Dionisia Pacquiao admits she's happy and a bit scared about her fame

The life of Pacmom Dionisia Pacquiao changed drastically with her numerous endorsements, TV guestings, and now a movie project. But she stresses that she remains unfazed. "Hindi pa ako nagbabago," she assures fans.


Dahil na rin sa kasikatan ngayon ng ina ni boxing champ Manny Pacquiao na si Nanay Dionisia ay nag-level up na rin ang mga intriga sa kanya. Matapang naman niyang hinarap sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, November 8, ang mga matitinding tanong ng co-host na si Kris Aquino sa "Tough Ten" segment ng show.

Tough Ten Question No. 10: Kung bata pa po kayo at this moment, let's say you're in your thirties, sino po sa apat na ito sa palagay ninyo ang bagay sa inyo—Piolo Pascual, Jericho Rosales, Sam Milby or John Lloyd Cruz?

"Lahat sila idol ko kasi parang kapatid... Kung bata ako, talagang parang kapatid ko lang sila," mahiyaing sagot ni Nanay Dionisia.

Pero pinilit pa rin siya ni Kris na pumili ng isa na talagang pinakagusto niya.

"Sinalita ko na kung may pelikula pang iba, gusto ko siya naman ang maging kasama ko, si Piolo Pascual," sagot ni Nanay Dionisia, na ikinatili ng mga tao sa studio ng The Buzz.

Ibinuking naman ni Kris na nagbago na nang gusto si Nanay Dionisia dahil two days ago ay si Jericho ang gusto niya, pero that day ay si Piolo na nga.

Tough Ten Question No. 9: Gaano na po kayo kayaman: A. Tamang yaman or B. Super-megaduper yaman?

"Tamang-tama lang ang yaman," pa-humble na wika ni Nanay Dionisia.

Pina-explain naman ni Kris kay Nanay Dionisia ang sagot niya.

"Bilang simple lang na hindi naman sobrang mayabang na yaman. Tamang-tama lang."

Nag-follow up question naman si Kris kung totoo bang niregaluhan daw siya ni Manny ng bahay sa Dasmariñas Village o sa Forbes Park?

"Hindi naman, sa GenSan [General Santos City], may ipinagawang bago. Dito, hindi naman ako nagsagot sa kanya. Sabi ko sa GenSan lang ako. Dito parang bisita lang ako kasi, marami nang bahay si Manny dito, marami nang nabili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tough Ten Question No. 8: Kumanta po kayo noong isang araw ng isang song ni Imelda Papin. Kung meron po kayong kanta para sa mga fans, ano po ito?

"Kasi mahilig ako na... may favorite ako na song kay Imelda Papin pero hindi ko pa [siya] nakita sa personal."

Dito nag-segue si Kris sa pag-introduce ng VTR ni Imelda Papin, na kasalukuyang nasa U.S., para kay Nanay Dionisia. Sa VTR ay nagpapasalamat si Imelda na siya ang idolo ni Nanay Dionisia at sinabi pang magkita raw sila pagpunta ng States ni Nanay Dionisia.

Tuwang-tuwa naman si Nanay Dionisia sa napanood niyang VTR at aniya pa, "Kahit matulog ako, nandiyan lagi ang boses niya. Hindi niya lang alam na paborito ko siya talaga."

Tough Ten Question No. 7: Sa palagay n'yo po, sa anong klase pong lalaki kayo ma-i-in love: A. Kasi mahilig kayong sumayaw, so sa D.I. (dance instructor), B. Sa isang atletang boksingero, or C. Sa isang artista na magaling kumanta?

"Idol kong artista na ang galing kumanta... yung magaling kumanta."

Tough Ten Question No. 6: Kung dadaanin n'yo po sa sayaw ang buhay n'yo ngayon, anong klase po ang sayaw ninyo?

Sa puntong ito ay kinailangang isayaw ng The Buzz co-host na si Boy Abunda si Nanay Dionisia sa pinili niyang sayaw ng buhay niya ngayon—ang cha-cha.

Tough Ten Question No. 5: Pilit kayong laging iniintriga sa daughter-in-law ninyong si Jinkee Pacquiao. Meron po bang matinding bagyong namagitan sa inyo?

"Wala naman," bulalas ni Nanay Dionisia. "Hindi totoo 'yan. Maraming intriga? Siyempre sa mag-ina, sa manugang ko, marami kaming intriga talaga [dahil] sa sobrang sikat. Ngayon lang [dahil] sa sobrang sikat na kami."

Dagdag pa ni Nanay Dionisia, okay naman daw sila ni Jinkee.

"Okay naman. Hindi totoo yung mga tsismis. Handa akong tanggapin hindi man totoo. No problem sa akin kasi hindi naman totoo na ginagawa. Basta sikat, ang daming mainggit," matinding pahayag ni Nanay Dionisia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tough Ten Question No. 4: Maraming babaeng nali-link kay Manny, katulad na lang po nina Ara Mina at Krista Ranillo. Ano po ang gusto ninyong sabihin do'n sa mga intrigang iyon?

"Yung mga intriga, hayaan mo lang ang mga intriga kasi lalo na't sumisikat ang anak ko kasi, 'andiyan ang kagalingan niya, ang daming humahanga sa kanya lalo na sa mga babae. Ang daming mag-intrigang salita... hindi ginagawa ng anak ko iyan. Hindi totoo 'yang mga balita. Lalo na pati si Jinkee, sabi ko, 'Wag na kayong maniwala sa balita kasi sikat ang mister mo.'"

Di ba po sinabi n'yo po kay Jinkee na, "Ikaw ang queen. Ikaw ang reyna"?

"Yes, sabi ko, 'Ikaw ang pinakareyna ng General Santos, sa tahanan ni Manny. Ikaw ang reyna namin. Ikaw ang nakita ko palagi sa puso niya.'"

Tough Ten Question No. 3: Ang puso n'yo po ba, kaya pang magmahal?

"Tayo na buhay pa, nandiyan ang pagmahal natin, hindi nawala. Pero ang pagmamahal ko, dun ko na ilagay sa mga anak ko, sa mga apo ko, at sa mga manugang ko, lalo na sa mga fans ko. Ang daming nagmahal sa akin," sabi ni Nanay Dionisia na talaga namang pinalakpakan ng studio audience.

"May nanliligaw po ba sa inyo ngayon?" pahabol na tanong ni Kris.

"Baka may nakarinig ngayon, baka magsabi sila, 'Sinungaling talaga si Mommy D!' Maraming nanligaw sa akin. Hindi matapos hanggang ngayon. Kasi wala akong asawa na makita sa mundo," tugon ni Nanay Dionisia.

Ani Kris, "Akala ko nga ho patay na siya, e. Ano ho ba, hiwalay kayo?"

"Oo."

Annulled?

"Hmm... pero depende sa akin," sabi ni Nanay Dionisia. "Sinabi na nga sa interview sa anak ko, 'Ano, Manny, payag ka ba ang mama mo...' Sabi niya, 'Wala, hindi ako makialam sa puso ng mama ko. Alam ko bright ang mama ko. Ngayon lang mag-asawa siya may edad na. Nung sa bata-bata pa hindi siya nag-asawa e.' Wala na akong time diyan. Bukod sa dancing, 'andiyan na ang pagmamahal ko sa dancing...I'm happy," deklarasyon ni Nanay Dionisia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talaga po?

"Yes, totoo 'yan."

Ilang taon po kayo ngayon?

"Sixty na."

Puwedeng-puwede pa?

"Hindi. Sixty years old na ako. Ayoko nang maulit yung saktan ang puso ko!" natatawang wika ni Nanay Dionisia.

How old were you po noong mahiwalay kayo?

"Line of four pa, 42."

Tough Ten Question No. 2: Puso sa puso, kung hindi po kayo nagkaroon ng anak na Many Pacquiao, na tinitingala ng buong mundo ngayon, anong klaseng buhay kaya ang meron kayo ngayon?

"Baka sa kahirapan kung wala itong buhay na ibinigay ng Panginoon sa amin ngayon. Siyempre, ang puso na mabuti at maganda, iniingatan ko talaga para magkaroon kami ng ganitong buhay," madamdaming sagot ni Nanay Dionisia.

Tough Ten Question No. 1: Kung meron po na isang malaking pagkakamali sa inyo pong nakaraan na puwede n'yong balikan at baguhin, meron po ba, at bakit?

"Sa palagay ko, sa isip ko, wala akong nagkamali. Hindi ako nagkamali na ano. Wala akong ma-remember na nagkamali. Wala akong naramdaman na ako nagkamali sa buong buhay ko, wala. Alam ng Panginoon na malinis, na mahusay, na mabait, maunawain, mapagmahal sa kapwa-tao. Kung hindi pa ako mabait, hindi ganito ang feeling ko sa lahat ng mga tao. Kahit ganito na mataas na kami, ang tingin ko sa mga tao parang [yun] pa rin ang tingin ko sa tao. Hindi ako nagbabago," makabuluhang tugon ni Nanay Dionisia.

How does it feel po na sikat kayo? Masarap?

"Masarap pakinggan ang daming magsigaw na, 'Idol kita!' Iba talaga ang feeling ko ngayon sa noon. Iba talaga, may katakutan na ngayon. Hindi tayo makalakad na mag-isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN