Ai-Ai delas Alas plans to do "soul-searching" in Europe

Tomorrow, November 11, the Comedy Queen will turn 45. Ai-Ai delas Alas says she feels blessed because, aside from a wonderful career, she has wonderful kids.


Bukas, November 11, may dalawang kaganapan sa buhay ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas—una, ang kanyang birthday; pangalawa, ang showing ng pinagbibidahan niyang movie, Ang Tanging Pamilya, with former President Joseph "Erap" Estrada. Makakasama rin niya sa Star Cinema project na ito sina Toni Gonzaga, Sam Milby at introducing si Aling Dionisia Pacquiao.

Sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, November 8. Binigyan siya ng tribute kung saan binati siya ng mga non-showbiz friends niyang sina Jerry Catama, Joey Atienza at Bro. Bo Sanchez, gayundin ang mga showbiz friends naman niyang sina Dennis Padilla, Arnel Ignacio at Direk Wenn Deramas, na direktor ng kanyang pelikula. Siyempre, hindi nawala sa mga bumati ang dalawang binatang anak ni Ai-Ai na sina Nicolo at Sancho.

Naging emosyonal ang komedyana nang marinig ang mga mensahe ng dalawang anak. Kausap ang mga hosts na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez at Kris Aquino, lumuluha pa habang nagsalita si Ai-Ai. Narito ang kanilang naging pag-uusap.

Ai Ai: Pasensya na naiyak ako sa mga anak ko.

Boy: Ano ang pakiramdam noong narinig mo si Sancho na nagsasabing, 'We will take care of you.' And when he graduates sa college ay 'tutulong ako sa pagpapaaral sa aking mga kapatid.'

Kris: Parang you've done something right in this world...

Ai-Ai: Oo naman, Friendship.

Kris: Kasi, di ba, pag ganun kabubuti ang mga anak mo.

Ai-Ai: Nagpapasalamat nga ako kay God kasi tinulungan niya akong magpalaki ng mga mabubuting anak. At saka wala naman talaga akong kaagapay talaga. Si God lang at saka si Mama Mary, so thank you sa kanila dahil mahal ako ng mga anak ko and parang napalaki ko naman sila nang maayos.

Ruffa: And close din kayo.

Ai-Ai: Sobra.

Boy: Alam mo, more than the message it is the way they said the messages na, 'Mom, nandito kami, aalagaan namin ikaw at tutulungan ka namin.' Iba, e, iba ang dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AI-AI'S DAUGHTER. Ipinaliwanag naman ni Ai Ai kung bakit hindi nakapagbigay ng message ang anak niyang babae na si Sophia.

Ai-Ai: Yung mga boys, talaga sobrang sweet yun. Nagtataka po kayo siguro wala yung baby girl ko. Parang probinsyana po iyon, alas otso ng gabi, tulog na yun. Kasi sinanay ko siya nang ganun para hindi siya lumalabas ng bahay.

Ruffa: Dapat pala iyan ang gawin ko kina Lorin and Venice [mga anak ni Ruffa].

Kris: Wait, eight o'clock tulog na, anong oras nagigising?

Ai-Ai: Five o' clock kasi may pasok siya.

Kris: E, pag weekend?

Ai-Ai: Nasanay siya ng ganun, so ganun na yun.

Ruffa: Papaano mo ginawa yun?

Kris: Naku, Friendship, tulungan mo ako kasi si Baby James, 1:30 am, gising pa.

Ai-Ai: Lumaki na siya ng ganun. Basta pag me topak na siya ng 7:30, alam ko na pinapatulog ko na siya.

Boy: Ikaw ba nung bata ka, natutulog ka rin ng alas otso ng gabi?

Ai-Ai: Hindi, Ama, alas otso ng umaga. Kangkarot ako, e.

ERAP'S CHOICE. Naunang nag-guest si President Erap kay Ai-Ai sa The Buzz that day at muli ngang inungkat ni Kris ang tungkol sa pagkakapili ni Erap kay Ai-Ai over Aling Dionisia na gusto nitong mapangasawa kung single ang dating Pangulo.

Kris: Friendship, sandali, na-flatter ka ba nung sinabi ni President Erap na ikaw ang pipiliin niyang pakasalan kung ang choice ay ikaw o si Nanay Dionisia?

Ai-Ai: Ano ba naman, wala ba namang choice? Diyosko naman, dapat ako naman talaga ang dapat piliin niya. Ako ang leading lady niya, e.

Ruffa: I love Mommy D, pero mas juicy naman si Ai.

Ai Ai: Oo naman, Ruffi.

Kris: Oy, pero kung ang pondo sa eleksyon ang pag-uusapan, I'll pick Nanay Dionisia.

Ai-Ai: Oo, korek kasi wala naman akong bilyones.

ERAP'S KISS. Isa rin sa mga napag-usapan nila ay tungkol sa kissing scene nina Erap at Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: Nung tinanong ko naman siya tungkol dun sa halikan, parang nahirapan siya. Sabi namin in a scale of one to 10, 10 being the highest as a kisser, nahirapan siya.

Ai-Ai: Bakit ayaw niya akong i-rate? E ,nung naghahalikan kami, dapat ang instruction ganito, ganyan smack-an tapos gaganunin ko siya so maglalapat yung labi namin.

Ruffa: Ano ang ginawa niya?

Ai-Ai: Binaon niya yung labi niya sa akin. Sabi ko, 'Papa, bakit mo binabaon yung lips mo?' Sabi, 'Hindi, ha.' Hindi raw, dinedenay.

Ruffa: Masarap ba si Papa Erap humalik?

Ai-Ai: Malambot ang lips niya.

Ruffa: And parating mabango.

Ai-Ai: Ay, grabe. Pag yung hinawakan ka niya, yung buong pagkatao mo ganun na ang amoy. Maraming babaeng naloloka sa kanya.

Ruffa: Alam mo, Tito Boy, parang ang feeling ko si Ai-Ai naloloka na rin kay Erap kasi I watched ASAP and nagbu-beautiful eyes ka rin sa kanya.

Kris: Korek! Bakit ka nagpapa-cute doon, Friendship? Kaloka ka.

Boy: Magsabi ka ng totoo.

Ai Ai: Ama, kailangan ko ng baon sa Europe . Kailangang magpa-cute sa kanya.

GOING TO GREECE. Dahil nabanggit na ni Ai-Ai ang pagpunta niya sa Europe, tinanong din siya ng tatlong hosts tungkol dito.

Kris: Ano ang gagawin mo sa Europe? May show ka?

Ai-Ai: Wala, wala akong show. Ano lang, soul-searching?

Boy: And where are you going?

Ai-Ai: Somewhere...

Ruffa: Sa Greece!

Ai-Ai: Ikaw, sampalin kita Ruffi... Ito kasi, ang daldal nito, e.

Boy: Hindi mo pa sinasabi sa akin 'yan, ha.

Ai-Ai: Pupunta ako ng Turkey, aakitin ko si Yilmaz [Bektas, ex-husband ni Ruffa].

Ruffa: Sige, akitin mo na.

Ai-Ai: Sinong gusto mong akitin ko, si Yilmaz o si ano?

AI-AI'S TATTOO. Para makaiwas ay pinansin na lang ni Ruffa ang tattoo ni Ai-Ai sa kaliwang braso nito.

Ruffa: Ano ang ibig sabihin ng tattoo mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ai-Ai: AGAPE, highest form of love. It's "unconditional love" sa mga bagets. Charing!

Boy: Sino ang masarap magmahal, bagets o yung may edad?

Ai-Ai: Kung gusto mo ng security, siyempre yung may edad. Pero kung gusto mo ng fun and insecurity, dun ka sa bagets.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN