Aljur Abrenica on real status with Kris Bernal: "Hindi pa ba obvious?"

Aljur Abrenica and Kris Bernal's debut film, Nandito Ako... Umiibig Sa 'Yo, may have suffered from being shown right after typhoon Ondoy, but they remain super hot on the small screen. The love team's third outing, The Last Prince, is GMA-7's opening salvo for 2010.


Patuloy ang pag-iinit ng love team nina Kris Bernal at Aljur Abrenica dahil muli na naman silang pagsasamahin ng GMA-7 sa isang bonggang telefantasya na may working title na The Last Prince.

After ng kanilang successful na Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life, muli masusubukan ang lakas ng tambalang Kris at Aljur. Mahuhusay na mga artista pa ang kinuha para suportahan sila sa bago nilang TV drama. Kabilang rito ay sina Eula Valdez, Emilio Garcia, Chanda Romero, Angelu de Leon, Karen delos Reyes, Chynna Ortaleza, Paolo Ballesteros at marami pang iba. Sa ilalim ito ng direksyon ni Mac Alejandre.

Pang-opening salvo ng GMA-7 for 2010 ang telefantasya na ito, at di lang excited ang dalawa kundi tinitingnan nila itong malaking hamon sa kanilang kakayahan.

"Gagawin pa rin namin ang best namin para hindi kami mapahiya," diin ni Kris.

Sabi naman ni Aljur: "Huhusayan namin ang pagganap namin para marami kaming mapasaya."

DEBUT FILM SANK BY ONDOY. Tinanong namin ang dalawa tungkol sa hindi magandang resulta sa box-office ng unang pagbibida nila sa pelikulang Nandito Ako... Umiibig Sa 'Yo. Nalungkot sila dahil sumabay ang showing ng kanilang pelikula sa aftermath ng bagyong Ondoy, pero tanggap naman daw nila ang nangyari.

"Wrong timing lang talaga kasi kakatapos lang nung matinding bagyo at halos lahat ay sa pagtulong sa mga nabiktima ng bagyo ang hinarap," ani Kris. "Kesa nga naman manood sila ng sine, ang pagtulong ang inuna nila at yung iba ay mas inuna kung paano sila magsisimula ulit sa buhay nila."

Medyo na-depress si Aljur noon dahil alam niyang make or break ang pelikula nila ni Kris. Pero nagpapasalamat siya na hindi nawala ang tiwala sa kanila ng GMA-7.

"Yun naman ang maganda kasi hindi nawala ang trust ng GMA-7 sa amin ni Kris. Magaganda naman ang reviews ng movie namin kaso talagang hindi naging priority ng marami ang manood ng sine that time. Nakakalungkot pero 'yan ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natuwa lang kami ni Kris nang mabigyan kami ng bagong show at kinuha pa kaming endorser ng Bench. Nakabawi na kami roon kasi nangangahulugan na nagtitiwala pa sila sa love team namin kahit hindi kumita ang movie naming dalawa."

TERM OF ENDEARMENT. "Bebs" na ang tawagan ng dalawa sa isa't isa.

"Hindi ko alam ko kung kelan kami nagtawagan ng Bebs. Basta yun na lang ang tawag namin ngayon sa isa't isa. Dati pangalan, ngayon ay Bebs na lang. Nagustuhan namin yung Bebs kasi wala pang nagtatawagan no'n, e. Meron na kasing Baby at Babes, di ba? Kaya parang original na namin ang Bebs," ngiti ni Kris.

Para kay Aljur, senyales na raw iyon na may malalim na silang pagkakaunawaan ni Kris.

"Hindi pa ba obvious?" ngisi pa niya. "Kami naman ni Bebs, ayaw naming ma-disappoint ang mga sumusuporta sa love team namin. Kaya pinapakita namin na seryoso rin kami at kung ano ang gusto nilang mangyari sa amin, e mangyayari iyon. Basta kami ni Bebs, bukod sa nagtutulungan, nagmamahalan talaga kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN