Jericho Rosales says reunion project with Kristine Hermosa was worth waiting for

Says Jericho Rosales about his ongoing project with ABS-CBN, Dahil May Isang Ikaw: "Yung twists ng bawat characters, mahirap imagine-in yung mga susunod na mangyayari. And what I like about that, e, hindi siya predictable. Kahit kaming mga artista nagugulat na, a, ganun ba? Hanep ang istorya 'saka ang gagaling talaga ng mga kasama ko."


Nang pumutok ang balita na nauwi raw sa totohanan ang fight scene nina Lorna Tolentino at Chin-Chin Gutierrez sa Dahil May Isang Ikaw, lumabas agad ang iba't ibang mga kuwento na lalong nagpalaki sa nasabing isyu. Inisip din ng iba na baka maapektuhan ng nangyari ang work atmosphere sa naturang serye.

Pinabulaanan naman ito ng isa sa mga lead star na si Jericho Rosales.

Aniya, "Alam ko naman ang tungkol diyan, may nag-interview na rin sa akin and I can say na di naman sadya sa set yung ganun and I think they fixed it already.

"So far, wala naman akong naramdamanag tension like ang hirap magtrabaho or something kasi professionals naman kaming lahat dun. Nagkaroon na kami ng eksena na magkakasama nila Ms. Chin-Chin, Ms. Lorna together, yesterday lang, and okey naman."

Nasulat din kamakailan na nagbanta raw si Lolit Solis, ang manager ni LT, na magdudulog siya ng reklamo sa PAMI (Professional Artists Managers, Inc.). Ang komento naman ng aktor ay huwag na sanang umabot sa ganoong punto ang nangyari.

Pahayag ni Echo (Jericho's nickname), "I hope not, they're both professionals, I don't think they have to reach that point. Di na kailangan, sayang naman...Bakit pa, di ba?

"Ako, I really wish Ms. LT, Ms. Chin-Chin all the best. I pray for peace for both of them. They're both nice people and I hope that 'wag na mapalaki pa ng ibang tao. Baka kasi magkaroon pa ng maling sabihan. I love them both, e."

Jericho is known for his passion and professionalism. Ayon sa aktor, may mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasang minsan ay pisikal na sakitan sa mga eksena tulad ng fight scenes.

"Maraming beses na akong natamaan, like the bit players, yung stuntmen, nasuntok na ako sa mukha, nasipa na ako ng boots sa dibdib, nahampas na ako ng espada,'yung mga ganun. I think things like that happen. For me, as long as di intentional or something, okey lang. I'm a keeper of peace," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bilis at ganda ng tinatakbo ng istorya ng DMII sa ngayon, maging si Jericho, who plays the character of Miguel, ay excited sa mga susunod pang mangyayari sa istorya.

"Nae-excite din ako, ngayon ko lang naramdaman uli yung pag nagbasa ka ng script, tumitibok ang puso mo sa bilis. Alam mo yung na-e-excite ka kung ano pa ang mangayyari? Apektado ako sa last script namin, ang galing."

After five years ng paghihiwalay nila ni Kristine Hermosa as a love team, masasabi raw ni Jericho na worth it ang ginawa nilang paghihintay at nagkatambal silang muli.

"Worth it but more than that, it's my working relationship with Kristine na na-revive namin nang maayos at maganda. I'm really happy about that," pagwawakas ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN