Niña Jose is proud of her natural assets

"I'm proud of my eyes, my nose, my lips, my legs, and my boobs. I'm really happy with what God has given me, and I think people should be like that," says the new Tanduay Calendar Girl for 2010, Niña Jose.


Matapos mag-pose para sa dalawang magasing panlalaki, kalendaryo naman para sa isang brand ng alak ang kinarir ni Niña Jose.

Nagkaroon nga ng press launch para kay Niña ang Tanduay para ipakilala ang kanyang pagiging Tanduay Calendar Girl for 2010. Agad na tinanong si Niña kung ano ba ang kaibahan ng pag-pose niya sa kalendaryong ito sa ginawa niyang pagpapa-sexy sa dalawang magasing panlalaki noon.

"The magazine, it lasts for a month lang, kumbaga. This one, it will last for a year. And hopefully, when you're a Tanduay Girl, parang...you're a legend ka raw," pagmamalaki pa ni Niña. Honored daw siya na siya'ng kinuha ng Tanduay people para sa 2010 calendar nito.

Sabi naman ni Andres Co, Senior Vice President for Sales and Marketing ng Tanduay, si Niña ang kanilang pinili sa marami rin namang pinagpilian nilang susunod na Tanduay Calendar Girl pagkatapos ni Bangs Garcia (Tanduay Calendar Girl for 2009). Anito, ang mga kabataan noon na sumusubaybay kay Niña noon sa PBB na mga adults na ngayon ang target nilang consumers.

"We know Niña has fans that remained loyal to her ever since her PBB time. Those fans of hers will now be the new Tanduay buyers. Plus mabait siya, easy to work with. And we know she is a good endorser for Tanduay," dagdag pa ni Mr. Co.

South Beach diet at boxing daw ang pinagdaanan ni Niña bilang paghahanda sa kanyang pictorial for Tanduay. "Mabilis kasi ako pumayat, e. So I did it for a month. So ayun, naging sexy naman ako in time. Ha-ha-ha!" kuwento pa ni Niña.

Sa ngayon, 36-26-37 daw ang vital statistics ni Niña. Proud din niyang sinabi na walang retokado o dumaan sa doktor sa kahit anong parte ng kanyang katawan at mukha. Natural daw ang lahat sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm proud of my eyes, my nose, my lips, my legs, and my boobs," natatawa pero nagmamalaking pahayag ni Niña.

"I'm really happy with what God has given me, and I think people should be like that," sabi pa ng 21-year-old na dalaga. "Maging ito [sabay turo sa kanyang dibdib], totoo yan.

"Yung nanay ko kasi, maganda talaga siyang babae and malaki talaga iyong hinaharap niya, so nagmana ako sa kanya," natatawa pang dagdag ni Niña.

Proud daw talaga siya sa katawan niya at kahit na alam niyang kung saan-saan na makikita ang kaseksihan niya—likod ng delivery trucks, kuwarto sa boarding house ng mga lalaki, mga sari-sari stores at iba pa—wala raw siyang pakialam.

"Be proud of what you have! At yung mga titingin, mga magpapantasya, hanggang pantasya lang naman sila. Hanggang tingin lang sila. So okey lang."

Kasama si Niña sa indie film na Dreamguyz at sa Mano Po 6. Sexy na rin ang presentation sa kanya sa mga pelikulang ito. Handa na ba siyang mag-bare nang husto sa pelikula?

"Sa Dreamguyz may love scenes po ako. Pero love scenes lang. Hindi pa po ako handang mag-bare nang husto. May limitations pa rin. Two piece o lingerie pa rin po. Maybe one day, when I am ready.

"Sa Mano Po, may love scene din kami ni Dennis Trillo, pero suggested lang. Hanggang kissing scene lang, kasi siyempre po family-oriented yung movie."

CLICK HERE para mapanood kung ano masasabi niya sa kissing scene nila ni Dennis. May mga komento rin si Niña tungkol sa dalawang lalaking tipo niya—Gerald Anderson at Dingdong Dantes. Nagkomento rin siya tungkol kina Marian Rivera, Kim Chiu, ang Kimeralds at kung sino ang the best kisser para sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN