Yeng Constantino does not assume that a band vocalist is courting her

"Ayokong magsalita. Ayokong mag-assume. Baka kasi mamaya ano lang pala, na-misunderstood ko lang yung mga ginagawa niya. Baka hindi naman pala siya nanliligaw," says Yeng Constantino about her rumored suitor.


Proud si Yeng Constantino na finally ay nai-launch na ang kanyang third album titled Lapit under Star Records. Bagay na bagay raw sa nararamdaman niya ngayon ang title ng kanyang bagong album dahil malapit sa kanyang puso ang lahat ng kantang nakapaloob dito na pawang siya ang nagsulat.

Ang bagong album na ito ni Yeng ay kinapapalooban ng carrier single niya na "Lapit," kasama ang mga kantang "Wag Kang Magtatanong," "Jeepney Love Story," "Pag Ayaw Mo Na," "Siguro," "Takas," "Maghihintay," "Akin Ka Na," "Siguro," at "Wag Na" (kung saan nakasama niya ang Morning Glory, ang banda niya bago pa siya sumali sa Pinoy Dream Academy).

Malapit din sa puso ni Yeng ang nag-produce ng album niya—ang kanyang idol na si Raimund Marasigan, dating drummer ng bandang Eraserheads at vocalist na ngayon ng Sandwich.

CARLO GUEVARA. Nang makaharap na si Yeng ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press after ng presscon cum album launch kahapon, November 4, ay hindi nakaiwas si Yeng sa mga maiintrigang tanong ng press. Isa sa mga topic na inurirat ng press ang tungkol sa kanyang lovelife.

Dahil nga Lapit ang title ng kanyang album, kaya hindi maiwasang itanong kay Yeng ang tungkol sa huling lalaking napalapit sa puso niya, ang Be Bench winner at co-Star Magic artist niya na si Carlo Guevara.

"Si Carlo, wala na yun," sambit ni Yeng.

Pero hindi ba sila naging mag-boyfriend?

"Hindi, hindi naging kami."

Nagkaroon ba sila ng closure ni Carlo?

"Oo, nag-usap kami ni Carlo. Ako yung nagsabi sa kanya na, 'Ay, 'wag na lang kasi parang hindi pa rin ako ready.' Kasi, parang ang lungkot naman nun na hindi ka naman pala sure sa nararamdaman mo, tapos paghihintayin mo yung tao. Mabuti na sabihin mo na lang na hindi pa ako sure kaysa maghintay lang siya nang matagal. Nainip lang siya, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon raw ay hindi pa siya talaga nagkakaroon ng boyfriend.

"Alam ko po maraming naiinis dun sa point ng ibang babae na parang naghihintay yung mga lalaki kaya tuloy nanliligaw sa iba," sabi niya.

Ganun ba yung nangyari sa kanila ni Carlo?

"Siguro. Baka nainip na siya."

Todo tanggi naman si Yeng na tomboy siya kaya wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon.

"Hindi po, babae po ako!" bulalas niya. "Siguro meron tayong stereotype na like sa TV, kapag hindi ka kumikilos na normal na babae, hindi ka babae. Pero siguro kailangan nating i-break yun. Hindi lang siguro ako normal. Hindi lang ako yung stereotype na babae na kikay, naka-heels... Pero it doesn't mean na lesbian ako. Siguro iba lang ako dahil iba yung kinalakihan kong lugar. Yung mga friends ko lalake, pati sa banda."

NEW SUITOR? After Carlo, may bagong ba siyang manliligaw ngayon?

"Hindi ko kasi alam kung ligaw yun, e. Dapat yung ligaw, sa bahay. Old school talaga ako pagdating sa ganyan."

Showbiz or non-showbiz ba ang guy na ito?

"Ayokong magsalita. Ayokong mag-assume. Baka kasi mamaya ano lang pala, na-misunderstood ko lang yung mga ginagawa niya. Baka hindi naman pala siya nanliligaw," pag-iwas ni Yeng.

Pero kinikilig ba siya sa guy na ito?

"Oo, siyempre, pag tine-text ka tapos gusto ka niyang makita. Di ba, nakakakilig yun? Pero hindi ko pa alam kung nanliligaw siya. Ayokong magsalita talaga."

Pinilit naman si Yeng ng mga press sagutin kung from showbiz ba ang guy, kung singer ba ito o actor?

"Sa banda siya."

Vocalist ba?

"Parang gusto n'yo na sabihin ko na yung name, a!" tawa niya. "Kumakanta siya, nagsusulat siya. Yun lang. Pero yun, ayokong mag-assume. Ayokong sabihing nanliligaw siya tapos pag na-interview siya sabihin, 'Hindi ko siya nililigawan. Kinakaibigan ko lang. Gusto ko lang siyang maka-collaborate.' Ayoko naman ng ganun. Mahirap ma-deny."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagde-date na ba silang dalawa?

"Niyaya niya akong lumabas, pero hindi pa namin nagagawa dahil pareho kaming maraming gigs ngayon."

Anong level na ang closeness nila?

"Text pa lang. Kung magha-hang out kami, sana makilala ko talaga siya nang mabuti."

Aminado siya na inspirasyon niya ang guy na ito ngayon?

"Natutuwa ako sa kanya. Hindi ko pa masabing inspiration, e, kasi hindi pa ako nakakagawa ng song para sa kanya," sabi ni Yeng.

Paano ba sila nagkakilala?

"Nagkasama na kami sa isang gig. Tapos, yun, nakuha niya yung [cell phone] number ko. Tapos tine-text na niya ako."

Ano ang nagustuhan niya sa guy na ito?

"Nung nag-reach out siya na makilala ako. Hindi siya yung katulad ng ibang lalake na idadaan lang sa ibang tao. Yung pasabi-pasabi."

Kailan nangyari yun?

"Mga two months ago yata bago ako magpagupit ng buhok. Baka na-inspire ako sa kanya na magpagupit!" biro ni Yeng.

Nang mag-meet ba sila, nakaramdam siya agad ng "magic"?

"Magic? Wala, wala pang ganun. Meron kasi na sa simula pa lang, meron na agad ganun, di ba? Pero sa amin, walang ganun."

So, na-develop na lang yung closeness nila through text?

"Parang ganun."

Pero natuto na ba siya sa experience niya kay Carlo na hindi na dapat pinaghihintay ang mga lalake?

"Hindi yun dapat lesson learned, values yun," sagot niya. "Ganun ako, e. Pilipina tayo. Natutunan ko kasi sa tatay ko na hindi naman sa pinahihirapan mo yung mga lalake pag pinaghihintay mo sila. Tinitingnan mo lang kung hanggang kailan sila magpapasensiya. Kasi mentras mahirap abutin yung bunga ng puno, mas masarap yun kainin, sabi ng papa ko. Kailangan alagaan ka."

So, mas gusto niya ang traditional na panliligaw?

"Oo, courtship talaga, hindi lang dating. Mas maganda yun."

Sa mga kanta sa bagong album niya, ano yung puwedeng mag-describe sa nararamdaman niya at nararanasan ngayon sa kanyang buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Lapit.' Kasi sa friends ko, sa family ko, o kung magkaroon man ako ng boyfriend, yun lang ang masasabi ko... Makakalapit sila sa akin, makakaiyak sila sa akin, anything na gusto nila, nandito lang ako."

Kung meron siyang kanta from her album na gusto niyang i-dedicate sa bokalista ng banda, ano yun?

"May kanta ako rito, ang title 'Ligaw. 'Sabi sa kanta, 'Bakit ka pa rin nandito? Bakit ako pa rin ang gusto mo? Simple lang naman ang sabi ko. Di mo maiintindihan, ano ang aking dahilan. Di ko rin naman sasabihin. Ayokong kita'y paluhain.'

"Para 'yan sa lahat ng manliligaw sa akin, kung meron man, sana naman yung totoong liligawan talaga ako. Pupuntahan ako sa bahay. Magpapaalam sa magulang ko. Kahit alam ko na pinapayagan ako ng parents ko. Pero alam n'yo yun, ang sarap sa pakiramdam na parang precious ka, special ka."

SARAH AND RACHELLE ANN. Sa mga kaibigan ni Yeng ngayon, malapit daw sa puso niya sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go, na kasama niya sa "YRS (Yeng, Rachelle and Sarah)" segment sa ASAP 09.

"Natutuwa ako sa friendship namin nina Sarah, Rachelle. Ako kasi, yung totoo, kahit tatlong taon na kami sa ASAP, ngayon lang kami naging superduper close. So, yun ang pinakamasayang part. Naging friends ko sila. We watch movies, ganyan. We hang out sa bahay ni Sarah sometimes. Masaya ako kasi hindi talaga ako nagkaroon ng girls na friends kahit noong high school," saad ni Yeng.

Ano ang recent bonding moments nila?

"Ang latest nung nanood kami ng movie, This Is It ni Michael Jackson."

Wala bang nangyayaring patalbugan sa kanila sa ASAP?

"Wala naman kasi makikita naman sa TV yun. Sa choice naman ng songs, ASAP naman ang pumipili. Pero minsan may input naman kami. Nasasabi namin yung gusto namin."

Pero paano nila hina-handle yung intrigang pinagsasabong silang tatlo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang ganun, e, na pinagsasabong kami. Kasi pag kumanta kami sa ASAP, tapos part ko, alam ko yung dalawa tsini-cheer ako dun sa likod. Kasi bago kami mag-perform, nagpe-pray kaming tatlo. Sabi namin, 'Tara, let's rock!' Sobrang gusto namin yung ginagawa namin. Hindi dahil sa gusto naming iangat yung bangko namin dun sa isa. Pero gusto lang naming ipakita yung talento namin."

Paano naman niya sinusuportahan si Rachelle na kabe-break lang sa boyfriend nitong si Gab Valenciano?

"Nandito lang kami para sa kanya. Kay Rachelle, sabi ko sa kanya, 'Hindi kakulangan kung walang boyfriend. Alam mo, kailangan mo kasing maging kumpleto na ikaw pa lang. Para pag binigay na sa iyo yung lalaking para sa iyo, pag kunwari nawala pa rin siya, kumpleto ka pa rin. Hindi mo feel na empty ka.'"

Umaasa naman si Yeng na mas lalo pang lalalim ang pagkakaibigan nila ni Sarah at Rachelle Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN