Sarah Geronimo willing to let go of supposed project with Gerald Anderson to mollify Kimerald fans

Last November 7, Sarah Geronimo held a jampacked concert at the Big Dome. Her idol Regine Velasquez and fellow performers Yeng Constantino, Jonalyn Viray, Rachelle Ann Go were there.


Labis na ikinatuwa ni Pop Princess Sarah Geronimo ang pagdalo ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa kanyang concert na Record Breaker sa Araneta Coliseum last November 7.

Matatandaang naging mentor ni Sarah si Regine noong sumali ito at nanalo sa singing contest na Star For A Night, kung saan naging host ang Songbird. Nagkasama rin ang dalawa sa SOP bago lumipat si Sarah sa ABS-CBN at naging isa sa main stars ng ASAP.

"Mahal na mahal ko si Ms. Regz. Ang sarap nung feeling na ang Asia 's Songbird... na pinanood ka, pumunta dito sa Araneta para panoorin ang isang baguhan lang na katulad ko. Talagang ang sarap-sarap po talaga ng feeling," masayang sambit ni Sarah sa interview sa kanya ng The Buzz matapos ang concert na ipinalabas last Sunday, November 8.

Isang sorpresa kay Sarah ang pagdating ni Regine kaya't bumaba siya sa stage at pumunta sa kinauupuan ng Songbird habang kumakanta ng "You Changed My Life." Mangiyak-ngiyak si Sarah nang sabitan siya ni Regine ng suot nitong pearl necklace.

"Kasi wala akong flowers, e. I want to give her something. So, I gave my pearls and that's my favorite," paliwanag ni Regine sa interview ng The Buzz.

Binati rin ng Songbird ang kanyang protégé. "Congratulations! I'm very, very proud of her," ani Regine.

Panibagong tagumpay na naman ang tinamo ni Sarah dahil jampacked nga ang kanyang concert. Sa lahat ng sumuporta sa concert niya, ito ang mensahe ni Sarah:

"Thank you very much for making this a record-breaking event sa akin pong career, sa akin pong journey in this business. Maraming, maraming salamat po sa pagmamahal ninyo. At mahal ko rin po kayong lahat."

KIMERALD ISSUE. Samantala, hinarap naman ni Sarah ang intrigang ibinabato sa kanila ni Kim Chiu. Hanggang ngayon, pinagtatapat at pinagbabangga pa rin silang dalawa. Nagsimula ang lahat noong napabalitang pansamantala munang bubuwagin ang love team nina Kim at Gerald Anderson, at itatambal ang huli kay Sarah sa isang movie. Ito ang naging dahilan ng bangayan ng mga fans ng magkabilang kampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natuwa naman ako sa gestures ng mga supporters ko. Siyempre, nagre-react din sila kapag feeling nila masyado nang marami na nasasabing hindi maganda sa akin," pagtatanggol ni Sarah sa kanyang mga fans.

Nilinaw rin ni Sarah na hindi siya galit sa mga Kimerald fans. Huwag na raw magalit sa kanya ang mga fans nina Kim at Gerald dahil kung sa gulo lang hahantong ang lahat ay mas mabuti pang hindi na raw matuloy ang tambalan nila ni Gerald.

"Naiintindihan ko lahat yung mga fans ng Kimerald. Wala sa akin yun. Hindi ko po ipinagpipilitan ang sarili ko na makapareha si Gerald. Wala na, tapos na po. Ako na po mismo ang nagsasabi na itigil na natin kasi hindi na maganda yung nagiging resulta. Huwag nang ipilit," paliwanag ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN