PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: Loren Legarda still torn between Manny Villar and Gibo Teodoro

The lady senator admits she was a little hurt when Sen. Chiz Escudero decided to bolt out from NPC.
by Rommel R. Llanes
Published Nov 6, 2009
"Walang mas malinaw, walang mas malabo. Liliwanagin ko... Kung ako mismo, wala pa akong nakakausap sa dalawa, ngunit masugid ang kanilang mga ipinapadalang mga pahiwatig at mga pag-uusap sa dalawang kampo," says Senator Loren Legarda about Senator Manny Villar and Secretary Gilbert Teodoro, who are reportedly both wooing her to be their partner in the 2010 elections.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Senator Loren Legarda kahapon ng tanghali, November 5, sa Via Mare restaurant sa Promenade, Greenhills. Isa mga mga napag-usapan namin ay kung sino nga ba ang makaka-tandem niyang presidentiable sa pagtakbo niya bilang vice president sa 2010 elections.

MANNY O GIBO? Dalawang pangalan ang matunog na naiuugnay sa kanya politically. Ito ay sina Senator Manny Villar at National Defense Secretary Gilbert "Gibo" Teodoro.

Pero ayon kay Senator Legarda, wala pa siyang nakakausap isa man sa dalawa; kahit na si Senator Villar na balitang ang makakapareha ay isang tao na maka-kalikasan, na siyang advocacy ni Senator Loren.

"Hindi ko pa siya [Senator Villar] nakakausap... Talaga, talaga... hindi ko pa siya nakakausap. Kahit si Secretary Teodoro, hindi ko pa rin siya nakakausap. Alam ninyo kung sino ang nakakausap ko? Ang mga taga-Save Laguna Lake Movement, yung mga residente ng Cainta, ng Marikina, ng Rizal, ng Malabon, ng Navotas, ng Pangasinan," pahayag ng senadora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailan siya magdedesisyon kung sino ang magiging ka-tandem niya?

"Malapit na!" sambit niya. "Kakain tayo dito ulit, ang kuwartong ito ay magiging orange pa rin at luntian at may pin na ako dito [sabay turo sa kanyang dibdib] na may kulay na tama. Siguro naman, mga dalawang linggo."

Ayon naman sa iba, mukhang mas may linaw ang tandem nila ni Gibo?

"Walang mas malinaw, walang mas malabo. Liliwanagin ko... Kung ako mismo, wala pa akong nakakausap sa dalawa, ngunit masugid ang kanilang mga ipinapadalang mga pahiwatig at mga pag-uusap sa dalawang kampo.

"Ngunit hindi lang naman desisyon ni Loren Legarda 'yan. Yun ay isang malawakang konsultasyon sa mga kasamahan ko sa partido ukol sa kung ano ang mas maganda, kung ano ang makakaganda sa NPC [Nationalist People's Coalition] at pati na rin sa paglilingkod sa taumbayan. My decision will come at a proper time. Kung maaaring tapusin ko lang muna ang aking commitments sa climate change."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHIZ ESCUDERO. Tinanong ng PEP si Senator Loren kung nakausap na niya si Senator Francis "Chiz" Escudero na umalis sa NPC, na partidong kinabibilangan nilang pareho dati. Napabalita kasing sila sanang dalawa ang magka-tandem sa darating na eleksiyon.

"Hindi ko pa siya nakakausap mula nang siya ay nagbitaw mula sa partido at hindi pa siya tumatawag sa akin... wala. Hindi siya tumawag sa akin bago siya nagbitaw at nakaraan na ang higit sa isang linggo ay wala pa rin siyang tawag or text sa akin," saad ni Senator Legarda.

Dagdag niya, "Naintindihan ko, ganun talaga ang buhay."

Pero aminado siyang nasaktan siya sa desisyon ni Senator Escudero na tumiwalag sa NPC.

"Siyempre may konting kirot. Pero yung kirot naman, lagyan mo lang ng band-aid tapos na, di ba? Kasi ang buhay naman, ganun, e. Hindi naman lahat masusunod ang iyong kagustuhan, at may mga sorpresang nangyayari. At ang sorpresa naman hindi lahat masaya, hindi lahat malungkot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ganyan ang buhay, tanggap ko na yun. Sa lahat ng dinaanan ko sa aking buhay, ano ba naman yung sa ihambing mo sa mga dinaanan ko, kaya tanggap ko yun. At ang bawat tao, may kanya-kanyang desisyon, at may consequences ang kanya-kanyang aksyon.

"Ako, maliwanag ang sinabi ko, mananatili ako sa NPC, ako'y mananatili sa aking adbokasya at nagpapasalamat ako sa more than one hundred percent support ng aking partido sa aking vice-presidential bid.

"At sa aking pag-aalyansa, ayon sa plataporma, ay hindi sarili kong desisyon kundi kinonsulta ko sa lahat ng miyembro ng NPC para maayos ang proseso. So, number one, hindi ako mang-iiwan. Number two, ako pa ay magdadala ng suwerte at kaginhawahan, at victory. And I told my party, 'I will bring you to victory in 2010!'" nakangiti niyang deklarasyon.


CLIMATE CHANGE. Abala raw ngayon si Senator Legarda sa kanyang advocacy—ang paglaban sa climate change.

"Kasi bukas [Nov. 6], nasa Bulacan ako, next week sa Mindanao, sa Sultan Kudarat. Alam ba ninyo yung mga bayan-bayan sa Sultan Kudarat hanggang ngayon ay lubog pa rin, mula pa noong July of 2008? Yung Lambayong sa Sultan Kudarat ay hindi na bayan, yun ay lawa na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pupunta rin ako sa Maguindanao sa Tuesday, yung mga IDPs or internally displaced persons doon. So iyan ang aking concern at prayoridad—ang climate change at humanitarian work, that's my passion. So, gusto ko munang tapusin ang aking commitments. Pagkatapos ng linggong susunod ay makikita na ninyo kung [ako ay] berde or orange or puti," saad niya.

May paanyaya rin si Senator Legarda sa lahat ng mga tatakbo sa 2010 elections.

"Anumang kulay sila, na magtatag kami ng isang climate alliance. Ibig sabihin, alyansa para sa kalikasan at sa paglaban sa climate change. Ang solusyon sa problema ng bukas, ang solusyon sa problema ng Ondoy, ng Pepeng, ng Ramil, ng Santi, at lahat ng bagyo bukas ay isang climate alliance.

"Iyon ang hamon ko: ikaw man ay dilaw, orange, o berde, o puti, o pula... Sa pula, sa puti, anuman ang kulay mo sa pulitika, ikaw ba ay nakatira sa siyudad o sa kanayunan, ang aking mungkahi, ang hamon ko sa mga presidentiable na nagnananais tumakbo na kasama ng inyong lingkod na tumakbo sa 2010 elections, na tayo ay magkaroon ng isang alyansang maka-klima. Ibig sabihin, isang climate alliance for the good of the people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's for everyone. It's open for presidential wannabes, all the vice- presidential candidates, and senatorial candidates, at lokal na pamahalaan. Dahil kami sa nasyonal ay nagbibigay lamang ng polisiya at gumagawa lamang ng batas. Kaya nga ang mga batas, importante at epektibong i-implement, at iyon ang may kakulangan.

"Kaya nga pagkatapos ng Ondoy at Pepeng, lalong umigting ang aking resolve na tumakbo sa mas mataas na katungkulan para ang aking mga ginawang batas ay maipatupad nang husto," pagtatapos ni Senator Legarda.

Read Next
Read More Stories About
Loren Legarda, Manny Villar
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang mas malinaw, walang mas malabo. Liliwanagin ko... Kung ako mismo, wala pa akong nakakausap sa dalawa, ngunit masugid ang kanilang mga ipinapadalang mga pahiwatig at mga pag-uusap sa dalawang kampo," says Senator Loren Legarda about Senator Manny Villar and Secretary Gilbert Teodoro, who are reportedly both wooing her to be their partner in the 2010 elections.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results