Christian Bautista wants to focus on his international career next year

"I just laughed about it because it reminds to always do my best also after. At saka, it reminds me na kapag naiisip ko ang position ko ngayon, kahit anong mistakes, puwede kang makaangat dun, puwede kang makabalik at mag-turn around. Huwag mong hayaang mag-stuck lang dun. Yes, nasa record mo na yun, pero puwede mong matabunan yun sa dami ng extra success na puwede mong gawin after that," says Christian Bautista two years after his National Anthem booboo.



Masayang-masaya si Christian Bautista nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 11. In less than a month kasi ay nakatanggap na agad ng Platinum Record award ang kanyang latest and first album under Universal Records, Jose Mari Chan: Romance Revisited. Ibinigay sa kanya ang award sa ASAP '09 noong Linggo, Nov. 8.

"Sobrang nagpapasalamat ako at hanggang ngayon, number one sa local. Naangatan tayo ni Michael Jackson, siyempre Michael Jackson naman, This Is It. Pero natutuwa ako na hanggang ngayon sa local, number one pa rin," pahayag ni Christian.

Ayon sa singer, natutuwa rin siya na for three weeks ay nag-No. 1 ang kanyang album sa ilang record bars, like Music One and Odyssey.

"Marami ang nagtataka, e. Parang, one month, platinum? Parang ganun. Kahit sa mga YouTube, Facebook comment. Kaya ang gagawin na lang ng UR, ipapakita na lang ang chart na heto po. Palagi silang may Xerox. So, yun, nakakatuwa talaga."

Did he expect na ganun kabilis ang magiging sales ng album niya nang i-revive niya ang mga kanta ni Jose Mari?

"Hindi ko ine-expect na ganito kabilis," sagot ni Christian. "Aminin na natin na last year or a few years ago, walang masyadong nangyayaring big for my career except for West Side Story. I still have to work hard. I'm just glad na ang ibang sponsors, like Black Water, kinuha pa rin nila akong endorser even before the album. Nagpapasalamat nga ako sa kanila dahil in a way, na-maintain pa nila ako nang konti with their ads, tapos pumutok pa itong album, nasama tuloy ang celebration."

Naramdaman daw ni Christian na isa o dalawang taon ding medyo slow ang naging takbo ng career niya.

"Feeling ko sa sarili ko, kailangan ko na ng bagong hit. Kaya it's a great move rin, risky na lumipat [ng record label]. Kasi, takot din kami, e. Parang in a way, yung Warner din naman nag-angat sa akin noong first years ko. Kahit natalo ako sa Star In A Million, nag-invest sila sa akin. Pero natutuwa rin ako sa Universal, kahit na medyo wala na ngang nangyayari, they still believed in me, my potential."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTERNATIONAL STAR. Kailan lang din nang magpunta si Christian sa Indonesia for a show and to record the song "Please Be Careful With My Heart" with Indonesian recording artist Bunga Citra Lestari. Ni-record nila ang kanta sa wikang Bahasa.

Sa Malaysia ay may Malaysian artist din siyang makaka-duet, si Noreen Asis.

Ire-release din daw ang album ni Christian sa Indonesia at Malaysia.

"Maganda nga ang nangyayari na iba't ibang countries, iba't iba ang ka-duet na girl!" natatawa niyang sabi.

Sa Indonesia ay sikat na sikat si Christian. Kumusta naman ang reception sa kanya ng mga tao sa pagbabalik niya doon?

"Actually, nag-Valentine's show naman ako sa Jakarta noong February, pero hindi ganoon kalaking TV, unlike nitong two weeks ago. Tapos, parang na-miss ko sila. Parang na-miss din nila 'ko. Ang Indonesia kasi, parang second home ko na. Actually, kaya kong tumira dun.

"Pero siyempre, dapat smart din ako sa bawat galaw ko dun. Kasi may tendency na magsawa ang mga tao kung matagal ka nang nag-i-stay since, in a way, ang tingin pa rin nila sa akin, international [artist], kasi hindi naman ako taga-dun. Nakaka-miss din. And, hopefully, sa Malaysia, maging okey rin ang response kapag nagpunta kami," lahad ni Christian.

Dito sa Pilipinas, ang ka-duet ni Christian sa "Please Be Careful With My Heart" ay si Sarah Geronimo. Ang original na kumanta nito, siyempre, ay sina Jose Mari Chan at Regine Velasquez.

Ayon kay Christian, hindi naman bawal ang mangarap kaya ang dream daw niya talaga ay maabot ng bagong album niya ang Diamond Record award.

"Sana mag-Diamond!" tawa niya. "Ang platinum kasi, sampung platinum, so medyo matagal-tagal pa. Pero gusto ko yun. With Jose Mari Chan before, yung Christmas In Our Hearts na album niya, it has reached Double Diamond Record at yung Constant Change, yun ang Diamond. Wala pang piracy yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ang Platinum noong araw, nasa 100 thousand yata. Ngayon, 20,000. Binabaan ng PARI because of piracy. Kung ang status pa rin, e, 100,000, walang makakaabot. So, talagang more than a million albums ang naibenta ni Jose Mari Chan."

So, malaking bagay na kahit meron nang kopya ang maraming Pinoy ng album ni Jose Mari, heto't tinatangkilik pa rin ang revival album ni Christian.

"Alam mo, na-pressure talaga ako noong sinabi sa akin. Pero mas na-excite ako noong sinabi sa akin ang idea. That's a great idea because I love Jose Mari Chan's songs and I always dreamed of singing it before, especially in Jakarta kasi naririnig ko pa ang Jose Mari Chan [songs] dun hanggang ngayon sa radio. Tapos, ang isip ko pa ngayon, palaging international.

"Next year, gusto kong mag-focus sa international. Para something different naman. And somehow ma-recognize ang Philippines ulit na we are a talented nation. We are a great nation. We are a kind nation. Although, there are some unkind people!" natawa niyang sabi.

"Pero, alam mo yun," patuloy niya, "ang tingin nila sa Pilipinas ngayon ang gulo-gulo, lots of tragedy. So, it's time to tell the world na kaya pa natin, we're still okay."

LIFE AFTER ANTHEM BLUNDER. More than two years ago—September 16, 2007—kinanta si Christian ang Philippine National Anthem sa boxing match nina Gerry Peñalosa at Concepcion Bernabe. Umani ng sangkatutak na batikos si Christian pagkatapos niyang magkamali sa pag-wit ng "Lupang Hinirang."

Sa tingin ba ni Christian ay nakaapekto ito sa pag-slow down ng kanyang career?

"Oh, yeah," sagot niya. "It's a bad mistake. Sales were down. Nobody wanted to hire me kasi, parang... E, some people or a lot of people, mas gusto nilang tirahin ang tao kesa sa iangat. Mas palalakihin pa nila [ang pagkakamali] kesa sa iangat ka.

"E, ang challenge dun, una, lahat nagkakamali. Siguro, yung iba lang, hindi masyadong publicized kasi hindi sila nasa limelight. Pero ang challenge, ano ang gagawin mo? Magtatago ka na lang ba sa States? Di ba, yung iba pag nagkamali, punta na lang sa States? Ako, patuloy lang. After a few months, may concert ako, Christian Inspired sa Cuneta [Astrodome], marami namang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, dyino-joke ko na lang yun. Bawat guesting ko na may National Anthem, sinasabi ko, 'Gusto n'yo ako ang kumanta? Sorry, late ako, e.' I just laughed about it because it reminds to always do my best also after. At saka, it reminds me na kapag naiisip ko ang position ko ngayon, kahit anong mistakes, puwede kang makaangat dun, puwede kang makabalik at mag-turn around. Huwag mong hayaang mag-stuck lang dun. Yes, nasa record mo na yun, pero puwede mong matabunan yun sa dami ng extra success na puwede mong gawin after that."

Sa success na tinatamasa niya with his new album, aniya, "Puwede na nating sabihin natabunan na yun and I hope marami pa ring mangyayari. And in a way, nakanta ko na rin ang National Anthem sa opening ng NCAA."

ZERO LOVELIFE. Cliché man daw, pero parang nagpi-fit kay Christian ang kasabihan sa showbiz na "bongga ang career, pero zero ang lovelife."

Pareho na ulit silang single and available ng kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go, who recently broke up with dancer Gab Valenciano. Kumusta na sila ni Rachelle?

"Friends naman kami," sagot ni Christian. "Hindi naman nawala yung friendship. Of course, it will not be as close definitely as before. Ngayon lang, e, she's going through another breakup. Pero sabi ko naman sa ilang interview, I'll be praying for both of them. It's sad, it's sad na nagka-break sila."

Nagkausap na ba sila personally?

"Sa ASAP lang, parang we were in a group. Tapos, parang may nagsabi na, 'Rachelle, okay ka lang?' And she said, she's okay naman daw. And I believe naman na in a relationship, it's good to still be the best with that person kasi you will continually see that person, whoever that person is. So, I'll just gonna pray for her and Gab as well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If ever, posible kayang magkabalikan sila ni Rachelle?

"I'm enjoying my single life right now. Tiningnan ko ang schedules ko, punong-puno. Totoo pala yung there's no time. Pero kung ma-meet ko ang girl, I will make time for her, definitely. Pero sa ngayon, wala pa dun ang focus.

"Ayoko rin namang sabihin na wala nang chance kasi si God lang ang makakaalam, who knows the future. Right now, right at this moment, hindi na muna kasi you have to balance this thing. Unfair din naman sa girl kung hindi ko siya makikita madalas," paliwanag niya.

Hindi raw advisable sa kanya ang magkaroon ng lovelife sa gitna ng career niya.

"Hindi, siguro hindi lang ako marunong before kung paano i-juggle ang career and any other things. So, ngayon, feeling ko, mas wise na naman ako. And I will need a really, really understanding girl. Pero right now, I enjoy my life. I can go out with anybody at wala kang iisipin muna. Okey rin, e," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN