Dennis Trillo is busy once again with four TV shows and a movie

"Ready na ulit akong mapagod. For the longest time kasi, after Adik Sa 'Yo, ang pinakaginagawa ko ay yung SOP at Bubble Gang lang. Once a week lang sila pareho. Marami rin kasi tayong pinagdaanan na mga bagay-bagay na kailangan nating magpahinga talaga. Ngayon, na-miss ko na ang mapagod talaga. Yung everyday na taping, nakaka-miss siya," says Dennis Trillo.


Muli na namang magiging busy ang aktor na si Dennis Trillo dahil apat na shows ang nilalagare niya ngayon sa Kapuso network.

Nagsimula na siyang mag-taping para sa Darna bilang kababata ni Marian Rivera sa bahay-ampunan na bumalik bilang isa nang pulis.

Si Dennis din ang pumalit sa hosting job ni Dingdong Dantes sa Starstruck V. Si Dingdong na kasi ang papalit kay Richard Gomez bilang host naman ng game show na Family Feud. Hindi na kasi maaaring mapanood si Goma sa isang regular TV show kapag nag-file na siya ng candidacy sa pagtakbo niya bilang congressman sa Ormoc City.

Napapanood din si Dennis every Friday sa gag show na Bubble Gang at every Sunday naman ay nasa musical-variety show na SOP siya.

Natutuwa nga si Dennis dahil naging busy siya ulit pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga. Ang huling TV series ni Dennis ay ang romntic comedy na Adik Sa 'Yo with Jolina Magdangal, Marvin Agustin, and Jennica Garcia.

Kailan lang din ay nakasaksi siya ng isang trahedya na kumitil sa buhay ng kanyang kaibigan sa Boracay. Kasabay pa nito ay ang pagtatapos din ng relasyon nila ng young actress na si Pauleen Luna.

Ngayon ay ganap nang naka-recover na raw si Dennis sa lahat ng kanyang mga pinagdaanan at ready na siyang maging busy ulit.

"Ready na ulit akong mapagod," nakangiting sabi ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "For the longest time kasi, after Adik Sa 'Yo, ang pinakaginagawa ko ay yung SOP at Bubble Gang lang. Once a week lang sila pareho. Marami rin kasi tayong pinagdaanan na mga bagay-bagay na kailangan nating magpahinga talaga.

"Ngayon, na-miss ko na ang mapagod talaga. Yung everyday na taping, nakaka-miss siya. Kaya noong bigyan ako ng role sa Darna, bakit ko naman hindi tatanggapin, di ba?"

ANGEL VS. MARIAN. Naging parte rin si Dennis ng Darna na pinagbidahan ni Angel Locsin sa GMA-7 noong 2005. Siya ang gumanap na Efren, ang love interest ni Darna. This time, si Marian Rivera na ang gumaganap na Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dennis, magkaiba ang dalawang Darna, bagamat hindi dapat i-compare ang mga ito.

"Iba naman kasi yung kuwento ni Angel sa kuwento ngayon ng Darna ni Marian. So, walang comparison," diin niya. "Hindi ko pa naman nakikita na naka-Darna costume si Marian sa taping ko, e. Pero base sa mga nababasa ko at sa observation ng maraming tao, sexy na Darna si Marian na tulad ni Angel noon.

"Maraming mangyayari sa character ko sa Darna kaya abangan nila parati sa GMA Telebabad," pahabol niya.

REPLACING DINGDONG. Sa paghu-host ni Dennis ng Starstruck V, marami ang natuwa pero marami rin ang hindi sang-ayon na siya ang ipinalit kay Dingdong. Aware naman daw dito si Dennis kaya pinag-aaralan na niya nang husto kung paano maging effective na TV host na tulad ni Dingdong.

"Alam ko na may mga hindi approve sa pagkuha sa akin to replace Dingdong. Alam ko na malayo na talaga ang narating ni Dong in terms of hosting. Kasi since sa simula pa lang ng Starstruck, siya na ang nakapuwesto diyan.

"I know na mahirap ang posisyon ko ngayon because people will definitely compare me to him. Okey lang kasi talaga namang hindi ko pa gamay ang TV hosting. 'Yan ang masasabi kong weakness ko na kailangan kong pag-aralan para ma-improve ko, di ba?

"I am slowly learning from it and, hopefully, makita naman ng marami na kaya ko rin. Though hindi ko kasing-husay si Dong, at least masasabi nila na kinaya ko at napaghandaan ko ang trabaho na 'yan," saad niya.

WORKING WITH THE MEGASTAR. Bukod sa TV shows, may pelikula ring ginagawa si Dennis para sa Metro Manila Film Festival 2009, Mano Po 6: My Mother, na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta. Si Heart Evangelista ang gumaganap na rebeldeng anak ni Sharon, na makakapareha ni Dennis dito.

"Malaking challenge para sa akin na makaeksena ang nag-iisang Megastar ng Philippine showbiz. Nakakakaba dahil Sharon Cuneta na ito. Kaya parati rin akong handa sa anumang magiging eksena namin ni Ms. Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nadiskubre ko nga na napaka-giving niyang tao. Marami na akong naririnig na magagandang salita about Ms. Sharon at ako mismo, na-experience ko na kung gaano siya kabait sa mga taong katrabaho niya. Kaya I feel so lucky na napasama ako sa movie na ito na si Sharon Cuneta ang bida," pahayag ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN