Geoff Eigenmann defends leading lady Carla Abellana against negative issues

"She just came out from a five-year relationship [with PBA player JC Intal]. So, focus din sa work. Focus nga kami sa ginagawa namin, so better na yung we're taking our time. Yung state niya ngayon, relationship and lovelife, hindi naman prohibited, pero she's still mending a broken heart," says Geoff Eigenmann about leading lady Carla Abellana.


Bagamat malapit nang matapos ang primetime series nilang Rosalinda, hindi mababakante sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana dahil may follow-up project na sila agad. Sila ang bida sa bagong bagong month-long episode ng SRO Cinemaserye Presents, "Carinderia Queen," na magsisimula na sa Huwebes, November 12.

Kung sa Rosalinda ay heavy drama ang ginagawa nila, dito sa "Carinderia Queen" ay magpapatawa naman sila bagamat may halo pa rin itong love story.

Nang makausap nga namin si Geoff sa press conference ng "Carinderia Queen" sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, November 8, sinabi niyang masaya siya na sinusubukan naman silang dalawa ni Carla sa comedy.

"It's very different sa ginagawa namin sa Rosalinda kasi kulitan siya, mas light. Very light. Medyo naninibago nga kami ni Carla kasi sobrang light ang ginagawa namin. Yung acting namin, kumbaga, parang ibang-iba with what we're used to. So, okey siya, nag-e-enjoy siya," sabi ng young actor.

Ang unang balita ay makakasama rin nila sa episode na ito si Dennis Trillo. Ano ang nangyari at nawala si Dennis sa cast?

"Ang alam ko kasi, biglang last minute, nabago ang storyline. So, I'm not really sure what happened. Pero I'm really looking forward working with him. Sayang na hindi natuloy, pero baka siguro next time. Last minute, pinalitan nila.

"Kasama na namin yung mom ko [Gina Alajar]. Mom ni Carla si Ms. Melanie Marquez, at best friend sila ng mom ko. Tapos ako, lumaki sa States. Then si Carla, naiwan dito. Pagkabalik ko, dun na nagsimula ang love story," lahad ni Geoff.

ROSALINDA NEARS ITS END. Samantala, kapansin-pansin naman ang malaking ipinagbago ng kuwento ng Rosalinda sa nalalapit nitong pagtatapos.

"Maraming nangyayari na kakaiba talaga na hindi namin akalain na magagawa yun sa Rosalinda," sabi ni Geoff. "Kasi noong nagsimula kami, very light drama. Pero ngayon, may mga actions na nangyayari. May mga characters na nawawala. May bagong characters pa, like Tita Jackie Lou Blanco."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mixed emotions daw ang nararamdaman ni Geoff sa nalalapit na pagwawakas ng Rosalinda.

"Sad and happy. Happy kasi successful yung show. Masaya yung mga bonding na nagawa namin with the co-stars, even the crew, our director. Pero sad din kasi matatapos na. So, maraming good memories na nangyari sa show."

Kasama ba sa good memories ang pagiging "close" nila ni Carla?

"Oo, pero wala naman kaming kailangang ipagtapat, e," paglilinaw ni Geoff. "Ang sa amin naman kasi, bakit pa namin itatago, di ba? There's really no point kasi nakikita kami palagi. We're public figures. Kahit saan kami magpunta, makikilala kami."

Idiniin ni Geoff na hindi pa sila ni Carla at hindi pa rin daw siya nanliligaw rito.

"Kahit yung panliligaw, wala. Kasi kanina, tulad nga ng sinabi namin sa Showbiz Central, she just came out from a five-year relationship [with PBA player JC Intal]. So, focus din sa work. Focus nga kami sa ginagawa namin, so better na yung we're taking our time. Yung state niya ngayon, relationship and lovelife, hindi naman prohibited, pero she's still mending a broken heart," paliwanag ng 24-year-old actor.

Ano ang role ni Geoff sa buhay ni Carla ngayon?

"Friend!" sambit niya. "A very good friend. Kung may kailangan man siyang sabihin, kung may kailangan man siya that is something to talk about, I'm there."

Kung ang tatanungin ay ang mga nakapaligid sa kanila, iisa lang ang sinasabi ng mga ito—sobrang sweet daw nina Geoff at Carla sa isa't isa. Ano ang reaksiyon dito ni Geoff?

"Oh yes, we're not gonna deny that," pag-amin niya. "Halos araw-araw na nga kaming magkasama, especially with Rosalinda and SRO now. Araw-araw talaga, literal. At yung mga eksena pa na ginagawa namin really requires us to be comfortable with each other, maging close."

Dagdag niya, "Kahit minsan, sumasama lang siya. Off-cam minsan, may holding hands, holding hands, but that's pretty much it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEFENDING CARLA. Dahil halos araw-araw nga silang magkasama ni Carla kaya he's one of the best persons siguro na makakapagsabi kung may pagbabago na sa ugali ng kanyang eading lady. May balita kasing nagtataray na raw si Carla sa set.

Madedepensahan ba ni Geoff si Carla sa mga ganitong isyu?

"I guess I'll gonna be in the frontline when it comes to defending her. Wala talaga... walang pagbabagong nangyayari. Ang nakikita ko lang sa kanya is mas kumportable na talaga siya sa ginagawa niya. Like for example, may pupuntahan kami, hindi na lang siya yung mauupo in one corner. Now, she speaks her mind. Mas relax na siya with the people. She's more loose, she's more her now than when she was starting."

Sabi rin ni Geoff, wala raw sa ugali ni Carla ang magtaray.

"Never, wala talaga. It's not in her nature. Kahit kanino, kahit kunwari nagkukuwento siya na, 'Naiinis ako kay ganito...' Naiinis, yes, pero wala, wala sa mukha niya. Hindi ipapakita sa 'yo na naiinis siya. She's very professional when it comes to those things."

Would he say na misinterpreted lang si Carla?

"Yeah, especially those who don't know her. Kasi, ang dami naman na puwede siyang makita one time, hindi naman siya nakausap. And then, first impression sa kanya, masama na. Marami na, e. It happens all the time.

"Even with me, first impression sa akin, masungit, mayabang. But when they get to know me, nag-iiba rin naman ang iniisip nila," pahayag ni Geoff.

Another issue on Carla ay ang pagpapaskil daw nito ng mga reminder sa set, gaya ng "No Internet," "Walang Maingay," among others. Dahilan para mag-react at paringgan daw siya ng isang senior co-star nila.

Ano nga ba ang totoo rito?

"Actually, nakakatawa nga yun. When I get to taping, nandoon na yun. Kasi sa standby area namin where usually everyone is, nagiging maingay dahil may mga taong pumapasok, nanggugulo lang. Tumatambay, nagpapa-aircon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, siyempre, ang artista naman, as much as possible, may quiet time, nakakapagpahinga. Kaya nga may standby area para makapagpahinga kami. But there are times nga na hindi nangyayari yun. So, parang warning lang na if you'll stay in the standby area, respect everyone around you na pahinga lang," paliwanag ni Geoff.

Pero may nagsasabi naman kung si Carla ang tila nagbabawal na walang mag-ingay, sila naman daw ni Geoff ang harutan nang harutan sa set, na ikina-react na raw ng senior star na kasama nila sa show.

"Hindi naman... Ako, wala naman akong naririnig na ganyan. Wala naman siyang hinihirit na ganoon. So, I don't know where that came from. Kasi ako nga, noong makita ko yung isinulat niyang yun, natawa pa nga ako kasi funny. It's true.

"Natawa ako at nakyutan ako sa ginawa niya. Parang warning for all the people kasi nakakatawa pa nga ang isinulat niya. Kasi, may Wi-Fi sa pinagte-teypingan namin kaya sabi pa niya, 'Sige, puwede rito yung mga nag-i-Internet.' May smiley pa nga."

Dahil mas matagal na siya sa showbiz, binibigyan ba niya ng advice si Carla on what to do and how to behave on the set?

"Oo. I do naman, I do naman. Alam naman niya 'yan and she knows how to respect and treat everyone around her. Actually, there's no mean bone in her," sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN