Jolo Revilla on breakup with Lovi Poe: "Gusto kong linisin ang name ni Lovi na walang third party."

"Happy ako ngayong loveless ako," said Jolo on Startalk, "dahil siyempre, magkakaroon ako ng oras sa sarili ko and, at the same time, mas magkakaroon ako ng oras sa career ko. At lalo na rin para sa anak ko."


Kapansin-pansin sa Startalk kahapon, November 7, na bagamat kabe-break lang nina Jolo Revilla at Lovi Poe ay mukhang masaya ang binata.

"Happy ako ngayong loveless ako," inamin naman ni Jolo sa interview niya kay Ricky Lo, "dahil siyempre, magkakaroon ako ng oras sa sarili ko and, at the same time, mas magkakaroon ako ng oras sa career ko. At lalo na rin para sa anak ko."

Maayos naman daw ang breakup nila. "At nagpapasalamat din ako [kay Lovi] dahil naging mabait siya sa akin. Wala kaming pinag-awayan. Natapos kami nang maayos."

Nakapagbitiw ng salita si Lovi na si Jolo raw ay mabait. Pero ang mga tao raw sa paligid niya ang walang respeto. Anong ibig sabihin ni Lovi dito?

"Ah... siguro, tungkol do'n, ayokong mag-comment," pag-iwas na lang ni Jolo.

GOOD RELATIONS WITH GRACE. Tinumbok naman ni Ricky Lo na posible ba raw na ang tinutukoy ni Lovi ay ang ina ng anak nilang si Gab na si Grace Adriano at ang ina nitong si Rosanna Roces?

"Of course not, hindi naman siguro. Pero basta, ang masasabi ko, sana, maayos na ang lahat. Kami ni Grace, maayos kami. Nag-uusap kami tungkol kay Gab. Nakikita niya si Gab. Si Gab, masaya naman, nasa akin na si Gab.

"At kay Tita Osang naman, sana, maayos na po. At anytime na gusto n'yong hiramin si Gab, basta walang pasok, ipahihiram ko po."

Sa selosan nga raw ba nagsimula ang lahat? Nasasabit kasi ang pangalan ni Ronald Singson, ang anak ni Deputy National Security Adviser Chavit Singson. Sabi raw ni Lovi, nagseselos raw si Jolo kay Ronald.

"Para sa akin, naghiwalay kami dahil kagustuhan naming dalawa. Nag-usap kami. Kahit papaano, tao lang ako. Marunong din akong masaktan at kahit papaano, napamahal na siya sa akin at alam ko na minahal niya rin ako. Basta masaya na 'ko ngayon at alam kong masaya siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INNOCENT DATE. Ayon kay Lovi, friendship lang daw ang meron sila ni Ronald and it was just an innocent date.

Nangiti si Jolo sa huling sinabi ni Ricky. Pero ipinahiwatig niyang wala siyang ibig sabihin dito. "Para sa akin, ayoko nang mag-isip ng masama. I just wanna clear lang, 'no, walang third party na nangyari between sa kanya man or sa akin. Gusto ko lang i-clear dahil siyempre, kahit papaano, napalapit na rin sa akin si Lovi.

"Gusto ko rin linisin ang name ni Lovi na walang third party.

Pagdating naman kay Ronald Singson, ang tanging masasabi ni Jolo ay, "Ayoko nang mag-comment. Mas maganda kung siya na lang ang tanungin n'yo or si Lovi na lang ang tanungin n'yo. Basta para sa akin, kung maging sila, masaya 'ko para sa kanila. Yun lang yun."

Kilala niya raw si Ronald. "Close siya sa family ko." Pero di niya raw masasabing magkaibigan sila. "Actually, hindi naman siya kaibigan, [kundi] acquaintance. Nagpunta kasi siya noong birthday ng dad ko."

MESSAGES. May message ba siya sa mommy ni Lovi na si Rowena Moran?

"Ang masasabi ko lang sa mommy ni Lovi, Tita, I just wanna say sorry sa lahat ng napagdaanan natin, do'n sa mga misunderstanding. Gusto ko rin pong magpasalamat. Marami po akong natutunan sa inyo."

At para kay Lovi naman: "Kung may nagawa man ako na hindi mo nagustuhan, kung may pagkukulang man ako sa inyo, I'm sorry. At nagpapasalamat din ako sa 'yo dahil never kong naramdaman na nag-iisa ako sa loob ng dalawang taon na yun at hindi kita makakalimutan."

Posible pa bang magkabalikan sila?

"Sa ngayon siguro, hindi. Pero pagdating ng panahon siguro. Pero para sa akin, mas okey na magkaibigan kami. Mas okey na ganito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN