Aga Muhlach teams up with Regine Velasquez again and with Angel Locsin for the first time

Aga Muhlach (middle) will be very busy in the next few months shooting movies. He is paired with Regine Velasquez (left) for the third time in Of All The Things and he will also do a movie with Angel Locsin (right) for the first time.


Kasalukuyang nasa kasagsagan ng shooting sina Aga Muhlach at Regine Velasquez sa comeback movie nilang Of All The Things under Viva Films, directed by Joyce Bernal.

Si Direk Joyce din ang director ng past Aga-Regine films na Dahil May Isang Ikaw (1999) at Pangako... Ikaw Lang (2001), na pareho ring handog ng produksiyon ni Boss Vic del Rosario.

Paano nga ba nagsimula ang idea na gumawa sila ng comeback movie after eight long years?

"I got a call from Boss Vic, and on the other line sabi niya, 'O, Ags, gawa na tayo ng pelikula.' Sabi ko, sige, game!' Gano'n lang," masayang kuwento ni Aga sa SNN taped interview noong Martes, November 3.

Sabi naman ni Regine, nandoon pa rin ang chemistry nila ni Aga bagamat nag-mature na sila pareho.

"Lahat kami, nag-mature na rin. So, may kanya-kanya na kaming working habits na tinatanggap ng isa't isa. It's very relaxed [on the set], actually," aniya.

Mula taong 2001, ang dami nang nangyari sa mga personal na buhay ng dalawang big stars. Nanatiling masaya ang family life ni Aga with wife Charlene Gonzalez and their twins, samantalang ang Asia's Songbird naman ay may minamahal nang Ogie Alcasid.

Ano ang nadiskubreng bago ni Aga sa leading lady?

"Ang nadiskubre ko sa kanya... Meron siyang mga, 'Kasi nga, sabi nga ni Honey nga, e.' Hooooo!" tawa ng aktor. "Tapos, 'I'll do it for you, ha? Magluluto ako, ganyan-ganyan...' May sarili na siyang... Siyempre, sa kanila ni Ogie... Sabi ko, 'Iba ka na!'"

Dahil may Ogie Alcasid nang boyfriend si Regine, mas matindi na ba ang limitasyon ni Regine pagdating sa love scenes nito, particular na sa Of All The Things?

"Hindi naman na nadagdagan ang limitations ko just because I'm in a relationship," paglilinaw ni Regine.

Maiinit pa rin ba ang kissing scenes nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo. Kasi, hindi naman ako 16... Parang bumaligtad naman kung kailan tumanda ako, saka pa ako nagpaka-demure?" diretsong sabi ni Regine.

Ayon naman kay Aga, "Sinabi ko nga kay Reg [tawag nito sa singer-actress], 'A, ikaw ha, pag nag-kiss ka ngayon, parang magaling ka na, ha!' Hahaha! Joke lang, ha!"

FIRST MOVIE WITH ANGEL. Ibinalita rin ni Aga na after ng movie niyang ito with Regine, tuloy na rin ang paggawa niya ng bagong movie with Lea Salonga. Hindi pa lang malinaw sa ngayon kung Star Cinema rin ang gagawa.

"Yung sa amin ni Lea, I think we'll start filming August [2010]. Matagal ko ring hinintay ito," aniya.

Pero mukhang mas mauuna pa ngang gawin ni Aga ang Star Cinema movie niya with Angel Locsin. Kumpirmado na ngang bukod sa Of All The Things niya with Regine at isa pa with Lea next year, tuloy na tuloy na rin ang Aga-Angel movie. Mula sa direksiyon ni Olive Lamasan, may schedule na silang nakatakdang sundin sa shooting.

Sa hiwalay na panayam kay Angel, sinabi nitong: "Mga January pa 'ata, e, [ang simula ng shooting]. Kasi si Kuya Aga, mayroon pa siyang movie with Ate Regine, so siyempre hihintayin muna 'yon."

Kuwento ni Aga, muntik na palang hindi matuloy ang new movie niya with Angel, at inamin niya na nabago ang concept o istorya ng pelikula, pero sa ikagaganda naman daw nito.

"I was supposed to do that film [with Angel] first. But then, something happened along the way, but we met already... Matutuloy 'yon, tuloy na tuloy. At naiba yung proyekto. It's a different project na," banggit ni Aga.

Hindi pa man nasisimulan ang shooting ng Aga-Angel movie ay personal nang nagkakilala ang dalawa nang magkaroon ng pagkakataon. And for Angel, unforgettable ang naging reaction niya sa unang pagmi-meet sa soon-to-be-leading man niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Nag-meet na kami. Nag-usap na kami. Nakakatawa si Kuya Aga, kasi para siyang laging naka-tsokolate, ang taas ng energy! Tapos, parang, 'O, ito, maganda 'to!' Gano'n siya nang gano'n... Nakakaaliw siyang panoorin.

"E, siyempre, Aga Muhlach, di ba? Di mo aakalain na ganun pala kadali kausap," may kilig na kuwento ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN