Rey "PJ" Abellana advises daughter Carla to stay away from romance as she builds showbiz career

"Medyo in-advice ko sa kanya 'yan na as much a possible, be neutral, stay away from commitments muna dahil mas magiging satisfying sa iyo yung ganung sitwasyon. Out of my experience before. Ang producer bumabase sa publiko natin, kung ikaw ang demand nila o hindi. Kung may boyfriend, papaano ka ipapares sa ibang leading man?" says Rey "PJ" Abellana about his daughter Carla.


Sa bagong epsiode ng SRO Cinemaserye Presents ng GMA-7, ang "Carinderia Queen," magsasama sa unang pagkakataon ang dating matinee idol na si Rey "PJ" Abellana at ang anak nitong si Carla Abellana.

Unang napabalita na mag-ama ang gagampanang papel nina PJ at Carla rito sa "Carinderia Queen," tulad ng role na gagampanan nina Gina Alajar at Geoff Eigenmann, pero nagkaroon ng pagbabago. Mag-ina pa rin sina Gina at Geoff sa kuwento, pero hindi na mag-ama ang papel nina PJ at Carla.

Hindi naman daw na-disappoint si PJ sa pagbabagong naganap sa kuwento.

"In a way, na-surprise ako dahil... In the sense na bakit pa kami—just my personal thought—na bakit pa kami pagsasamahin na hindi naman kami mag-ama dito? At the same time, not only us, Carla and me, but also on the other hand, Geoff and Gina na mag-ina dito

"But then, alam mo, matagal na rin ako sa show business. So, sanay na rin tayo na ang production, mahilig maglaro sa mga eksena 'yan, e. So, naintindihan ko na rin 'yan. At the same time, wala akong disappointment. Na-surprise lang ako, pero disappointment-wise, wala tayo niyan kasi may mga reason lahat 'yan, e," pahayag ni PJ sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng "Carinderia Queen" sa 17th floor ng GMA Network Center kahapon, November 8.

Pero tiniyak ni PJ na magkakaroon pa rila sila ng mga eksena ni Carla together.

"Meron, meron din," banggit niya. "Dahil magiging DI [dance instructor] ako dito nila Gina and Melanie Marquez, na nanay niya [Carla], may trayangulo tayo dito. Mag-best friend yung dalawa [Gina and Melanie] diyan, magkakagulo dahil may trayanggulong mangyayari diyan. So, riot 'yan.

"So, tingnan natin, tingnan natin. At saka para hindi na rin giveaway masyado, na mag-ama rin kami diyan. May pambitin nang konti kaya okay lang sa akin. I take it the positive way, of looking at it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PJ AS CARLA'S DAD. Kumusta naman ang maging tatay ni Carla sa totoong buhay?

"Ako, very thankful ako, of course!" sambit ng 80'smatinee idol. "I always pray for everything. Very thankful ako na everything is turning properly naman and very, very good... positive.

"Sa nakikita natin, very positive naman ang result ng programming ng GMA sa dalawa, kina Carla at Geoff. It's working positively, so nothing to comment about. So I just wish na maging continuous ang programming ng GMA.... and, at the same time, magkatulungan ang dalawa, ang production, ang station... At the same time, to the talents and for everybody, the public."

Sa pagpasok ni Carla sa showbiz, wala pa naman daw narinig si PJ na intriga tungkol sa anak niya na ikinagalit ng aktor.

"So far, wala pa. So far, wala pa naman. E, sanay na tayo diyan sa mga intriga, e. To that extent na hindi lang naman ako sanay sa intriga na against me or tungkol sa akin, but, you know, overall. Supposedly, very much aware na tayo diyan sa flow ng show business when it comes to intrigues, e. Yun, hindi yun nawawala.

"Si Carla naman, I could rely on Carla on her own. Si Carla is very much alert and intelligent enough to weigh things out na whether to take it seriously or to take it lightly, na tawanan na lang niya kapag may intriga.

"At the same time, on the side, siyempre nandiyan tayo. Naka-stand by tayo diyan anytime, siyempre, na um-assist sa anak ko. Most especially ang feeling ko na relaxed ako dahil, at least, taga- show business din ako.

"Ang sitwasyon ng anak ko sa show business, kung anumang sitwasyon ng anak ko or trouble na maranasan niya diyan along the way, e, at least, ang awareness ko, at the same time, show business din. Na I'm sure makakapag-guide tayo ng 100 percent sa kanya," saad ni PJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CARLA'S LOVELIFE. Bilang ama, nag-uusap ba sila ni Carla about her lovelife?

"Honestly, sasabihin ko na ito, ha... Nakakapag-advise ako diyan kay Carla, na out of my experience in show business, it's better off na wala kang commitment para mas flexible ka sa trabaho mo, sa feelings mo, sa makakasama mo. Na kahit kanino ka i-pair off, walang conflict sa iba't ibang level sa publiko, sa mga followers, sa audience. Very much relaxed sila na wala kang commitment... Kapag pinanonood ka, kahit sino kapareha mo, wala silang iniisip na, 'Ay naka-stuck up 'yan kay ano, e. Girlfriend na 'yan ni ano, e!' Di ba? Kapag malaya ka, mas relaxed ka sa lahat. Yung audience, yung production, at the same time, yung sarili mo, sa co-actors mo, mas relaxed ka.

"Sa experience ko 'yan. So, medyo in-advise ko sa kanya 'yan na as much a possible, be neutral, stay away from commitments muna dahil mas magiging satisfying sa iyo yung ganung sitwasyon. Out of my experience before. Ang producer bumabase sa publiko natin, kung ikaw ang demand nila o hindi. Kung may boyfriend, papaano ka ipapares sa ibang leading man?" paliwanag ni PJ.

Kapwa sinabi nina Carla at Geoff na wala silang relasyon, na magkaibigan lamang sila. Paano kung dumating ang point na maging mag-on ang dalawa, ano ang magiging reaksiyon ni PJ?

"I guess at this point, magiging disadvantage 'yan para sa kanila dahil, unang-una, nag-uumpisa pa lang sila. E, so far, ang image nila, the team-up of the two... Hindi naman natin masasabing all the way, e, silang dalawa lang ang ipapares lagi. Ang mga kasunod na projects, e, ipapares ka na sa iba. So, para walang inhibitions ang publiko at ang production na kung ipares ka sa iba, may chances of making it click again with another partner, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ang payo niya sa dalawa ay huwag munang magkarelasyon?

"Ang masasabi ko at this point, e, mas maganda na malaya ka muna," sagot ni PJ. "Loose, no commitments, para loose din ang lahat para sa iyo at para mas may excitement, mas relaxed, mas thrilling.

"Nag-uumpisa ka lang. Ako, I've been in the business for 27 years. So, itatanong ko sa inyo, itatanong ko sa kanila: 'Tatagal ba kayo ng itinagal ko sa showbiz?' Iyan ang kuwestiyon, 'Hanggang saan ang aabutin ninyo dito?' So, pag umabot ka ng 27 years, maraming kung anu-anong pagdadaanan mo nun, trials and everything. You know, it's a matter of surviving or not.

"Kaya dapat career muna because showbiz is not given a lifetime. Chances in showbiz are not given all throughout your life. Minsan, isang beses lang ibibigay sa iyo. Kapag hindi mo pa ginrab, next time baka ayaw nang ibigay sa iyo."

Pero okay ba si Geoff kay PJ?

"Oo... Oh, yes, yes!" bulalas ng ama ni Carla. "May konting background ako, may konting knowledge ako kay Geoff. Nakasama ko na 'yan sa isang pelikula dati. Mabait na bata naman at saka kilala ko ang mga parents niyan."

Kahit daw hiwalay na ang mga magulang ni Geoff na sina Gina Alajar at Michael de Mesa, napalaki raw naman nila nang maayos si Geoff at mga kapatid nito.

"You know, knowing na may mga nangyari nga, which is natural that happens also... You know, nangyayari din sa akin 'yan. But then, yung pagpapalaki sa mga anak nila, maayos, sigurado akong maganda," sabi ni PJ Abellana, na hiwalay rin sa ina ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN