Marian Rivera disappointed by shelving of Nieves

"Wala naman may gustong hindi matuloy ang Nieves. Siyempre, aminado rin naman ako na nalungkot ako kasi for the first time, wala akong magiging entry sa festival. Siyempre, simula nag-Enteng Kabisote ako, tapos dire-deretso na... tapos Desperadas," says Marian Rivera about the shelving of Nieves.


Ikinalungkot ni Marian Rivera na hindi na matutuloy ang pagbibidahan niyang pelikula na Nieves, na entry sana ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Pansamantalang naisantabi ang pelikula dahil sa reported health problems ng direktor nito na si Mike Tuviera.

Ayon kay Marian, nalungkot siya talaga dahil ngayon lang siya mawawalan ng entry sa taunang film festival.

"Hindi ko naman masisisi yung mga taong involved," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala naman may gustong hindi matuloy ang Nieves. Siyempre, aminado rin naman ako na nalungkot ako kasi for the first time, wala akong magiging entry sa festival. Siyempre, simula nag-Enteng Kabisote ako, tapos dire-deretso na... tapos Desperadas.

"Actually, inayos na namin lahat, e. Sinet-up na namin yung schedule para sa Nieves. Excited na kami kasi talagang nagbe-brainstorm na kami. Alam mo yung sobrang natuwa ako na magkakasama kami nina Carla [Abellana]. Tapos meron pang special guest doon na talagang wow, nanay ko doon, na talagang umoo at pinagbigyan ako para makasama ako."

Hindi na ba siya puwedeng ipasok sa ibang entries ng Regal na Mano Po 6 at Shake, Rattle & Roll 11?

"Ay, kumpleto na sila, e. Sayang nga, e. Ang akala ko nga itutuloy pa yung Nieves, pero iba ang direktor. Pero hindi yata pumayag si Direk [Mike Tuviera] kasi pinaghirapan niya talaga yun, e, silang dalawa ng asawa niya. Kaya naiintindihan ko at nirerespeto ko na, sige po, next time na lang. Pero sana po ituloy kahit hindi pang-filmfest," pag-asam ni Marian.


RESPECT FOR DIREK MIKE. Ani Marian, hindi na kasi kakayanin ni Direk Mike na gawin sa ngayon ang movie dahil sa health problems nito. Pero ayaw namang sabihin ni Marian ang nalalaman niya, bilang respeto na lang daw kay Direk.

"Ayoko namang sa akin manggaling na, 'Ay, may ganito si Direk kaya hindi natuloy ang Nieves.' Siyempre, nirerespeto ko kung anuman yung pinagdadaanan niya ngayon. Magka-text kami, nagtatawagan kami kung ano ang nangyayari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, tahimik na lang ako. Kung gusto nilang magsalita tungkol sa sinasabing karamdaman niya, sila na lang po yun. Mas dapat na sila ang magpaliwanag doon. Pero talagang nakakalungkot, di ba? Siguro kailangan niyang mas mag-rest talaga, e," saad ni Marian.

MOVIE WITH DINGDONG OR RICHARD. How about a movie with her rumored boyfriend Dingdong Dantes, kailan kaya?

"Hindi ko pa alam. Hindi pa namin napag-uusapan ni Popoy [Caritativo, manager ni Marian]. Ngayon kasi, ang dami ko talagang ginagawa, tapos may iba pang sumisingit. So, baka mapag-usapan din namin 'yan. Siguro kung gagawa kami ni Dong ng movie, siguro hindi pa talaga sa ngayon. Baka next year."

Sa Valentine's next year, may plano na ba ang Regal o GMA Films for her, lalo na't naging big hit ang Valentine movie nila ni Richard Gutierrez na My Best Friend's Girlfriend?

"Naririnig ko 'yan, may mga tsismis na ganyan. Pero hangga't hindi sinasabi sa akin at hindi inilalatag sa akin yung project kung kailan at kung sino ang kasama, sino ang ganito, mahirap magsalita, e. Siyempre, kung totoo 'yan, go ako riyan, trabaho 'yan, e."

Sinasabi rin na kung matutuloy ang Valentine movie na ito ay makakatapat nito ang Star Cinema movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa February 2010. Ano ang reaksiyon ni Marian dito?

"Oo nga, may nagsasabi nga ng ganyan. Pero hindi ko pa talaga masasagot 'yan kasi wala pa akong alam. Pag may alam na ako, magsasalita ako. Kaso, wala pa talaga. Pero naririnig ko lang," aniya.


MERRIEST CHRISTMAS. Dahil wala siyang entry sa filmfest, gayundin si Dingdong, ano ang plano nilang dalawa sa Christmas? Saan sila magbabakasyon?

"Pasko? Hindi pa namin napag-uusapan, e. Basta malalaman n'yo rin 'yan."

Kahit wala siyang filmfest entry, masasabi niya bang merriest Christmas ang Pasko niya this year?

"Masasabi ko sigurong oo, kasi na-realize ko na habang tumatagal ako sa showbiz, nagma-mature ako. Minsan nasasabi ko na, 'Ay, hindi na ako bata. Hindi na ako ganito mag-isip.' Pangalawa, siguro dahil ang dami ko nang nalagpasan na naging strong talaga ako. Pangatlo, okay kami sa family ko, mapa-lola ko, mapa-mama ko, at ang papa ko okay kami. Kaya sana mabigyan talaga ng time na magkita kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Dong, okay kami, masaya kami. Ganun pa rin, walang pagbabago. Tapos panglima, wala na akong naririnig na intriga sa akin. Lahat maayos na. Lahat naiintindihan na. Lahat open na. So, happy ako na lahat ng mga bagay ay pumupunta sa kanya-kanyang puwesto para maging maayos lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN