Gov. Vilma Santos celebrates her birthday with simple salu-salo

"In two years... hindi mo pa magagampanan lahat ng mga pangangailangan [ng Batangas]. Kasi on the third year, hindi mo pa naman mapapakinabangan. Kamukha ngayon, tingnan mo, o... Busy na naman sa mga eleksyon. 'Yon na ang usapan, imbes na puwede pa kaming magsilbi, di ba? So, very limited. Gusto ko, yung continuity ng mga programang meron pa ako dito sa Batangas," says Batangas Governor Vilma Santos about persistent rumors that she will be running for vice president next y


Isang simpleng selebrasyon lang ang idinaos ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos para sa kanyang 56th birthday kahapon, November 3.

Isang misa ang inihandog ni Fr. Fred Madangbayan sa auditorium sa Batangas Governor's Office. Pagkatapos ay isang munting salu-salo ang inihanda ni Vilma para sa kanyang staff and employees sa Kapitolyo.

Ibang-iba ito sa mga nagdaang birthday celebration ni Ate Vi, na dati'y star-studded at magarbo. Balak ng kanyang staff na ipagpatuloy ang tradisyonal program tuwing birthday niya pero hindi natuloy.

"Last Monday [Nov. 2], nalaman ko na they [staff] were preparing something for my birthday. Pero nung flag ceremony nung nakaraang Monday, nakiusap ako sa kanila na, 'Huwag na, we'll make it simple... Wala na tayong party-party. It's a working day. 'Wag na nating ipabongga.' I don't think this is the time for that," sabi ni Vilma sa panayam sa kanya ng SNN ng ABS-CBN.

Espesyal pa rin ang kanyang kaarawan dahil may inihandang family dinner sa kanilang bahay, gawa naman ng asawang si dating Senator Ralph Recto.

"Mamaya pag-uwi ko, yun naman ang oras ko para sa pamilya ko. I think si Ralph prepared something for me... My children [Luis Manzano and Ryan Christian Recto] will be there for me. Itinaon niyang birthday ko talaga. So, mamaya, pamilya naman ako," sabi ni Ate Vi.

Ano ang kanyang birthday wish?

"It's always prayers and guidance for my family. To keep it intact because they are my inspiration. And another siguro is guidance and prayers for my administration, because my job is... hindi madali.

"With the blessings na tinatanggap ko with my family, being a public servant, being in the movie industry, it's more on 'thank you,'" saad niya.

Thankful din si Gov. Vilma sa mga taong tumangkilik ng kanyang comeback movie In My Life, kung saan kasama niya sina John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Isa itong certified super blockbuster na tumagal sa mga sinehan ng halos dalawang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat po ako na tinangkilik ninyo ang magandang pelikula na ibinigay po namin sa inyo. Yung mga hindi pa po nakakapanood diyan, meron na tayong DVD and VCD ng In My Life, at ang maganda nito, yun 'yong director's cut. So, there are some scenes na hindi po nakasama sa big screen, makikita niyo po diyan... I am sure, 'andiyan pa rin po ang magic ng pelikula," pag-iimbita pa niya.

Nagkaroon din ng report kagabi ang 24 Oras ng GMA 7 tungkol sa birthday ng Star for All Seasons. Ini-report dito na sinadya ngang wala nang magarbong selebrasyon bilang pakikiisa ni Gov.Vi sa nangyaring typhoon calamity sa ating bansa. Sa halip ay pinailaw na ang giant Christmas tree sa Batangas Kapitolyo.

"It's a working day. I want my birthday to be simple this time... Hindi naman sa hindi magsasaya, pero parang tama na muna ito. Marami naman ang bumabati, at kung sino lang ang nakakaalala. Hindi na rin ako nagpagawa ng programa. Basta kung sino na lang ang makaalala, welcome," masayang pahayag ni Vilma.

NOT RUNNING FOR VP. Muling itinanggi ni Vilma na tatakbo siya bilang vice-presidential candidate sa 2010 eleksiyon dahil nais niyang ipagpatuloy ang kanyang mga plano para sa Batangas. Ito'y sa kabila ng maugong ang balitang may mga imbitasyon sa kanya ang iba't ibang kandidato, tulad nina Senator Manny Villar at Secretary Gilbert Teodoro.

"Nagpapasalamat ako... pero sa ngayon po, ang alam kong gusto kong gawin ay tapusin muna ang mga unfinished business here in Batangas. Yung focus ko is on Batangas and ayokong madiskaril doon, so... Salamat, pero my focus is Batangas.

"May mga nagpapa-float lang din diyan [ng news], hine-headline talaga nila... Pero yung sasabihin mong formal o official na official, wala naman talagang gano'n," sabi ni Vilma.

Kinumpirma naman ni Gov. Vi na ang tatakbo for a national position sa 2010 elections ay ang mister niyang si Ralph Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely, kasi si Ralph will be running for a Senate seat again... he is my mentor. If they're saying that I'm doing a good job, he is my mentor. And definitely, I will support him 110 percent," saad ni Ate Vi.

Sa report naman ng TV Patrol World kagabi rin, ibinalitang tila nakahinga na nang maluwag si Vilma dahil sa wakas ay tumigil na ang "pangungulit" sa kanya upang tumakbo bilang bise-presidente ng Pilipinas.

"In two years, wala ka pang... Hindi mo pa magagampanan lahat ng mga pangangailangan [ng Batangas]. Kasi on the third year, hindi mo pa naman mapapakinabangan. Kamukha ngayon, tingnan mo, o... Busy na naman sa mga eleksiyon. 'Yon na ang usapan, imbes na puwede pa kaming magsilbi, di ba? So, very limited. Gusto ko, yung continuity ng mga programang meron pa ako dito sa Batangas," paliwanag niya.

SYMPATHY FOR RODERICK. Sa gitna ng kaarawan ni Vilma, hindi nakalimot makiramay si Vilma sa kaibigang Roderick Paulate na namatayan ng ina noong November 1.

"Tumawag agad siya pagkalabas niya ng kuwarto [ng ospital]... Am praying for the repose of the soul of Mamang, ibigay na natin, kasi tahimik na siya. Pero andito lang kami lahat, Dick, hindi ka nag-iisa diyan and I love you so much," sabi ni Vilma.

LUIS-ANGEL BREAKUP. Last week, nabalitang hiwalay na nga ang anak niyang si Luis Manzano sa naging girlfriend na si Angel Locsin. Pero bilang ina, tila boto si Vilma kay Angel para sa anak, dahil umaasa pa rin siyang magkabalikan sina Luis at Angel.

Sa kanyang previous TV interviews ay prangkahan nitong inaamin na boto siya for Angel para sa anak. Ngayong kinumpirma na mismo ni Angel last week ang breakup, hopeful pa rin si Vilma.

"I don't usually meddle... Pero I'm just hoping na... Anu't ano man... Nakita ko kasi yung respeto at pagmamahal nila sa isa't isa. So, I'm still wishing for the best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Angel is such a nice woman," saad pa ng actress-politician.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN