Angelu de Leon describes lovelife as "minsan masaya, minsan hindi"

In the '90s, Angelu de Leon's tandem with Bobby Andrews was phenomenal. And whenever she looks at the current hot love teams today, Angelu can't help but quip, "Ganyan ba kami noon?"


Dumating si Angelu de Leon kagabi sa Robinsons Galleria para sa premiere night ng kanyang bagong pelikula, Hellphone, na ipalalabas na sa mga sinehan bukas, November 11. Ayon kay Angelu, nag-enjoy naman siyang gawin ang movie lalo pa't second time na niyang makatrabaho ang director nitong si Joven Tan, na siya ring gumawa ng Paupahan, na umani ng maraming award.

"Ako, I'm hoping and praying for the movie, whole cast and kay Direk na tanggapin din siya katulad ng Paupahan. Kasi, lahat naman ng pelikula, pinaghihirapan. Lahat naman ibinibigay ang best and parang, siyempre, lahat kami, gusto naming makita ng tao na pinaghirapan namin at hindi lang siya basta-bastang pelikula," bungad ni Angelu.

Ano naman ang pagkakaiba ng dalawang movie na parehong nakakatakot ang tema?

"I guess, siguro mas gusto namin ang effect nito. Mas gusto namin ang kilabutan kayo kesa sa gulatin lang kayo. Kasi, lahat naman ng movies, ganun, nanggugulat lang. We want this na parang more on manindig ang balahibo n'yo at kahit paano, matakot naman kayong sagutin ang mga cellphone n'yo. Yun ang gusto naming effect," sabi niya.

Kasama ni Angelu na nanood ang panganay niyang anak na si Nicole, na ayon sa kanya'y mahilig daw sa mga horror films.

"Favorite niya ang horror film, except my second, kaya wala siya rito ngayon," sabay bilin na hindi nga lang daw puwedeng kuhanan ng TV camera ang anak or else, baka mapagalitan siya ng eskuwelahan nito.

Given the chance, payag ba siyang mag-artista ang anak nila ni Joko Diaz?

"Alam n'yo, wala akong ipinagbabawal sa kanila. Pero gusto ko lang sana, maging normal yung lifestyle nila, yung group of friends nila, at siyempre, yung matutukan nila most importantly yung pag-aaral."

Charge it to experience na rin daw kasi. Ang paliwanag ng aktres, "I started young in showbiz, so, I started na hindi na ako halos nakatuntong ng college. Na-sacrifice ko pa yung high school life ko. After kong mag-graduate ng grade school, nag-work na ako ng full-time. Pero, iba pa rin, e. Iba pa rin ang makagawa ka ng bond with your schoolmates. Kaya ako, hangga't maaari, gusto ko lang na normal ang buhay nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpakita na ba sila ng interes sa showbiz?

"A, hindi, gusto lang niya pinapanood. Nagkakaroon lang sila ng interes pero, alam naman nila where I stand. Pero, like kung vacation at may fashion show, sige, yung ganoon. Meron silang interes but I just have to balance it for the sake of, you know, everyone's life," sagot ni Angelu.

Hindi naman siya natatakot if ever dumating ang time na magsabi ang mga ito na gusto na ring pasukin ang showbiz?

"Hindi, kasi we really talk to each other like, nakikipag-compromise lang kami. Siyempre, poprotektahan mo rin sila dahil yung mga tanong ninyo minsan, baka biglang, 'Nasaan ang tatay n'yo?'" natatawang sabi niya. "E, baka yung mga anak ko, biglang...Ayoko naman," natatawa pa rin siya.

Samantala, kumusta na nga ba ang relasyon ng mga anak niya sa respective fathers ng mga ito?

"With Joko, they are very okay. Lahat naman kami we're all civil. Nagkakausap na sila. May sarili na silang communication. Minsan nagkikita sila, kapag may panahon. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko naman puwedeng ipilit ang mga pagkakataon.

"Kilala ko rin naman si Joko, kung kaya, gagawin. Kung hindi, e, maghintay na lang muna. Mahirap din kasing pilitin. Makakasama ka lang ng loob. Naa-appreciate ko rin na kung hindi niya kayang magbigay ng oras, hindi siya nagbibigay ng oras."

Ano ang nakikita niya kay Nicole, wala naman itong bitterness or pain sa sitwasyon?

"Wala...alam n'yo, I'm very, very thankful to God that my kids understand my situation and their situation. Kumbaga siguro, yung takot ko noon na baka hindi niya maintindihan, wala na yun. Kasi ngayon, nasa age na rin sila na puwede ko silang kausapin at puwede nila akong kausapin. Hindi sila galit sa mga tatay nila which is ever since, that's my stand. Na kahit ano pa ang marinig nila, at the end of the day, sila pa rin ang makaka-experience noon sa mga tatay nila. So, they are very okay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVELIFE. Napa-"ha?" at napangiti nang todo si Angelu nang kumustahin naman namin ang kanyang lovelife.

"Minsan masaya, minsan hindi," natatawa niyang sabi.

Hindi niya ba naiisip na kailangan din niya ng katuwang sa pag-aalaga sa mga anak?

"Kailangan talaga is the term?" natatawa pa rin niyang sabi. "You know, I'm not desperate, if it comes, it will come. Ipinagpi-pray ko siya nang mabuti. Siyempre, malaki na rin ang mga anak ko. Unlike before na ako lang ang masasaktan or yung family ko lang dahil sa desisyon ko. Pero ngayon kasi, mas marami nang involved. At especially yung mga involved pa, mga bata pa.

"So, as much as possible, I want it, not naman perfect, pero mas masaya."

Kailangan ba may approval na this time ng mga anak niya?

"Siyempre, parang approval, I think, very important. Hindi naman, packaged deal na 'to, di ba? Get one, take two for free! Parang ganun ang dating, ha-ha-ha! Pero ang ano ko lang naman, siguro may mga taong nag-iisip na the moment na ligawan ako, sila na ang magpapakain sa mga anak ko. Ay, hindi ho...hindi ho ganun. Hindi pa naman ako lumpo para sabihin kong ipaubaya ko sa inyo ang mga anak ko."

Walang-duda na ang sexy ni Angelu ngayon, kaya imposibleng walang nanliligaw sa kanya.

"Baka naman meron, kayo naman," natatawa niyang sabi. "Sabi ko nga, sometimes I'm happy, sometimes I'm not."

E, yung always happy na siya?

"Always happy naman ako kaya nga ako ganito. Pero ano, my lovelife, as much as possible, I tried to secure it or really make it private. He's a very simple guy, businessman."

Gaano na katagal yung happiness na 'yun?

"Matagal-tagal na rin. Hindi ako nagbibilang at hindi ako naglalagay sa kalendaryo na anniversary."

NEW TV PROJECT. Masaya naman si Angelu dahil may bago siyang project sa GMA-7, ang bagong series na magtatampok sa love team nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Noong una, The Last Prince ang sinabing working title nito pero ngayo'y may balitang baka Dadalhin Kita sa Aking Palasyo na, although lahat yun ay tentative pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung Dadalhin...puwede, puwede," sabi naman niya. "Actually, nag-storycon na kami. Maganda siya. It's a fantaserye. Bago siyang script, kumbaga, binuo sila ng creative team namin and is directed by Mac Alejandre. Parang dalawang world. Isang fantasy, isang mortal world, so, maganda. Para siyang semi-Beauty and the Beast meets Cinderella type. So, bago naman sa paningin ng tao."

Ayon kay Angelu, isa siyang masungit na tiyahin na posibleng magpahirap kay Kris. Okey lang ba sa kanya na ngayon ay tila naba-brand na siya as kontrabida?

"Well, I can't complain. Work is work. I guess, if they see me as an effective kontrabida, I'm thankful. Ibig sabihin lang, effective akong actress. Pero, di ba, you like to play different roles once in a while at nangyari naman yun sa Tadyang...girlfriend ako ni Dingdong Dantes, so, ngayon, mag-tiyahin ka naman."

Makukumpara ba niya ang love team nina Aljur at Kris sa tambalan nila nila noon ni Bobby Andrews?

"Parang wala namang abs si Bobby!" natatawa niyang sabi. "At parang hindi naman ganoon kaliit ang baywang ko kagaya ni Kris Bernal! Ha- ha-ha! Pero alam n'yo, nakakatuwang tingnan, like kapag sinasabi nga nila, o, parang sila yung Bobby-Angelu, parang kapag nakikita ko silang sweet, ganyan ba kami dati? Yun lang...para kang tumitingin sa salamin with a flashback."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN