pa rin kaming nag-uusap, di ba? Parang... nag-break pa kami," ani Angel.

Aminado ang dalaga na bagamat nagkakausap na sila ngayon ay hindi pa rin sila 100 percent okay.

"Hindi ko kayang plastikin yung sarili ko, di ba? Parang ang weird naman nun na biglang chummy-chummy kami kaagad. Nagulat naman talaga ako, di ba? Siya rin naman siguro nagulat, e. Kaya lang, kaya niyang dalhin yung sarili niya," sabi ni Angel.

Sa tanong kung mahal pa ba nila ang isa't isa, "My God!" sagot ni Angel, sabay tawa. "'Yan ang tanong na hindi ko kayang sagutin sa ngayon."

Nami-miss ba niya si Luis?

"Nami-miss ko kung paano kami dati. Pero hindi ko siya nami-miss," deretsong sagot ni Angel.

Ayon naman kay Luis, "No matter what we answer dun, iba ang magiging pananaw ng mga tao. Mami-misconstrue yung mga sagot namin, e. Siguro sa amin yung mga ganung tanong, e sa aming dalawa na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VILMA MISSES ANGEL. Nagbigay din ng pahayag si Luis tungkol sa sinabi ng mommy niyang si Gov. Vilma Santos na nami-miss niya at mahal pa rin niya si Angel.

"I can really say that... At alam ni Angel yun. Sinabi ko kay Angel," sabi ni Luis.

Ito naman ang sagot ni Angel, "Gusto ko lang sabihin kay Tita, siya pa rin ang idol ko kahit ano ang mangyari. Kahit anuman ang mangyari, nandito pa rin ako para suportahan siya."

Maganda naman ang dating kay Luis ng muli nilang pagkikita at pag-uusap.

"Kung anuman yung mangyari sa amin, what we have right now is a very good start," wika ni Luis.

NO NEW LOVE. Ikinagulat naman ni Angel ang balitang may bago na raw siyang pag-ibig.

"Wow, sino ba 'yang bagong pag-ibig na 'yan? Bagong pag-ibig... Wala akong metro, wala akong taxi, so hindi naman ako nagmamadali," pagbibiro ni Angel.

So, si Luis pa rin?

"Hindi ko masabi... hindi ko masabi. Gabriela ako, e. Marunong naman akong mag-isip," makahulugang sagot ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN