Coco Martin thanks veteran actress Gina Pareño for the improvement of his acting

"Very thankful po ako talaga kay Tita Gina kasi ano, e, sa totoo po, actually lumalim yung bonding namin. Si Tita Gina kasi, sobrang tutok niya sa trabaho. Yung pag-uwi niya ng bahay, ginagawa niyang homework yung script niya. And then, pati yung script ko ginagawa niya ring homework, pinag-aaralan din niya para sa akin. 'Tapos tinuturuan niya ako kung paano ang tamang pag-arte na gagawin ko pagdating niya sa set. Ganoon siya sa akin," says Coco Martin about Tayo


Nominado si Coco Martin for Best Drama Actor sa darating na Star Awards For TV—na gaganapin sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Grand Theater sa November 29— para sa pagganap niya bilang Ramon sa defunct series na Tayong Dalawa ng ABS-CBN.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Coco noong Miyerkules, November 11, sa compound ng ABS-CBN, ay nagpasalamat siya sa nominasyong nakuha niya.

"Actually, nabalitaan ko lang po na nominated ako siguro mga two days ago. Sobrang thankful. At least nagbunga yung pinagpaguran namin, yung pagtutulungan namin," saad ni Coco.

THANKFUL TO "LOLA GETS." Ang veteran actress na si Gina Pareño ang gumanap na Lola Gets ni Coco sa Tayong Dalawa. Nagpapasalamat din si Coco kay Gina dahil kung hindi raw dito ay hindi lalabas na maganda ang akting niya sa nasabing serye.

"Very thankful po ako talaga kay Tita Gina kasi ano, e, sa totoo po, actually lumalim yung bonding namin. Si Tita Gina kasi, sobrang tutok niya sa trabaho. Yung pag-uwi niya ng bahay, ginagawa niyang homework yung script niya. And then, pati yung script ko, ginagawa niya ring homework, pinag-aaralan din niya para sa akin. Tapos tinuturuan niya ako kung paano ang tamang pag-arte na gagawin ko pagdating niya sa set. Ganoon siya sa akin.

"Pero ako, sa sobrang galing ni Tita Gina, napi-pressure ako. Naiisip ko noon na baka sa mga eksena namin, hindi ako maka-deliver nang tama. Siyempre, lalo akong kinakabahan kasi tinutulungan niya ako, tapos tinututukan niya ako na, 'Anak, anuhin natin ito, trabahuhin natin ito,' ganyan, ganyan. Siyempre ako, napi-pressure, lalo dahil baka hindi ko maabot yung level niya.

"Natutuwa ako kay Tita Gina dahil sa sobrang suporta talaga na ibinigay niya sa akin sa bawat eksena namin noon sa Tayong Dalawa. Kaya ang nangyari talaga, para kaming naging tunay na mag-lola. 'Tsaka iba yung ano... hindi bilang magkatrabaho. Nagkaroon talaga kami ng sobrang bonding."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang maituturing ni Coco na memorable na eksena niya sa Tayong Dalawa?

"Yung death scene niya [Gina]. Talagang inano ko na parang... kasi sa sobrang pagmamahal ko kay Tita Gina, yung eksenang yun... ano, e, parang naipakita ko sa acting ko na sobrang nasaktan ako na namatay yung lola ko."

PRINCE OF INDIE FILMS. Si Coco Martin ang binansagang "Prince of Indie Films" dahil marami siyang nagawang ganitong klaseng pelikula. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin umarangkada nang husto ang kanyang career. Napansin at nakilala lang talaga siya ng publiko mula nang mapasama siya sa Tayong Dalawa.

"Ano naman po, actually, sobrang happy ako sa ano ko, sa career ko sa indie. Kasi ako naman po, dati talaga, hindi ko naman inaakala at hindi ko naiisip na makakapagtabaho ako sa mainstream o sa TV. Talagang ang focus ko noon is puro indie lang.

"Kasi lagi po kaming lumalaban sa abroad. Yung mentality ko po parang... Sabi nga nila, bakit parang naging ganoon ako ka-daring. Kung bakit ganoon kalakas yung loob ko, lalung-lalo na nung bata ako. Kasi namulat ako sa mundo ng indie. And then sa international, kasi yung mga ganoong eksena, yung may mga sensitibong eksena, hindi big deal.

"Kumbaga, dahil doon ka namulat, parang hindi na big deal sa 'yo yung mga ganoong proyekto. At naniniwala ako na the more na tama yung mga taong nasa paligid ko, at alam ko na tama yung mga project na ginagawa ko, hindi ako nagbibigay ng limitasyon. Kasi para sa akin, parte ng pagiging artista mo yung katawan mo. Hindi lang naman totally yung acting mo. Kailangan lahat yun kasama.

"Ngayon naman po, nung ayun nga, nabigyan ako ng chance na mapasama sa Tayong Dalawa, talagang ang laking tulong nun sa akin. Marami na nga po ang nakakakilala sa akin ngayon. Dati, halos walang pumapansin sa akin. At dahil sa show na yun, siyempre, marami akong problema noon, yung financial, ganoon, biglang nagbago ang buhay ko," saad ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN