Are Wendy Valdez and Bruce Quebral embroiled in a relationship problem?

What is the real status of Wendy Valdez and Bruce Quebral's relationship? A document (inset) sent to PEP (Philippine Entertainment Portal) indicates that the showbiz couple got married on March 10, 2009. The recent buzz, however, is that the two are currently having a "marital problem."

This photo of Bruce Quebral and Wendy Valdez was taken about two years ago.


Ilang ulit nang pinabulaanan ng dating kontrobersyal na Pinoy Big Brother housemate na si Wendy Valdez ang usap-usapang kasal na siya sa kapwa niya housemate noon na si Bruce Quebral.

Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Oktubre sa launching ng kanyang bagong endorsement na The Bar, muling itinanggi ng dating lead actress ng Margarita ang pag-iisang dibdib umano nila ni Bruce.

Matatandaan na unang kumalat sa social networking site na Facebook ang umano'y pagpapakasal ng mga taong nagngangalang Wendy M. Veldez at Bruce Angelo A. Quebral noong March 10, 2009. (CLICK HERE to read related article.)

Sa pamamagitan ng kanyang dating manager na si Ambet Nabus, unang inusisa ng PEP si Wendy tungkol sa kumakalat umanong dokumento ng kanilang kasal. Ito ang naging tugon ni Wendy, "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan nila nakuha yun. Kung magpapakasal man ako, alangan namang hindi ko ipapaalam sa 'yo? Siyempre isa ka sa magiging ninong."

Sa kabila ng mga pahayag na ganito, hindi pa rin nawawala ang isyu ng kasalan. Tuwing humaharap nga si Wendy sa mga entertainment reporters, madalas siyang tanungin tungkol dito. Nanatili namang tahimik ang panig ni Bruce, lalo pa't nagpasya na itong iwan ang mundo ng showbiz at magtrabaho bilang flight attendant sa Emirates Airlines.

Muling binabalikan ng PEP ang isyu dahil kamakailan ay isang PEPster ang nagpadala ng marriage certificate umano ng dalawang magkasintahan.

Ito ang ilang impormasyon na nakasaad sa Certificate of Marriage:

Name of husband: Bruce Angelo A. Quebral

Name of wife: Wendy M. Valdez

Place of Marriage: Office of the Municipal Mayor, Mabalacat, Pampanga

Date: 10 March 2009

Time: 11:00 a.m.

Nakalagay din ang kaarawan ng dalawang dating housemates ng Pinoy Big Brother na sinasabing ikinasal. Si Wendy ay ipinanganak noong June 2, 1982, at si Bruce naman ay noong December 29, 1981.

Ang naturang Certificate of Marriage ay may lagda sa itaas ng mga pangalan nina Bruce at Wendy, pati na rin ang municipal mayor na si Hon. Marino P. Morales, at ang dalawang witnesses na sina Michael Padolina at Barbie Antonio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa dokumentong ito, sinubukan din kumpirmahin ng PEP sa isang regional office ng National Statistics Office (NSO) ang nasabing kasalan. Matapos namin ibigay ang mga impormasyon na kinakailangan, kinumpirma ng taga-NSO na aming nakausap noong ika-31 ng Oktubre na ang nasabing impormasyon tungkol sa kasal ng dalawang taong nagngangalang Wendy at Bruce noong March 10 sa Mabalacat, Pampanga, ay nakatala sa kanilang record.

"MARITAL PROBLEM." Bukod sa isyu ng kasalan, isa pang isyu ang nabubuo. Isang source ang nagsabi sa PEP na kasalukuyang nagkakalabuan sina Wendy at Bruce, pitong buwan matapos ang sinasabing pagpapakasal nila.

Ang sanhi raw ng kanilang "marital problem" ay ang pagkaka-link ni Wendy sa dati ring Pinoy Big Brother housemate na si Will Devaughn.

Ayon pa sa source, nagkalapit daw nang husto sina Wendy at Will noong nagtambal sila sa panghapong teleserye ng ABS-CBN, Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers. (CLICK HERE to read related article)

Ito rin ang usap-usapan ngayon sa ilang forum sites matapos lumabas ang ilang mga larawan ng dalawa na magkasama sa iba't ibang okasyon. Kasama na rito ang pagiging malapit umano ng dalawa sa ginanap na taunang Star Magic Ball kamakailan.

Sa isang forum site, marami ang nagtataka kung bakit hindi kasama ni Wendy ang kanyang kasintahang si Bruce sa naturang okasyon gayong nasa bansa naman siya noong panahong iyon.

Si Wendy ay isa sa mga talent ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN Network. Samantalang si Bruce naman ay dating talent ng Star Magic bago siya nagpasyang magtrabaho bilang flight attendant sa Dubai. Si Will naman ay miyembro ng all-male Kapamilya group na Coverboys.

Tinangka ng PEP na hingan ng pahayag ang aktres tungkol sa mga isyung ito sa pamamagitan ng kanyang handler. Subalit sinabihan daw siya ng alaga na "pass muna sa interview."

Samantala, nakatakda namang magkaroon ng interbyu ang PEP kay Will sa araw na ito. Ang tanging naikuwento sa amin ng kanyang manager ay ang ginagawang "pangha-harass" umano ng isang fan sa model-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panig naman ni Bruce, nakipag-ugnayan kami sa isang may kontak sa dating Kapamilya star. Ayon umano sa kapatid niya, kasalukuyang may flight si Bruce kaya imposible siyang makapanayam.

Ano na nga ba ang totoong estado ng relasyon nina Wendy at Bruce? At kung totoo ang sinasabi ng aming source na nagkakalabuan na sila, may kinalaman nga ba si Will?

Dagdag pa ng aming source, mas mainam kung sila mismo ang magkumpirma nito. Subalit siniguro nito na wala raw magandang pag-uusap na nangyari noong huling binisita ni Wendy si Bruce sa Dubai. (CLICK HERE to read related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN