Rachelle Ann Go makes no high hopes for reconciliation with ex-boyfriend Gab Valenciano

Singer Rachelle Ann Go admits shedding tears after her breakup with dancer Gab Valenciano. "Siyempre, sino ba naman po ang matutuwa? Hayaan na lang natin. I mean kung ano yung destiny... Kumbaga, kung ano yung will ni God para sa atin, sundin na lang natin," she said.


May kasabihan na pag may nawala sa atin ay may dumarating na kapalit. Nawala kay Rachelle Ann Go ang boyfriend niyang si Gab Valeciano pagkatapos nilang mag-break. Pero tila ang kapalit naman nito ay isang award para kay Rachelle.

Ang album ni Rachelle na Falling In Love ang itinanghal na Revival Album of the Year sa PMPC 1st Star Awards For Music na ginanap noong October 29 sa Skydome SM North Edsa, Quezon City. (CLICK HERE to watch her performance)

Ayon kay Rachelle, sobrang masaya siya sa pagkapanalo ng kanyang album.

"Nakakatuwa kasi sa dami po ng gumagawa ng revival album, e, kumbaga napansin yung album ko. So, laking pasasalamat ko talaga. Sobrang happy po!" sambit niya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle kahapon, November 4, pagkatapos niyang mag-guest sa noontime variety show ng ABS-CBN na Wowowee, hosted by Willie Revillame.

Ano nga ba ang dahilan ng breakup nila ni Gab?

"Ay, ayoko na lang magsalita. Kung ano yung sinabi niya, quiet na lang ako," pag-iwas ni Rachelle.

Bakit ayaw niyang magbigay ng pahayag, gayong nagsalita na si Gab tungkol sa kanilang breakup? (CLICK HERE to read related article.)

"Ganoon po siguro talaga yung personality ko na hindi masyadong nagsasalita tungkol sa mga bagay-bagay," nakangiti niyang sagot.

Pero iniyakan niya ba ang paghihiwalay nila ni Gab?

"E, siyempre, sino ba naman po ang matutuwa? Hayaan na lang natin. I mean kung ano yung destiny... Kumbaga, kung ano yung will ni God para sa atin, sundin na lang natin."

Maayos naman ba ang naging paghihiwalay nila?

"Okey naman po," maiksing sagot niya

May communication pa rin ba sila hanggang ngayon?

"Meron po."

Sabi ni Gab, gumagawa raw siya ng paraan magkabalikan sila. Ano ang reaksiyon niya rito?

"A, talaga? Tingnan natin!" natatawang sabi ni Rachelle.

Pero kung sakali ba ay may chance pa na magkabalikan sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam. Ayokong mag-expect. Kumbaga sa lahat kasi ng desisyon, ipagdasal dapat. Yun lang talaga."

Ang pinakadahilan na sinabi ni Gab kung bakit nagdesisyon silang maghiwalay ni Rachelle ay dahil wala raw sa center ng relasyon nila si God. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

"A, siguro ano... masyado lang kaming naging busy. Dapat talaga ay si God ang unahin. Yun ang importante," saad ng singer.

Mahal pa ba niya si Gab?

"Ay, secret!" natatawang iwas ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN