Rhian Ramos willing to work with Dingdong Dantes and Marian Rivera

"Sa success na nakukuha namin, parang nabibigay ko yung credit sa story dahil napakaganda naman talaga nung kuwento. Mahirap i-ignore yung ganun kagandang kuwento, e. Napanood ko yung original version and talagang direkta sa puso ang tama. Also, ang ganda ng treatment na ginawa nila for this version. Hindi namin totally ginaya yung original. Iba yung Jodi nila, iba yung Cholo nila," says Rhian Ramos about the success of Stairway To Heaven.


Masayang-masaya si Rhian Ramos dahil patuloy sa pagtaas ang ratings ng pinagbibidahan niyang soap sa GMA-7 with Dingdong Dantes na Stairway To Heaven. Base sa recent Mega Manila ratings ay lumalapit na ang ratings ng Stairway To Heaven sa current leader na Darna, na mula rin sa Kapuso network.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa taping ng Stairway To Heaven sa Malolos, Bulacan kahapon, November 11.

"Happy na happy, siyempre!" bulalas niya. "Kasi parang sayang naman yung napakagandang love story kung hindi siya natanggap or napansin for any reason. Ang saya lang namin ngayon na hindi nasayang yung efforts namin para gumawa ng magandang show. Kasi hindi rin naman madaling gawin itong show na ito. Napaka-emotionally tiring nitong show na ito."

Sa tingin niya ba yung magandang ratings ng soap nila ay patunay na natanggap na ng mga manonood ang tambalan nila ni Dingdong as Jodi at Cholo?

"Ako naman, from the start, hindi ako masyadong nag-worry about kung bagay ba kami, yung ganun. Kasi hindi naman talaga kami love team, partners lang kami sa show na ito. I think yung chemistry kasi ay isang bagay na you can work on, e. And we're really working on it. Kasi, siyempre, ngayon ko lang siya nakatrabaho and hindi naman puwedeng close kami agad.

"And then, sa success na nakukuha namin, parang nabibigay ko yung credit sa story dahil napakaganda naman talaga nung kuwento. Mahirap i-ignore yung ganun kagandang kuwento, e. Napanood ko yung original version and talagang direkta sa puso ang tama. Also, ang ganda ng treatment na ginawa nila for this version. Hindi namin totally ginaya yung original. Iba yung Jodi nila, iba yung Cholo nila," saad ng 19-year-old actress.

Ang Stairway To Heaven ay base sa isang Koreanovela na tinampukan ng Korean superstars na sina Choi Ji Woo at Kwon Sang Woo. Ipinalabas ang original version sa GMA-7 din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang comment niya sa pag-link sa kanila ni Dingdong?

"Sa totoo lang, I was thinking na one of these days it's bound to happen," pag-amin ni Rhian. "Yung sa start pa lang, sabi ko, kahit anong mangyari mali-link kami in some way or may lalabas tungkol sa amin. Kasi sa totoo lang, nakakita na ba kayo ng mag-partners na hindi tsinismis kahit konti? And then, nandiyan pa yung kissing scenes.

"Siyempre, naiintindihan ko na rin yung logic na tingnan niyo na rin kung gaano ka-intense yung mga ginagawa namin para sa eksena. Parang it's hard to imagine na wala talaga. Kasi pag nakita mo yung eksena, sobrang intense yung love nila—ni Jodi at ni Cholo. So, parang mahirap intindihin na sa totoong buhay ay wala naman talaga. Parang mahirap siguro para sa ibang tao yung seriously hinahalikan mo ng ganyan, tapos pagkatapos ng take, wala lang. Kaya siguro may mga lumalabas. Kaya kailangan kaming lagyan ng kuwento or something."

WILLING TO WORK WITH DINGDONG & MARIAN. Sa isang interview ng rumored girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, wala naman daw reason para magselos siya kay Rhian. Ano ang reaksiyon dito ni Rhian?

"Oo, wala naman talaga, e," pagsang-ayon niya. "I think kung ano lang yung nire-require ng trabaho, yun lang yung ginagawa namin. Wala din naman kaming ginagawang 'extra-curricular activities.'"

Close ba sila ni Marian?

"No, e, kasi never ko pa siyang nakatrabaho," direkta niyang sagot. "Usually kasi yung nagiging bonding ko sa ibang artista, yung nagka-show kami. For example kami ni Dong, never kaming nakapag-usap before until nagkaroon kami ng show. And yun ang usual na case sa lahat ng mga nakakatrabaho ko."

Willing ba siyang gumawa ng love triangle movie or soap with Dingdong and Marian?

"Ako, ayos lang. Hindi naman kasi ako ang nagsasabi kung ano yung gagawin kong susunod, di ba? Hindi naman ako yung nagsasabi kung ano yung next project ko. Pero given a chance, why not? Ako, well, hindi naman talaga ako fan na fan, pero pinapanood ko talaga yung Darna ngayon, e. Nae-excite ako pag sinasabi niya yung, 'Ding, ang bato!' Di ba, yung sikat na line?" saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THOUGHTFUL DINGDONG. Ayon kay Rhian, habang tumatagal ay mas nakikilala nila ni Dingdong ang isa't isa. Ano ang mga bagay na natuklasan niya kay Dingdong?

"Ako, napansin ko na he pays attention sa mga maliliit na detalye. Minsan hindi niya rin ipapahalata kung napansin niya o hindi. Ewan ko, ako kasi napapansin ko, e. Kasi I pay attention to small details also. Very sensitive siya na kahit anong maliit na change, like kunwari may nagbago sa mood mo kahit hindi mo pinapahalata, mahahalata niya. At saka bilang actor din, very responsive siya. Kung ano yung ibinigay mo, gagamitin niya talaga yun. Very observant," paglalarawan ni Rhian sa kapareha.

Pero naging sweet din ba si Dingdong sa kanya bilang leading lady?

"Well, yeah, very gentleman siya," sagot ni Rhian. "At saka hindi naman siya yung isang tao na cold. Naturally thoughtful siya. Talagang natural sa kanya yung iniisip niya sa ibang tao. At saka nakikita mo talaga yun sa kanya. Like, for example, nung pagkatapos ng bagyo, siya yung type ng person na he goes out of his way para isipin yung ibang tao."

Hindi rin daw makakalimutan ni Rhian ang pagiging thoughtful ni Dingdong lalo na nung sorpresahin siya nito sa birthday niya last October 3.

"Tapos nung birthday ko, I don't know how, kung paano niya nalaman yung paborito kong cake. Pero nalaman niya at 'yon ang ibinigay niya sa akin, yung blueberry cheesecake. Nagulat ako kasi nandun kami sa isang location sa Makati noon... Kasi nag-birthday ako October 3, pero nag-taping kami ng October 2, and then wala siya kasi wala siyang taping noon. So, nung midnight, kinantahan ako ng buong set. Sinurprise nila ako pagbaba ko ng elevator, pagbukas ng pinto, lahat sila nandun tapos kumanta na sila ng 'Happy Birthday.'

"And then, the next taping day, nung pumunta ako ng work, inilagay ko yung gamit ko sa isang room na ako lang yung nandun. At saka ako lang yata yung pumunta sa floor na yun. So, nandun lang ako tumatambay mag-isa. And then nung pinabihis ako for the next scene, nagpunta ako ng CR, nagbihis ako. Pagbalik ko sa kuwarto ko, may cake na sa kama ko. 'Ano ito?' Tapos nung pagtingin ko sa likod ko, nandun na pala siya [Dingdong]. Tapos, 'Uy, happy birthday!' ganyan-ganyan. Sabi ko, 'Paano mo nalaman ang favorite flavor ko?' Bilog siya tapos may isang malaking 'Happy Birthday Rhian, Love Dingdong.' May pangalan niya. Sabi ko, 'Wow, kailangan may pangalan!' Pinag-tripan ko talaga siya noon. At ipinapaalam niya, sabi niya, 'Cake ko 'yan! Sa akin galing 'yan!'" masayang lahad ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rhian, hindi pa raw siya hinihingan ng tulong o support ni Dingdong para sa Yes Pinoy Foundation na itinatag ng aktor. Pero kung lalapit daw sa kanya ang leading man ay willing siyang tulungan ito.

"Oh, yeah. I would do many things naman. One, to help, and two, for him."

GOODBYE STAIRWAY TO HEAVEN. Isang buwan na lang ang itatakbo sa ere ng Stairway To Heaven. Nalulungkot ba si Rhian na hindi na ito mae-extend?

"Hindi naman, kasi ganun talaga pag pine-play ang isang show. Mahirap mag-extend. Kahit nga ang Zorro, hindi naman ma-extend-extend kahit puwede pa, kahit marami pa kaming magagawa sa story. At saka kahit ang taas ng ratings namin at that time, hindi na lang namin in-extend kasi yun na nga, may kontrata talaga. So, coming in to Stairway, inintindi ko naman agad-agad na may limit yung show namin kung gaano katagal mag-e-air."

Ano ang mami-miss niya sa show?

"Mabugbog, ganun. Masagasaan... Kasi baka yung next show ko, hindi na ako masagasaan, e!" natatawang biro ni Rhian.

Speaking of bugbugan, totoo bang nagkakasakitan daw sila talaga ni Glaiza de Castro, na gumaganap bilang kontrabidang si Eunice, sa mga eksena nila?

"Hindi naman. Meron din minsan. Pero wala naman kaming personalan, e," sagot ni Rhian.

Inamin ni Rhian na dahil daw sa intense na eksena nila ay nabukulan siya sa ulo minsan. May mga times naman na sariling kagagawan niya rin daw kung bakit siya nasasaktan.

"Minsan may pasa ako hindi dahil sa kanila kundi dahil sa sariling katangahan ko lang. May mga ganun na self-inflicted. Kunwari pag sinabing lumuhod, dina-drop ko talaga lahat ng weight ko sa tuhod ko. Tapos bigla ko na lang mararamdaman yung pain. Tapos pag tiningnan ko na yung tuhod ko, blue na siya. Ang cute nga ng kulay ng tuhod ko ngayon!" biro ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit daw kay Jean Garcia, na gumaganap na stepmother niya, ay maraming beses na siyang nasaktan. Pero okay lang daw kay Rhian dahil bago pa nila gawin ang eksena ay nag-uusap sila.

"Actually, kung may pananakit na mangyayari, sinasabi talaga nila agad sa akin yung ano yung mangyayari. Kunwari si Ms. Jean, bago siya gumawa ng scene na mananampal siya, sasabihin niya agad, 'Uy, saluhin mo na lang, ha. Wag kang gagalaw baka magkamali pa ako ng ano.' Puwede naman dayain sana, pero hindi namin ginagawa. Hindi kami madadaya."

May pagkakataon ba nang sampalin siya ay parang nahilo siya?

"Meron, nakalimutan ko nga yung linya ko sa lakas ng sampal, e!" tawa niya. "Yung pinakaunang sampal ni Glaiza, dun ako nagulat. Nayanig ako. Pagsampal sa akin, parang hindi ko na maalala kung ano yung nakikita ko. Pero naaalala ko na hindi ko siya mahanap. Kasi yung tumakbo sa isipan ko pagsampal, pak! 'Nasaan si Glaiza?' Yung ganun. Yung bigla na lang akong hilong-hilo na parang, 'Nasaan ako, nasaan si Glaiza? Ay, eksena ko na pala! Ano ang linya ko?' Mag-iimbento na lang ako. Ganun."

Bagama't kontrabida raw ang role ni Glaiza sa soap, sa totoong buhay naman daw ay magkaibigan sila nito.

"Oo, naging textmates kami. Sobrang easy siya to get along with. Napaka-okay niya.... napaka-cool niya lang babae. So, I'm very happy na nakapag-form ako ng friendship with her."

NEXT PROJECTS. Ano ang susunod niyang project after ng Stairway To Heaven?

"Right now, wala akong ine-expect na gagawin for TV after ng Stairway. Kasi nung pagkatapos ng Zorro, dapat breaktime muna ako. Kasi gagawa sana ako ng album at saka dalawang indie movies. So, dahil ginawa ko yung Stairway na-postpone yun. Hindi naman ako puwedeng gumawa ng album habang gumagawa ako ng drama kasi paos na paos ako lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa 2010 ay ie-emerge ko na ang sarili ko sa paggawa ng album. Utang ko pa rin yung dalawang indie film na yun, e. Yung isa heavy drama, yung isa love story siya na puwedeng pang-family. Never pa akong gumawa ng indie. So, first time kong mag-indie."

Upbeat naman ang concept ng album na gagawin niya under Bellhaus Entertainment.

"Nagsimula yung album-album na 'yan kasi one time, nakita nila akong kumanta sa SOP. Sabi nila, puwede raw akong kumanta. E, ako ini-enjoy ko ang pagkanta. So, sabi ko, 'Sige, let's look into that.'"

Wish nga ni Rhian na magawa niya ang lahat ng projects na naka-lineup para sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN